Chapter 40 "Anong ginagawa mo rito, Del Marcel?" seryosong tanong ni Wave kay Sir Silver. "Pumapayag na ako sa gusto mo." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Walang ideya kung ano ang sinasabi nila. "You should've called." "I'm planning that too, but I saw her." ani niya sa akin. Para akong namutla dahil tinuro ako ni Sir Silver habang si Wave naman ay nakataas na ngayon ang isang kilay. "Kaya hinatid ko na siya rito." "Hinatid?" May sasabihin pa dapat si Wave pero muling pumasok si Carla sa opisina kasama ang mga pulis habang dala-dala si Dianne at nakaposas. Wala na naman akong ideya sa nangyayari. Ang natatandaan ko lang na sinabi ng pulis ay si Dianne ay may kagagawan ng lahat. Siya iyong nagnakaw sa kumpanya at nag-utos sa dalawang lalaki noong gabing 'yon para m

