Chapter 41 ANG BABY SHOWER NILA SIR DREW AT NI MA’AM STELLA ay natapos noong gabing ‘yon na puno ng kalokohan dahil sa mapang-asar na tawag ni Wave sa akin na sinundan ko rin. Hindi niya ata inaasahan na papatulan ko iyong pagtawag niya sa akin ng love dahil matapos ko siya tawagin ng bibi ko ay namula ito na parang kamatis na inasar-asar ni Sir Drew pagkatapos kaya umuwi kami ni Wave na nakabusangot ang kanyang mukha. Kaya ngayon ay wala akong tigil sa kakapatugtog ng Zebbiana ni Skusta Clee habang sinasabayan ang pagkanta nito dahil talagang natawa ako sa reaksyon ni Wave kahapon. Kaso lang wala ka na Pero alam ko na masaya ka na Sa mundo ko, wala nang makakagawa Makakatumbas ng ‘yong napadama Kaya salamat sa pag-ibig mo Lagi kang nasa puso’t isip ko, isip ko. At inaam

