Chapter 28 Ylan's POV Pasado alas-dos na nang matapos ako rito sa band booth. Abala ako sa pag-aayos ng mga papel dito sa table nang bigla kong maalala 'yong schedule practice ko sa play mamaya. "Hays... Magpra-practice pa ba ako?" Nayayamot kong tanong sa sarili. Parang bigla akong tinamad. Kung noon ay gusto kong maging Romeo, ngayon ay hindi na. Nagbago na ang lahat. Noong kapanahunan pa namin ni Yna 'yong pangarap ko na 'yon. Gusto ko lang namang gumanap na Romeo noon dahil siguradong si Yna ang magiging Juliet. Tapos na kami ni Yna. Kahit magkita pa kami ulit ay nasisiguro kong hindi na kami magiging katulad ng dati. Ayaw ko siyang isipin. Si Ang sagwa na sa pakiramdam sa tuwing iniisip ko 'yong acting na gagawin ko. Masyadong romantic 'yong umpisa ng story na 'yon. Hindi ko k

