Chapter 31 Ylan's POV Pagkapasok ko rito sa theatre building ay nakita ko agad si Ma'am Bea sa gitna ng stage. Kasalukuyan siyang nakatayo habang abalang nakatingin sa hawak niyang papel. Kung hindi lang kay Tanda ay hindi ako pupunta rito. Tama naman siya sa tinuran niya kanina, gawin ko na lang 'yong play para matapos na. Final grade ko na rin naman 'yon sa exam namin sa theatre subject. Hindi naman ako lugi kung tutuusin. Hindi naman kasi kailangang makarating pa kay Dad na ako ang gaganap na Romeo. Mas natuwa tuloy siya. Sigurado akong lilipad 'yon pauwi rito para panoorin ako. Istrikto at bossy man si Dad pero never siyang nawala sa mga mahahalagang kaganapan sa buhay ko. Gustong-gusto niya akong pinapanood kapag nagpe-perform sa stage. Ilang beses ko mang paghinalaan ang pagmamah

