Chapter 30 Sapp's POV Pagkatapos namin kunin 'yong uniform ko ay nagtungo kami rito sa likod ng theatre building. "Ana," mahinang tawag ko sa kanya. "Tama ba? Ana ang pangalan mo, right?" Gusto ko lang malaman kung tama 'yong narinig kong pangalan niya kanina. "Puwede namang Ana. Puwede rin namang Nan," nakangiti naman niyang sagot. Biglang sumagi sa isipan ko 'yong isa sa pinakamahal na gatas dito sa Pilipinas. "Bakit naman Nan? Nan ba 'yong gatas mo noong baby ka?" "Oo, sa brands nga ng gatas kinuha 'yong palayaw ko na 'yon pero Ana talaga 'yong pangalan ko," ani naman niya. "Ah," tumatango ko na lang na sambit. "Ikaw, ano pala ang buong pangalan mo? "Sapphira Snow Sari Serafina," sagot ko naman nang hindi ngumingiti. Napanganga siya at parang manghang-mangha sa pangalan ko.

