The Beginning
✢✢✢✢✢
"Ahianne gising na, malalate ka na sa klase"
Boses ni Tita Chie ang gumising sakin.Bakit ba nakalimutan kong lunes ngayon? Tamad na bumangon ako at pumasok na sa banyo.
"Tita si Papa po?"
Pagbaba ko ay nakahanda na ang almusal at marahil ay ako na lamang ang hinihintay.
"Maagang umalis may emergency meeting raw",
sagot niya habang inaayos ang baon ko sa lunchbox. Nakatatandang kapatid ni mama si Tita, lagi siya ang kasama ko sa tuwing may pupuntahang meeting si Papa sa ibang lugar.
Normal lang naman ang araw ko sa school. Nakakairita lang ang mga drama ng mga kaklase kong pressured dahil hindi nakatapos ng project. Kailangan tuloy nilang i-rush dahil mag babakasyon na.
"Ayaaaaaa"
Napatakip ako sa tenga ng marinig ang matinis na boses ni Thelma habang tumatakbo sa kahabaan ng hallway.
Classmate ko siya since grade eight till Senior High, bakit? kumuha lang naman siya ng katulad sa strand ko dahil undecided siya at para raw may makokopyahan siya.
"Alam mo na kung saan kayo magbabakasyon? Excited nako one week nalang"
tanong niya bigla habang binabati ang mga schoolmates naming dumadaan.
"Hindi pa busy pa si papa"
sagot ko sa kanya. Totoo naman, these past few months busy si papa sa trabaho lalo na at kaka promote lang niya.
"Sabi ni Ate Rose isasama niya ako sa tour niya. She's choosing Spain I guess?"
, She's giggling while imagining things again. Napailing nalang ako ng maglulundag siya. Sabi na nga ba.
Napakunot ang noo ko ng makitang bukas ang gate ng bahay. Marahan akong humakbang sa pinto para hindi makagawa ng ingay.
" Ate Aya! "
I almost jump when someone hug my legs.
"Chive wag mong ginugulat si Ate ng ganun!"
Nakasapo ang kamay ko sa dibdib habang nakatingin sa pinsan kong four years old. At ang sutil tinawanan pa ako.
"Chive nagkukulit ka naman"
Ani Ate Chary. Panganay na anak ni Tita Chie at bunso naman si Chive, malayo agwat nila kaya siguro sutil. Tss.
Si Tita ang nag-aasikaso ng hapunan habang nasa garden naman si Papa kasama si Tito Renan.
Mabilis akong nagbihis ng pamabahay at nakipaglaro kay Chive. Sobrang energetic niya to the point na ikaw na ang susuko.
"Naisip kong bumalik muna ng Japan tutal ay bakasyon narin naman. Ano sa tingin mo anak?", halos mabulunan ako sa biglaang tanong ni Papa. Agad akong inaabutan ni Ate ng tubig.
" Maganda yun hija! Mababagot ka lamang kung mananatili ka sa bahay, maari kayong mamasyal ni Chary habang nasa trabaho ang papa mo", pagsang ayon ni Tita. Ngumiti naman sa akin si Ate Chary na tinanguan ko lang. Ano pa bang magagawa ko? Nakapag desisyon na sila.
May limang araw pa ako bago ang flight namin papuntang Japan. Tinapos ko lang ang mga dapat kong ipasa at mga reports sa org.
"Aya kanina ka pa tinitingnan ng lalaking yun", she's tugging my shirt to get my attention.
"Baka nagkakamali kalang Thel, hindi talaga ako yun", walang pakeng sagot ko sa kanya. Mas focus ako sa pamimili ng damit panglamig ko.
"OMG girl sayo nga nakatingin!", tumatawang ani niya. Napilitan akong lumingon sa lalaking tinuturo niya. Kaya lang ay hindi ko maaninag ang mukha niya dahil bigla niyang nilihis ang mukha.
Hinila ko na lamang sa ibang store si Thelma dahil mukhang walang balak ang isang to. Wala talaga akong interes sa mga bagay na ganyan. Hindi ko sinasabing wala akong pake pero parang ganun na nga.
Iisipin ko palang kasi kinikilabutan na ako. I tried it before, pero hindi naging maganda ang resulta.
Hindi naman sa I hate being with men, hindi rin sa mas gusto ko ang mga babae. It's just that I just hate the fact being in a damn relationship.
So confusing.
"Ticket mo Aya", bulong ni Papa habang nakapila kami.
Boarding na namin at nakipag agawan pa ako kay Ate Chary ng upuan, gusto ko kasi sa may bintana. Sinaway naman kami ni Papa dahil nakakahiya at nakukuha na namin ang atemsiyon ng ibang pasahero.
Inubos ko lang ang oras ko kakatingin sa ulap at ng antukin ay natulog nalang ako. Gumising lang ako ng maramdaman ang mahihinang tapik ni Ate.
Sobrang nakakapanibago ang hangin,lalo na ang paligid. Nakakamiss. Parang binalik lang ako nung bata pa.
Buong araw kaming tulog at kinabukasan ay may kailangang puntahan si Papa, malaya kaming mag - ikot ni Ate Chary.
"San mo gustong pumunta?", tanong niya habang nag - aalmusal kami. Ngumiti naman ako sa kanya ng malaki at ipinakita ang listahan ng mga lugar na gustong kong puntahan. Tinawanan niya naman ako dahil dun.
Una naming pinuntahan ang Asakusa. Sobrang daming tao, kinailangan pa naming makisiksik para lang maka daan.
" Isa pa Aya dali!", Excited na binigay ni Ate Chary ang camera sa akin at nag pose. Gusto niya raw kasi mag pa-picture sa Kaminarimon Gate bilang souvenir.
Bagot na kinuhanan ko siya ng litrato at hindi na pinansin ang mga taong hindi makadaan, dahil hinaharangan namin.
Magtatakipsilim na ng mapagdesisyunan naming huminto sa Nabezo Center Street, it's an Asian-Japanese restaurant.
"Sheez he's starting to get into my nerves", mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.
" Bakit hindi mo hiwalayan?",walang kwentang tanong ko sa kanya.
" Ala mo ba yung three months dating rule? wala pa kaming three months", she blurted.
Napaikot naman ang mata ko sa kanya. Like I would understand that matter.
Nahihilo ako sa iba't ibang ilaw na nagmumula sa mga naglalakihang billboards, lalo pa at malamit ng mag dilim.
Sumabay kami sa mga taong tumatawid sa Shibuya Crossing. Malapad ang ngiti ko dahil pabalik na kami sa bahay at sa wakas ay makakapag pahinga na rin.
Hindi ko namalayan ang pag sigaw ng mga tao at narinig na lamang ang matinis ngunit papahinang boses ni Ate Chary.
Nagising ako sa amoy ng disinfectant. Napangiwi ako ng maramdaman ang kirot sa aking ulo at sa may bandang likuran. Tatayo na sana ako ng..
"Ano ka ba hindi ka pa pwedeng gumalaw"
Natatarantang tinulungan ako ng isang nurse. May edad na siya kung tignan pero mukhang kasing edad lang siya ni Papa.
"Ayos lang po ako, si Ate Chary po?", tanong ko sa kanya. Ngunit pag kunot lamang ng noo ang sinagot niya sa akin.
"Ahh iyong bang kasama mo kanina? Lumabas muna may kausap ata", sagot niya habang inaayos ang aparatu.
Saka ko lamang napansin ang katulong niya ay isang robot. At ayos ng silid ay tila kakaiba. Isinawalang bahala ko iyon, kung sabagay advance na ang Japan kaya baka ganito.
"Saiki maiwan na kita dito aasikasuhin ko pa ang pasyente sa kabila. Fred tayo na!", pagkausap ng Nurse sa akin habang nililigpit ang kaniyang gamit.
" Hindi po Saiki ang pangalan ko", kunot noong baling ko sa kanya.
" Marahil ay epekto ng pagkahulog mo sa hagdanan iyan. Sa susunod ay mag-iingat ka na. Hmmm?"
Bago pa ako makapag protesta ay nakalabas na siya ng silid ko. Naiwan akong lito sa sinabi niya. Umiling nalabg ako at dumeretso sa banyo.
"Mahal ka talaga ng tatay mo Ahianne", pagkausap ko sa sarili habang nakatingin sa kabuuan ng kwarto.
May kalakihan ang kwarto na ipinagpasalamat ko.
Nasa akmang hahawakan ko na ang gripo ng makita ang sarili ko sa salamin.
"A-Anong?!"