DIA2: Chapter 1
Ice POV
"Ice, ready ka na?"- tanong sakin ni Devin sabay yakap niya sakin mula sa likod.
Bahagya naman akong natawa.
"Diba dapat ako ang nagtatanong niyan? Ikaw ang magbubukas ng pasukan ngayong taon diba?"- saad ko sabay harap ko sa kanya.
Tumango naman siya.
"Yeah, ako nga ang magbubukas ng klase ngayong taon sa DIA pero... hindi pa rin nun mababago yung katotohanan na ikaw ang may-ari ng DIA at kailangan mo pa ring mag-speech para makilala ka at magbigay ng kahit kaunting advice para sa mga bagong estudyante nito."- saad niya.
Ngumiwi naman ako.
"Aish! Ayoko talagang ginagawa yun eh! Pwede bang ikaw na rin yung gumawa nun para sakin?"- saad ko.
Napaisip naman siya.
"Hmm? pero ano naman kayang makukuha kong kapalit?"- saad niya sabay ngisi.
Napapoker face naman ako.
"Wag na nga lang, gagawin ko na kahit ayoko."- saad ko sabay tanggal ko sa pagkakayakap niya sakin at lakad ko paalis.
Agad naman niya kong hinabol.
"Uy! Biro lang yun! Ang pikon talaga nito!"- natatawa niyang sabi sabay harap niya muli sakin sa kanya.
"Diba sabi ko sayo dati gagawin ko lahat para sayo? Kaya naman kahit anong ipagawa mo sakin... gagawin ko. Ayaw mong mag-speech? Ako ang gagawa para sayo!"- saad nya sabay ngiti at halik sakin sa noo.
Napangiti naman ako at pagkatapos ay niyakap ko siya.
"Kaya mahal na mahal kita eh, galing-galing talaga ng Mister ko!"- saad ko.
Niyakap naman niya ko pabalik.
"Ako pa ba?"- saad niya.
2 years na ang nakalipas simula nang mabawi namin ang DIA mula kay Tito June. Simula nang mabawi namin ang DIA ay agad namin itong ipinaayos ng mga magulang ko nang sa ganun ay masimulan namin kaagad ang pangarap ko para sa paaralan.
Yun ay ang gawin itong isang normal na paaralan na bukas para sa lahat ng mga nais ditong mag-aral.
Sa unang taon ng pagiging isang Normal na paaralan ng DIA, naging maayos ang lahat. Kasama ko sa pagpapatakbo nito ang Mister ko na ngayong si Devin, 2 years na kaming kasal. Nagpakasal kami pagkatapos kong buksan ang DIA para sa lahat. Masaya kaming namumuhay sa sarili naming bahay ngayon na regalo samin ng mga magulang namin. Bukod kay Devin, kasama ko rin sa pagpapatakbo sa DIA sina Ashlie, Bryan, Ylana, Brent, Grey at Alex na masasaya na rin ngayon sa kani-kanilang mga buhay.
Tuwing ganitong simula ng klase, nananatili kaming lahat sa Dark Island upang mabantayan ng maigi ang DIA. Nagpatayo kami roon ng isang malaking bahay upang doon kami manatiling lahat.
Sa loob ng dalawang taon na pagiging normal na paaralan ng DIA, naging maayos ang lahat. Tila nawala ang dati nitong imahe at ngayong pangatlong taon nito, sana maging maayos muli ang lahat.
"Ninang! Ninong!"- rinig kong sigaw ng isang bata.
Agad naman kaming naghiwalay ni Devin at tinignan kung sino ito.
"Blake!"- tuwang-tuwa kong sabi sabay lapit at buhat ko rito.
"Aba! Anong ginagawa rito ni Bryan the second?"- saad ni Devin sabay lapit saming dalawa ni Blake.
Agad namang sumagot ang bata.
"Mommy brought me here!"- sagot ni Blake.
Di ko naman napigilan ang sarili kong hindi panggigilan ang napakatalino at napakabibong batang ito kaya't pinaghahalikan ko ito ng todo.
"Nako! ikaw na bata ka! Dalawang taon ka pa lamang may pa-english-english ka nang nalalaman at ang tatas mo na agad magsalita! Mabuti na lamang at hindi ka ganoong nagmana sa Mommy mong may pagkashunga-shunga! Buti na lamang at napunta sayo ang katalinuhan ng Daddy mo na kaunti lang at kabibuhan lang ang namana mo sa Mommy mo!"- saad ko habang pinanggigigilan ko ang bata.
"Narinig ko yun."- rinig kong saad ni Ashlie.
Agad naman akong napatingin dito. Kasama nito ang mister niyang si Bryan na tawa nang tawa sa tabi niya.
"Bakit ka tumatawa!"- sigaw ni Ashlie kay Bryan.
Agad namang umayos si Bryan.
"W- wala po!"- saad nito.
Binaba ko naman si Blake na agad tumakbo palapit sa Daddy niya.
"Mommy is Bad! Mommy, you're yelling at Daddy again!"- saad ni Blake kay Ashlie sabay cross arms at nguso nito.
Natawa naman ako.
"Sorry Baby, sira-ulo kasi Daddy mo eh."- saad ni Ashlie.
Napailing-iling naman ako.
"Tch. May asawa't anak na lahat-lahat di pa rin nagbabago. Wag mong ipinapakita sa Anak mo yang ugali mo na yan, baka mamaya gayahin ni Blake yan."- saad ko.
Nagcross arms naman si Ashlie.
"Kasi naman eh! Lagi na lang akong naaapi! Tignan mo ikaw inaapi mo ko tas tignan mo pati anak ko inaapi ako! Tignan niyo nga! Kamping-kampi sa Daddy niyang sira-ulo!"- saad ni Ashlie.
Nilapitan naman siya ni Blake at niyakap.
"Kasi Mommy lagi mong kinakawawa si Daddy, pero love din naman kita kahit na ang bad mo talaga palagi kasi lagi kang nagsasalita ng bad words like sira ulo, gago and what is it again? The P.I thing."- saad ni Blake sa Mommy niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
What the f*ck!!
Binuhat naman ni Ashlie ang anak.
"K- kasi anak ganito yan, kaya kinakawawa ko Daddy mo kasi sira-ulo talaga siya. Sana intindihin mo si Mommy okay? And don't say that words again, it's bad right? so baby please don't say it."- saad ni Ashlie.
Hindi naman nagsalita si Blake at tinignan lang ang Mommy niya kaya't natawa kami ni Devin.
Kahit kailan talaga si Ashlie, kapag hindi siya nagbago baka gayahin siya ni Blake. Sana naman hindi, mapagsabihan nga ang inaanak ko.
"Ang saya nila 'no? Parang ang sarap na rin tuloy gumawa."- saad ni Devin.
Naubo naman ako dahil sa sinabi niya.
"Ahm.. Ashlie? isama mo na yan si Blake, una na tayo sa airport dali."- saad ko sabay lakad ko paalis.
"Ice!"- rinig kong tawag sakin ni Devin.
Tinignan ko naman siya. Nakapout ang loko.
"Saka na yan! Ayaw ko pa!"- sigaw ko sabay hila ko kay Ashlie na buhat-buhat si Blake.
"Tara na."- saad ko.
Pagkalabas namin ni Ashlie kasama si Blake, natawa na lamang si Ashlie.
"2 years na kayong kasal, bakit ayaw mo pang bigyan ng Anak si Devin? Baka mamaya magulat ka maghanap ng ibang aanakan yan."- saad ni Ashlie.
Napangiwi naman ako dahil sa sinabi niya.
"As if naman na kaya niyang gawin."- saad ko sabay bukas ko sa kotse.
"Hindi sa natatakot akong manganak o kung ano kaya ayaw ko pang magkaanak kami. Sa tingin ko kasi hindi pa oras para magkaroon kami ng Anak, may pakiramdam akong may dapat pa muna kaming kaharapin bago kami magsimulang bumuo."- saad ko.
Bumuntonghininga naman si Ashlie.
"Kung ganun dapat sabihin mo yan kay Devin, nang sa ganun ay hindi siya mag-isip at malungkot. Kailangan ka niyang maintindihan para wala kayong maging problema."- saad ni Ashlie.
Tumango naman ako at ngumiti.
"Sige, gagawin ko yan."- saad ko sabay pisil ko sa pisngi ni Blake na pinaglalaruan ang buhok ng Mommy niya.
"Ang mabuti pa halika na sa airport, mabuting makarating na tayo agad dun nang makarating na rin tayo agad sa Dark Island."- saad ko.
Tumango naman si Ashlie at ngumiti rin.
"Brings back memories, sinabi mo rin yan dati."- saad niya.
Natawa naman ako.
"Yeah."- saad ko.
"Mommy, Daddy and Ninong are hiding behind the door. They look like a stalker."- saad ni Blake.
Napatingin naman agad kami ni Ashlie sa pinto ng bahay namin ni Devin.
"A- ahm.. tara King! Kunin na natin yung mga gamit niyo ni Ice, ilagay na natin sa kotse mo."- saad ni Bryan habang may paduday effect pa silang nalalaman ni Devin.
"O- Oo nga! tama ka. T- tara!"- saad ni Devin sabay lakad nila paalis ni Bryan.
Napailing naman ako.
"Mukhang hindi ko na kailangang sabihin Ash, narinig na niya."- saad ko sabay pasok ko sa kotse ko.
"Tara na, let's go to DIA."- saad ko.
FORWARD>>>
"Blake!"- sigaw ni Ylana pagkakita niya sa Anak ni Ashlie.
Agad namang nagpababa si Blake mula sa pagkakabuhat sa kanya ni Ashlie upang lumapit sa Ninang Ylana niya.
"Ninang Ylana!"- saad ni Blake sabay yakap niya sa Ninang Ylana niya.
"Nako naman talaga! Kabaliktaran ka talaga ng Mama mo! Ikaw gustong-gusto mo ko habang yung Mama mo halos gusto na kong patayin."- saad ni Ylana sabay pisil niya sa pisngi ni Blake.
Ngumiti naman ang bata.
"As long as i am here Ninang, Mommy can't hurt you."- saad ni Blake.
Bigla namang tumayo si Brent mula sa kinauupuan niya at lumapit sa kanyang kakambal na palihim na tumatawa.
"Hoy! Yung anak mo mukhang aagawin pa sakin si Ylana ko!"- saad ni Brent kay Bryan.
Natawa naman kami ni Devin.
"Gustong-gusto talaga ni Blake ang Ninang Ylana niya."- saad ni Devin.
Tumango-tango naman ako.
"Kung malaki na si Blake malamang magiging isang matinding karibal yan ni Brent kay Ylana."- saad ko.
"Sinabi mo pa!"- saad ni Devin sabay akbay sakin.
"I love you po Ninang Ylana!"- saad ni Blake kay Ylana.
Nagkatinginan naman kaming lahat nila Devin, Ashlie, Bryan at Brent.
"Haha! I love you too Baby Blake!"- saad ni Ylana kay Blake sabay halik niya rito sa pisngi.
"Bryannn! Yung anak mo ilayo mo yan sa Fiance kooo!"- emote ni Brent kay Bryan.
Natatawa namang tinignan ni Bryan si Ashlie.
"Ashiliee ko, yung anak mo."- saad ni Bryan kay Ashlie.
Itinaas naman ni Ashlie ang manggas ng tshirt niya.
"Oo."- saad ni Ashlie sabay lapit kay Ylana at Blake.
"Anak, come here. Mommy wants to tell you something."- saad ni Ashlie kay Blake na agad namang sumunod sa kanya.
"Baby, how old are you?"- tanong ni Ashlie kay Blake.
"Two years old."- sagot ni Blake.
"That's right Baby, you are only 2 years old and Ninang Ylana is 22 years old. She's 20 years older than you Baby so stop loving her more than being your Godmother okay?"- saad ni Ashlie kay Blake.
Ngumuso naman si Blake, halata mo ang kalungkutan sa mukha nito. Hindi naman namin napigilan ni Devin ang hindi matawa.
"Lagi na lang!"- saad ni Devin habang tumatawa.
Since nakita ni Blake si Ylana noong isang taong gulang pa lamang ito, sobrang lapit na niya kay Ylana at tila ayaw na niyang lumayo rito. Tila gustong-gusto ni Blake ang Ninang Ylana niya.
"At ikaw naman Ylana."- saad ni Ashlie sabay tingin kay Ylana na nakataas ang kilay.
"Oh bakit?"- taas kilay na saad ni Ylana.
Hinarap naman siya ng maayos ni Ashlie.
"Pwede namang wag kang masyadong maging nice sa anak ko, alam mo namang gusto ka ng bata kung umarte ka pa pagdating sa kanya ganyan! Bata pa si Blake at alam nating lahat na hindi pa niya alam na maling magkagusto sa tulad mo na Ninang niya at malayo ang edad sa kanya pero kahit ganun makakaramdam pa rin ng sakit yang bata! Okay lang maging nice ka sa kanya bilang Ninang niya pero sana sabihin mo sa kanya na ang isang tulad niyang dalawang taon pa lamang ay hindi maaaring magkagusto sa isang tulad mong 22 years old na at may Fiance na! Disiplinahin mo siya!"- saad ni Ashlie sabay cross arms.
"Bakit kasi hindi na lang yung katalinuhan at kagwapuhan lang ang namana niya sa Daddy niya? Bakit pati yung pagiging malandi namana niya!"- saad ni Ashlie sabay daop palad.
"Lord, wag naman sanang maging playboy o f*ckboy ang anak ko paglaki niya tulad ng Ama niya. Kapag nangyari yun puputulan ko ang Ama niya, sana dinggin mo ang panalangin ko Lord. Amen."- saad ni Ashlie.
Hinawakan naman siya sa balikat ni Ylana.
"Wag kang mag-alala, makakaasa ka sakin. Ayaw ko rin na maging tulad ng Daddy niya ang inaanak kobkaya naman halika! Magmisa tayo."- saad ni Ylana.
Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at natawa na lamang ako dahil sa kagagahan nung dalawa.
"Support namin kayo ni Ice, kung maaari tawagin niyo lahat ng santo."- saad ni Devin.
Nagsalita naman si Bryan.
"Pinagkakaisahan niyo ko ah! Hindi naman na ko tulad ng dati ah!"- saad ni Bryan.
Hindi naman siya pinansin nila Ashlie at Ylana na nagkakasundo ngayon sa pagdadasal kaya naman lalo kaming natawa ni Devin. Si Brent naman, tila pinagsasabihan si Blake na tutok na tutok sa pakikinig sa kanya.
"Whoa! Anong nangyayari rito?"- saad ng kararating lamang na si Alex.
Kasama nito ang boyfriend na si Grey na talaga namang nagtransform, from nerd to hearthrob.
"Oh? Nandyan na pala kayong dalawang magjowa."- saad ni Ashlie sabay lapit nito kay Alex.
"Halika, samahan mo kami ni Ylana na magdasal na hindi sana matulad si Blake sa ama niyang f*ckboy na si Bryan."- saad ni Ashlie.
Napakunot naman ng noo niya ang naguguluhan na si Alex.
"H- huh?"- saad nito sabay tingin saming dalawa ni Devin na nagpipigil ng tawa.
"Ayokong maging playboy at f*ckboy din ang anak ko tulad ni Bryan kaya naman samahan mo kami ni Ylana na tawagin ang lahat ng santo para mangyari yun."- saad ni Ashlie kay Alex sabay tingin nito kay Grey.
"Tapos ikaw naman, tulungan mo si Brent na sabihin sa anak ko ang mga tama at mali na hindi ko pa nasasabi sa kanya. Disiplinahin niyo si Blake."- saad ni Ashlie kay Grey sabay hila nito kay Alex patungo sa pwesto nila ni Ylana.
Napakamot naman sa ulo niya ang naguguluhang si Grey.
"Okay."- saad ni Grey sabay lapit kay Blake at Brent.
Tinignan ko naman ang lahat ng mga kaibigan ko at ang mga kaibigan ni Devin.
"Parang kailan lang hindi pa sila ganyan magkakalapit sa isa't-isa, tapos ngayon ayan na! Magkakasintahan na sila. Yung dalawa may anak na, yung dalawa engaged na tapos yung dalawa pa, magboyfriend at girlfriend na. Parang kailan lang gusto pa kong patayin ni Alex pero ngayon ayan na at girlfriend na siya ni Grey na parang kailan lang din ay nerd pa at mukhang lalampa-lampa. Tapos ayan sila Ashlie at Bryan, parang kailan lang trip lang nila ang isa't-isa pero ngayon, mag-asawa na sila at may Blake na sila. Tapos parang kailan lang din ulit, sila Ylana at Brent ang layo pa sa isa't-isa. Laging sinusungitan ni Ylana si Brent, di mo aakalain na magkakatuluyan pala sila. Ang bilis ng mga pangyayari..."- mahina kong saad na sapat lamang upang marinig ni Devin.
Narinig ko namang bahagyang natawa si Devin kaya't tinignan ko siya. Nakangiti siya.
"Tama ka, at bukod pa diyan sa mga sinabi mo.. meron pa."- saad ni Devin sabay akbay niya sakin.
"Parang kailan lang, ilang beses kitang ipinahamak. Ikinulong kita sa Darkness Room, kinidnap kita at ibinigay sa Headmaster tapos parang kailan lang din.... hindi pa tayo ganito kasaya kaya naman masaya ako at maganda ang naging takbo ng buhay at ng samahan nating lahat, sana magtuloy-tuloy."- mahina rin niyang saad sabay halik niya sakin sa noo.
Ngumiti naman ako.
"Tama ka, sana magtuloy-tuloy."- saad ko sabay tingin ko ulit sa mga kaibigan ko at sa mga kaibigan ni Devin na hindi pa rin tapos sa kani-kanilang mga ginagawa.
Ngunit sa totoo lang, may nararamdaman akong hindi maganda. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun ngunit sa tingin ko ay kailangan naming maging handa...
"So kumpleto na pala kayo."- saad ng isang boses.
Sabay-sabay naman kaming napatingin dito.
"Ma."- saad ni Devin sabay lapit at mano ko rito.
Napangiti naman akong muli.
"Nandiyan na po pala kayo, Mom."- saad ko kay Mommy.
Ngumiti naman si Mommy at pagkatapos ay tinignan niya kaming lahat na narito.
"May balita ako sa inyo."- nakangiti nitong sabi.
Nilapitan ko naman siya.
"Maganda po ba? Kung maganda ano po yun?"- tanong ko.
Bigla namang pumasok si Daddy kasama si Daddy Rey. May buhat ang mga ito na kahon.
"Thanks to Ylana, sobrang daming estudyante ang nag-enroll ngayon sa DIA. 'Eto ang mga forms nila."- saad ni Mommy sabay turo sa mga kahon na buhat nila Daddy at Daddy Rey.
Nagkatinginan naman kaming lahat.
"Yung sa libro po ba?"- saad ni Ylana.
Tumango naman si Mommy.
"Yup! Dahil sa libro mo na naglalaman ng buong istorya ng DIA marami ang nag-enroll ngayong taon. Kaya naman, goodjob!"- saad ni Mommy.
Tinignan naman naming lahat si Ylana.
"Nakanaks! Ginalingan!"- saad ni Ashlie kay Ylana.
"Galing ng Ylana ko!"- saad naman ni Brent.
Ngumiti naman si Ylana.
"Pero hindi ko naman mailalabas ang libro na yun pati ang kwento ng DIA kung hindi dahil kay Ice. Kung hindi niya ko pinahintulutan, hindi sana nangyari 'to kaya Ice.. salamat."- saad ni Ylana.
Nginitian ko naman siya.
"Wala yun, isa pa gusto ko rin talaga maibahagi sa lahat ang kwento ng paaralan. Pero... sinunod mo naman yung pinakamahigpit na sinabi ko sayo diba?"- saad ko.
Tumango naman si Ylana.
"Oo, hindi ko kinalimutan yun."- saad ni Ylana.
"Teka, ano yun?"- tanong ni Ashlie.
Tinignan ko naman siya.
"Sinabi ko kay Ylana na wag niyang isama sa kwento ang pinto ng sikretong daan ng DIA, sinabi ko sa kanya na maaari niyang sabihin na mayroong sikretong daan ngunit wag niyang sasabihin kung nasaan ang pinto nito. Isa pa, sinabi ko rin sa kanya na wag ring sabihin sa kwento ang ukol sa mga mini cameras na ikinabit dati nila Grey sa mga CCTV sa DIA. Mabuti pa rin kasi na maging sigurado tayo, hindi natin alam ang mga pwedeng mangyari sa susunod kaya naman sinabi ko kay Ylana yun."- saad ko.
Nagtanguan naman sila.
"Tama ka sa naisip mo Ice, mabuti na lamang at ipinagawa mo kay Ylana yun. Mabuti pa ring maging mapaniguro tayo."- saad ni Mommy sabay ngiti niya at ayos niya ng tayo.
"Oh well, kumain na ba kayo? Magluluto ako. Ipagdiwang natin ang pagbubukas muli ng klase sa DIA bukas."- saad ni Mommy.
Nagsigawan naman sila Ashlie.
"Yes! Tutulungan kita sa pagluluto Tita."- saad ni Ashlie.
"Ako rin."- saad ni Ylana.
"Ang mabuti pa, lahat ng babae tumulong sa pagluluto. Ang mga lalaki naman, kayo ang mag-ayos ng Dining Area."- saad ko.
Sumang-ayon naman silang lahat.
"Pati po ako Ninang Ice tutulong?"- saad ni Blake.
Natawa naman ako.
"Hmmm.. maybe sumama ka na lang kay Lolo Dante. Ipapasyal ka niya kasama si Lolo Rey."- saad ko kay Blake sabay tingin ko sa tunay kong Ama at kay Daddy Rey.
"Ipasyal niyo po si Blake."- saad ko.
Tumango naman sila.
"Sana sa susunod anak mo na ang ipasyal namin."- saad ni Daddy sabay baba nila ni Daddy Rey ng buhat nilang kahon.
"Come here Blake."- saad ni Daddy kay Blake na agad lumapit sa kanya.
Tinignan ko naman si Devin na nakangiti sakin.
"Wag po kayong mag-alala Pa, matutupad din po ang hiling niyo pero... hindi pa po ngayon. Sa tamang panahon po."- saad ni Devin sabay tingin niya kay Daddy.
Tinignan din naman siya ni Daddy at pagkatapos ito ay bumuntonghininga.
"Oh sige, pero sana pakibilisan lang ha?"- saad ni Daddy sabay buhat niya kay Blake.
"Halika Blake, punta tayo ni Lolo Rey sa paliparan. Salubungin natin si Lola Rica."- saad ni Daddy kay Blake.
Agad namang tumango si Blake.
"Alis na kami."- saad ni Daddy sabay alis nila ni Daddy Rey kasama ni Blake.
Napabuntonghininga naman ako at pagkatapos ay tinignan ko si Mommy at ang iba pa.
"Ang mabuti pa, tara! Magsimula na tayo."- saad ko sabay ngiti.
Tumango naman silang lahat.
"Sige!"- sagot nila.
Hindi pa kami maaaring magkaanak ni Devin ngayon, hangga't hindi napapanatag ang kalooban kong may masamang nararamdaman. Hindi pa kami maaaring bumuo. Ayokong mabuhay ang anak namin nang tila may panganib at gulo pa rin akong nararamdaman kaya naman......... Hindi pa muna ngayon.
Hindi ko alam kung magandang balita ba talaga ang biglang pagdami ng estudyante ng DIA ngayong taon dahil sa librong inilabas ni Ylana pero sana, wala itong kaugnayan sa nararamdaman kong tila masamang mangyayari.
"Sana maging maayos talaga ang lahat ngayong taon..."- bulong ko.
Sana......