WARNING! *This chapter contains strong language and violence that may not be suitable for some readers.* "Tch! Ano ba 'tong nararamdaman ko na 'to? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin mawala-wala."- bulong ni Ice sa kanyang sarili habang patungo siya sa dorm ni Bella Bueno. "Ano ba kasi yung gagawin ko na hindi maganda? ano ba yung gagawin ko na sobrang labag sa kalooban ko kaya ako nagkakaganito ngayon?"- bulong pa nito sabay hinto niya sa kanyang paglalakad at sabunot sa kanyang sarili. "Ang weird, ano ako? isang shaman o priestess na nakakadama ng future? Hindi nakakakita kundi nakakadama! Tss.. sa tingin ko kailangan ko nang tumigil sa panonood ng mga fantasy movies."- saad ni Ice sabay iling niya at patuloy niya sa kanyang paglalakad. 'Bahala na kung anong mangyayari mamaya, kung

