DIA2: Chapter 17

4039 Words
Ice POV "Ayos ka na Ice?"- tanong sakin ni Tala. Tumango naman ako. "Oo, hindi naman ganun kalalim yung saksak sakin. Wala lang sakin yun."- saad ko sabay tingin ko kay Ate Rei na nakahiga sa katabi kong higaan at wala pa ring malay. "Pagkagising na pagkagising niya, paaalisin ko muna siya rito sa DIA. Kailangan niyang umalis dito, maaaring ngayon nakaligtas sila ng anak niya pero baka sa susunod... hindi na kaya naman sa ayaw at sa gusto niya, aalis siya rito sa DIA."- saad ko sabay buntonghininga ko. "Kung sasama si Luis sa kanya ayos lang, pero ang iba sa Skulls kailangan natin sila rito."- saad ko pa. "Anyway, may mahalaga akong dapat na sabihin sa inyong lahat. Tipunin mo ang lahat sa opisina, pupunta ako dun after 30 minutes."- saad ko. Tumango naman si Tala. "Sige."- sagot niya. Pagkatapos nun, agad siyang umalis at sinunod ang sinabi ko. Wala pang isang minuto, bumukas ang pinto at pumasok si Joana. "M- Ms.Ice..."- nakayuko nitong saad pagkapasok niya. Tinignan ko naman ito ng diretso. "Bakit."- walang emosyon kong saad. Lumapit naman ito sakin. Napakunot naman ako ng noo nang makita kong umiiyak siya. Agad ko naman siyang hinawakan sa kamay at tinanong ang dahilan kung bakit siya umiiyak. "Bakit ka umiiyak? May problema ba? Anong nangyari sayo?"- tanong ko. Umiling-iling naman ito. "M- Ms.Ice... S- Sorry po! Sorry po kasi hindi po namin nahanap agad sila Ms.Ashlie kaya po nahuli sila ng dating. Sorry po! Kung binilisan lang po sana namin.... h- hindi po sana nangyari sa inyo ni Ms.Reign yan."- umiiyak nitong sabi. Sandali naman akong natigilan at pagkatapos ay napangiti na lamang ako ng bahagya at pinatahan siya. "Wag kang umiyak, wala kayong kasalanan ng mga kaklase mo."- saad ko sabay alis ko ng tingin ko kay Joana. "Kasalanan 'to nila Devin, kung hindi sana nila ginawa yung ginawa nila kahapon hindi sana mawawalan ng tao sa paligid at hindi sana magkakalakas ng loob na lumabas yung pangatlong Killer Clown na yun. At isa pa...."- saad ko sabay yuko ko ng bahagya. "Kasalanan ko rin, dahil napakahina ko."- saad ko. Sandali namang nanahimik pagkatapos kong sabihin yun. Hanggang sa.... "Ms.Ice."- tawag sakin ni Joana. Agad ko naman siyang tinignan. Nakangiti siya. "Alam mo po, sa totoo lang po wala pong ibang dapat na sisihin dito kundi po yung Killer Clown na yun. Pero kung para po sayo may kasalanan po sila Sir.Devin at maski po ikaw, 'eto lang po ang masasabi ko."- saad ni Joana sabay upo niya sa higaan kung saan ako naroroon. "Ms.Ice.. una po, kung sa tingin mo po talagang may kasalanan sila Sir.Devin. Wag mo naman po sana sila itakwil, iniisip ko po kasi baka hindi mo na po sila pansinin lalo na po si Sir.Devin, masakit po saming mga tagahanga niyo po yun so please po wag po! Sana po patawarin mo po sila."- malungkot na saad ni Joana. Hindi naman ako nakapagsalita. "At pangalawa po, kung sa tingin mo rin po na kasalanan mo rin po kung bakit nangyari po sa inyo ni Ms.Reign yan, 'eto lang po ang maipapayo ko sayo Ms.Ice. Hindi ka po mahina, napakalakas mo po Ms.Ice at naniniwala po ako dun. Sabi po sa libro ni Ms.Ylana, nakakatakot daw po kayo kaya naman po nung bloody welcome po hindi po nila kayo pinalaban, malakas po kayo. Sadyang hindi niyo lang po inilalabas ang lakas na yun."- saad ni Joana sabay hawak niya sa mga kamay ko. "Kaya naman po Ms.Ice, I dare you, ilabas mo na po yung natatago mo pong lakas. Kapag ginawa mo po yun makakaganti na po kayo dun sa Killer Clown na gumawa po sa inyo niyan. Kung ako po ang tatanungin, hindi po kailangang pakitaan ng bait o pakitaan ng pagdadalawang isip ang mga kalaban po ngayon. Oras po na makaharap mo po sila ulit, wag na po kayong magdalawang isip at maawa. Gawin mo po ang nararapat na gawin para mahuli at maparusahan sila. Ilabas mo lang po yung lakas mo po, wala na pong problema."- saad ni Joana sabay ngiti nito at tawa ng bahagya. "Pasensya na po kung parang ang weird po nitong ginagawa ko, mas matanda ka po sakin ng anim na taon pero parang ako po yung mas matanda dahil sa ginagawa ko."- saad ni Joana sabay tawa ulit nito ng bahagya at tingin sakin ng diretso sa mga mata. "Basta po Ms.Ice, tandaan mo po yung sinabi ko. Isa po akong numero uno na tagahanga niyo kaya naman po suporta po ako sa inyo!"- saad ni Joana sabay tayo niya. "Basta Ms.Ice, fighting lang po!!"- saad nito sabay ngiti at lakad patungo sa pinto. "Aalis na po ako, magsisimula na po kasi yung klase. Kita na lang po tayo ulit."- saad ni Joana sabay wave niya sa kamay niya at alis. Pagkaalis niya, natawa na lamang ako. "Tama ka nga, mas matanda ako sayo pero parang ikaw yung mas matanda dahil sa ginawa mo."- bulong ko sabay tawa ko. "Pero salamat sayo, yung mga sinabi mo..... tama ka dun."- bulong ko ulit sabay tingin ko sa kamay ko. Dahil sa ginawa ng pangatlong Killer Clown na yun, hindi na nga karapatdapat na magpakita ng bait. At hindi na nga ako dapat na magdalawang-isip, oras na lumitaw sila ulit.... "Malalagot sila sakin."- saad ko kasabay ng pagkuyom ko sa mga kamao ko. "Nurse."- tawag ko sa Nurse. "Bakit po Ms.Darkiela?"- saad nito. Tumayo naman ako mula sa pagkakaupo ko sa higaan. "Aalis na ko, dito ka lang at bantayan mo si Ate Rei. Oras na magkaproblema tawagan mo ko agad naiintindihan mo?"- saad ko. Agad naman itong tumango. "Opo."- sagot nito. Bumuntonghininga naman ako at pagkatapos, umalis na ko at nagtungo sa opisina. Sa ngayon kailangan ko munang ibalita sa iba na hindi lang iisa ang kalaban namin kundi marami. Pagkatapos kong ibalita sa kanila yun, bubuo kami ng isang plano para doon. Oras na matapos yun.... gagawin ko na ang dapat kong gawin. Kung dapat kong ilabas ang lakas ko, kailangan kong magsanay pa kaya naman pagkatapos ng pagpupulong na 'to, hindi na ko magsasayang ng oras at mag-eensayo na ko kaagad kahit na may sugat pa ko. Tatalunin at huhulihin ko ang mga kalaban, lalong-lalo na yung pangatlong Killer Clown na yun! Magbabayad siya. xxxxxxx Devin POV "Ang tagal naman ni Ice, sabi niya at 30 minutes nandito na siya."- saad ni Tala habang nakatingin siya sa orasan. "Hindi kaya.... bumalik na naman yung Killer Clown na yun? Alam niyo sumusobra na yung Killer Clown na yun eh! Una nananakot lang siya tulad nung mga Killer Clown na nangpaprank, ngayon nagiging Semi-IT na siya! Nananakit na siya ng todo, oras na pumatay na siya? 90% IT na talaga siya!"- saad ni Ashlie. "90%? Bakit 90% lang?"- tanong ni Bryan. Ngumiwi naman si Ashlie. "Kasi diba yung clown sa IT nangangain ng tao? At isa pa batang maliliit lang yung binibiktima nun kaya naman 90% IT lang yung Killer Clown na kalaban natin ngayon kasi hindi naman siya katulad na katulad nung clown sa IT."- sagot ni Ashlie. Napailing naman si Ylana dahil sa dalawang mag-asawa. "Alam niyo kayo, imbis na kung ano-ano yung pinagsasasabi niyo diyan bakit kaya hindi niyo na lang puntahan si Ice at baka mamaya totoo nga na bumalik na naman yung bwiset na Killer Clown, baka mamaya binalikan siya nun, sila ni Ate Rei!"- saad ni Ylana. "Eh bakit kami lang ni Bryan? Sumama ka pati si Brent."- saad ni Ashlie. Nagsalita naman si Grey. "No need, nandiyan na si Ice."- saad ni Grey habang nakatingin sa laptop niya. Pagkatapos sabihin ni Grey yun, biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ice. Bahagya naman akong napayuko pagkapasok na pagkapasok niya. Sh*t! Ayoko siyang tignan, sinisisi niya kami sa nangyari. Kahit na hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya kami sinisisi, nahihiya pa rin ako sa kanya at pakiramdam ko may kasalanan nga talaga kami. "Makinig kayo, mahalaga 'tong sasabihin ko. At alam ko lahat kayo magugulat."- rinig kong saad ni Ice. Hindi ko naman siya tinignan, nanatili lang akong nakayuko. "Tala, Souls, Phantomrick, Skulls, Wolves, Reapers at Cards. Hindi lang iisa ang kalaban natin...."- saad ni Ice na ikinatingin ko sa kanya. "Marami sila."- dugtong ni Ice na ikinagulat nga ng lahat. "A- anong ibig mong sabihin?"- naguguluhang saad ni Ashlie. Bumuntonghininga naman si Ice. "Hindi lang iisa ang kalaban natin, marami sila. Yung nakaharap namin kahapon ni Ate Rei ang mismong nagsabi nun pero... hindi niya sinabi ang eksaktong bilang nila. Yung nakaharap namin ni Ate Rei kahapon, siya ang pangatlong Killer Clown. Wala siyang maskara sa mukha, ang tumatakip lamang sa mukha niya ay ang makapal na pustura ng isang payaso. Malakas siya at sa tingin ko, siya ang pinakamasama sa lahat ng Killer Clown. Yung unang Killer Clown, yun yung nanakit kay Joana sa likod ng gusali nitong school. Nakamaskara itong may disenyong payaso na tumatakip sa buo nitong mukha, samantalang yung pangalawang Killer Clown, yun yung nanggulo nung Valentines, nakaface mask naman ito na tumatakip sa ibabang bahagi ng mukha niya at ang itaas na bahagi ng mukha niya ay natatakpan naman ng pustura ng isang payaso. Bawat Killer Clown, may iba't-ibang ugali. Yung una, nananakit siya ngunit minor injury lamang ang ibinibigay niya sa biktima niya. Yung pangalawa naman, hindi siya nananakit.. nanggugulo lang siya. At 'etong pangatlo, siya ang walang awa. Nananakit siya ng todo at ang p*******t na ginagawa niya ay maaaring maging dahilan ng pagkamatay ng isang tao. Kung marami nga sila, kailangan nating mas lalong mag-ingat. Oo at may alam na tayo ukol sa tatlo pero sa iba pa na hindi pa lumalabas, wala pa tayong alam sa kanila. At dahil dun may napagpasyahan akong gawin."- saad ni Ice sabay ayos niya ng upo niya. "Willing akong lakihan pa ang mga sinasahod niyo basta ipangako niyo sakin na gagawin niyo ang lahat upang matalo natin ang mga Killer Clowns na yun. Bukod pa dun, ipangako niyo sakin na hindi kayo magpapadaig sa mga kalaban. Walang pwedeng mamatay.."- saad ni Ice. "Simula sa araw na 'to, hindi na lang ako ang magseseryoso. Kundi lahat tayo. Kayong mga Boys, yung ginawa niyong paglalaro kahapon ng basketball na talaga namang may malaking silbi sa kalaban para magawa ang ginawa niya kahapon, huli niyo na yun. Ayoko ng maulit yun ulit, tulad ng sinabi ko kanina, lahat magseseryoso na, wala ng magpapaduday-duday."- saad ko. Natahimik naman ang lahat. Hanggang sa may isa samin na nagkalakas ng loob na magsalita. "A- ahm.. Ice, gusto kong malaman mo ulit na kahit na di mo lakihan ang sahod namin tutulong at tutulong kami sayo. Gagawin namin ang ano mang sabihin mo kaya naman makakaasa ka samin. Ngayong batid na nating lahat na hindi lang iisa ang kalaban, magseseryoso na rin kami. Yung ginawa naming paglalaro ng basketball kahapon, naglibang lang kami nun."- saad ni Vince. "Pero Ice, di ko maintindihan. Bakit mo sinasabi na yung ginawa naming pagbabasketball kahapon ay naging malaki ang silbi para sa Killer Clown na umatake sa inyo ni Reign kahapon? H- hindi ko maintindihan."- saad pa ni Vince. Tinignan ko namang mabuti si Ice at hinintay ang isasagot niya. Yan din ang gusto kong malaman, anong dahilan at nasabi niya yun? Bumuntonghininga naman si Ice at agad na sinagot ang tanong ni Vince. "Simple lang, dahil sa ginawa niyong pagbabasketball kahapon... nawalan ng tao sa paligid dahil ang lahat ay nagtungo sa gym para manood sa inyo. At isa pa, dahil nga nagbabasketball kayo, walang sino man sa inyo ang nasa paligid ng DIA at rumuronda, dahil dun nagkalakas ng loob yung pangatlong Killer Clown na lumabas at atakihin ako na siyang target niya talaga."- saad ni Ice sabay sandal niya sa upuan niya. "Alam niyo ba kung ano yung sinabi niya nung utusan ko sila Joana na kasama namin ni Ate Rei nung mga oras na yun? Inutusan ko si Joana nun at ang mga kaklase niya na tawagin kayo. Pagkaalis nila Joana, natawa na lamang yung pangatlong Killer Clown na yun sabay sabing.... 'Resbak. Ang tanong, aabot kaya sila?' Pagkatapos niyang sabihin yun, agad niya kong inatake, pero dahil hindi ko siya kaya.. agad niya kong napabagsak. Nang mapabagsak niya ko agad, dun niya itinuon ang atensyon niya kay Ate Rei. Bago kami atakihin ng pangatlong Killer Clown na yun ay narinig niya ang pinag-uusapan namin ni Ate Rei, narinig niyang buntis si Ate Rei kaya naman sa tiyan niya ito pinuntirya. Mabilis niya kaming pinabagsak ni Ate Rei at nang magawa niya.. agad siyang umalis. Sinamantala niya yung pagkakataon na wala kayo na maaaring makatulong samin. Nang utusan ko sila Joana na tawagin kayo, agad niya kaming inatake at pinabagsak nang sa ganun makaalis siya agad at di niyo siya maabutan, nahalata ko yun sa kanya."- saad ni Ice. "Dahil walang tao sa paligid at dahil wala kayo, nagawa ng pangatlong Killer Clown na yun ang ginawa niya kahapon. Naging malaya siya! Pero inaamin ko, may kasalanan din ako. Kasalan ko rin kung bakit nangyari samin ni Ate Rei 'to, hindi ko napagtanggol ang mga sarili namin. Masyado akong mahina..."- saad ni Ice sabay kuyom niya sa mga kamao niya at tawa ng bahagya. "Anyways, ngayong nasabi ko na ang dapat kong sabihin. Tumungo na tayo sa dapat nating gawin, ang magplano. Ngayong alam na natin na hindi lang iisa ang kalaban natin, ano nang gagawin natin?"- saad ni Ice. Pagkasabi niya nun, agad akong nagsalita. Hindi na ko dapat na manahimik, naiintindihan ko na kung bakit niya kami sinisisi sa nangyari. At tanggap ko kung bakit niya kami sinisisi. "Sa tingin ko hindi na tayo dapat na bumuo pa ng panibagong plano, yung plano natin dati... yun pa rin ang gagawin natin. Hindi natin yun babaguhin."- saad ko na ikinatingin sakin ni Ice. Agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya at tumingin kila Grey at Alex. Tanggap ko ang paninisi niya kaya naman mas lalo akong nahiya sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.. "Grey at Alex, kamusta ang konstraksyon sa ibaba?"- tanong ko kila Grey At Alex. Agad namang sumagot ang mga ito. "Malapit ng matapos, baka sa susunod na araw lang tapos na. Lalo na at tila nag-init ang mga magulang ni Ice at ni Reign dahil sa nangyari kahapon, lalo nilang binilisan ang trabaho kasama ang mga tauhan nila."- sagot ni Grey. "A- ahm.. Oo nga pala Ice, narinig kong humingi ng tawad sayo ang mga magulang mo kanina dahil hindi nila kayo natulungan ni Reign. Gusto ko rin sanang humingi ng tawad dahil wala rin kami ni Grey at hindi namin kayo natulungan."- saad ni Alex kay Ice. Tinignan ko naman si Ice na nakatingin na ngayon kay Alex. Nakangiti ito. "Wala yun, tulad din nang sinabi ko kanina kila Mommy at Daddy.. wala kayong dapat na ikahingi ng tawad. Ginagawa niyo ang trabaho niyo nung mga oras na yun at wala kayong kasalanan, hindi tulad ng iba diyan."- saad ni Ice na ikinayuko namin nila Luis. "Ang Phantomrick din at ang Souls, wala rin silang kasalanan dahil nung mga oras na yun ay pinaglilinis ko sila kaya naman pasalamat sila, kung hindi ko sila nahuli na nagbabatuhan ng basura at kung hindi ko sila pinaglinis, malamang damay sila."- saad ni Ice sabay buntonghininga ulit. "Devin, ituloy mo yung sasabihin mo kanina. Ipaliwanag mo kung bakit hindi natin kailangan na bumuo ng bagong plano."- saad ni Ice. Inangat ko naman ang ulo ko at tinignan siya. Hindi siya nakatingin sakin... Bumuntonghininga naman ako at agad siyang sinunod. "Hindi na natin kailangang bumuo pa ng bagong plano dahil sapat na ang mga nauna nating plano, nadagdagan lang ang mga kalaban natin pero ang mga nauna nating plano.. sapat at epektibo pa rin. Hindi na natin yun dapat na dagdagan pa."- saad ko. Sumang-ayon naman ang iba sakin. "Tama si Devin, sa tingin ko rin hindi na natin kailangang bumuo ulit ng panibagong plano. Sapat na yung mga nauna."- saad ni Luis. Tumango-tango naman si Ice. "Okay, kung ganun wala na tayong dapat na pag-usapan pa ukol sa problema. Tumungo na tayo ngayon sa parusa sa mga naglaro ng basketball kahapon."- saad ni Ice na ikinalaki ng mga mata namin. "A- ano? Paparusahan mo kami?"- saad ni Vince. Ngumisi naman si Ice. "Oo, alam niyo kasi naiinis talaga ko sa inyo. Gusto ko kayong hindi pansinin dahil sa inis ko sainyo pero pasalamat kayo at dinalaw ako kanina ni Joana at may sinabi sakin na maganda kaya naman napagdesisyunan kong patawarin kayo. Pero siyempre para mas masaya, kailangan ko kayong parusahan."- saad ni Ice. Nagkatinginan naman kami nila Luis. Kita sa mga mukha nila ang kaba, samantalang ako. Tinanggap ko na lamang yung sitwasyon. Nagsalita naman si Ashlie. "Sandali lang Ice, bago mo sila parusahan may tanong ako. Diba sabi mo maraming Killer Clowns? Kung maraming Killer Clowns, anong itatawag natin sa kanila?"- tanong ni Ashlie. Tumingin naman kaming lahat kay Ice. "About diyan, biniro ko kahapon yung pangatlong Killer Clown ukol diyan. Sinabi ko na dapat ba natin silang bigyan ng numbering and pumayag siya. Sabi pa niya, KC3 daw itawag ko sa kanya short for Killer Clown 3, baduy pero ginusto niya yun eh! Edi pagbigyan natin."- saad ni Ice sabay ayos niya ng upo at ngiti. "Oh ngayon, yung mga paparusahan. Alam niyo na kung sino kayo, gawin niyo yung Punishment 1. Nalinis na ng Phantomrick at Souls kahapon ang ibang bahagi ng school pero gusto kong linisin niyo ulit ang mga yun, at sobrang linis ang gusto ko. Yung mga bola sa gym na ginamit niyo kahapon, pakintabin niyo ng husto, pati yung sahig ng gym, yung mga tables sa Cafeteria at iba pang mga bagay na dapat pakintabin. Kaya sige na, umalis na kayo at magsimula na nang matapos kayo agad."- nakangiting saad ni Ice samin. Wala naman kaming nagawa kundi ang sumunod na lamang. "Masusunod."- sagot namin sabay lakad na sana namin palabas nang.... "Oops! Oops! Devin, saan ka pupunta?"- saad ni Ice. Huminto naman ako sa paglalakad pati sila Luis at takang tinignan si Ice. "S- sasama sa kanila na maglinis, kasama nila ko kahapon na magbasketball.."- saad ko. Ngumiwi naman si Ice. "Alam kong kasama ka nilang naglaro ng basketball pero hindi ka sasama sa kanila ngayon sa paglilinis. May iba kang gagawin kaya rito ka at maiwan ka rito."- saad ni Ice. Napatingin naman ako kila Luis at pagkatapos ay napalunok na lamang ako ng laway. "Mukhang mas malala parusa sayo, alis na kami tol."- bulong sakin ni Luis. Pagkatapos nun, agad silang umalis nila Vince at ng iba pa. Pagkaalis ng mga kasama kong naglaro kahapon ng basketball, agad din na pinaalis ni Ice ang mga babae at si Grey kaya naman kaming dalawa na lang ang naiwan dito. "Hindi kita paglilinisin, iba ang gagawin mo."- saad sakin ni Ice sabay tayo niya at lapit sakin. Tinignan ko naman siya. "A- ano..."- saad ko. Inalis naman niya sakin ang mga tingin niya bago sumagot. "Kahapon, may sinabi sakin si KC3. Sinabi niyang mahina ako, sinabi niyang ikaw ang tunay na malakas dahil ikaw ang nakatalo kay Tito June at tama siya sa sinabi niyang yun."- saad niya sabay tingin niya sakin ng diretso. "Hindi ako ang nakapatay kay Tito June, kundi ikaw. Ikaw ang pinakadahilan kung bakit nabawi ko ang DIA sa Tito ko kaya naman may gusto akong gawin mo."- saad sakin ni Ice sabay hawak niya sa mga kamay ko. "Bilang parusa mo, gusto kong sanayin mo ko. Tulungan mo kong mailabas yung lakas ko, at wala kang karapatan na tumanggi dun dahil inuulit ko.. parusa mo yun. This time, gusto kong ako na ang makapatay sa kalaban. Kung maraming Killer Clowns malamang na may pinuno sila at hula ko, yung pangatlo yun Kung tama ang hula ko, gusto kong ako mismo ang makapatay sa kanya kaya naman sanayin mo ko, tulungan mo kong ilabas yung lakas ko at gusto ko.. ngayon na natin simulan yun kahit na hindi pa humihilom ang sugat ko."- saad ni Ice. Agad naman akong umiling-iling bilang pagtutol. "Handa akong sanayin ka at tulungan kang mailabas ang lakas mo pero Ice, wag ngayon! Pagalingin mo na muna yang sugat mo, kapag nagsimula tayo agad ngayon ng hindi pa yan humihilom baka magdugo lang ulit yan. Hindi pwede na ngayon tayo agad magsimula, tutulungan kita at sasanayin kita pero please lang.. wag muna ngayon. Magpagaling ka muna."- saad ko. Agad din naman siyang kumontra sa sinabi ko. "Pero hindi dapat ako magsayang ng oras, anytime pwedeng lumabas ulit yung KC3 na yun! Anytime pwede niya kong balikan at tuluyan na! Devin hindi ko siya kaya, kaya naman nararapat na magsanay na ko kaagad, kailangang maging handa ako sa muli niyang paglabas!"- desididong-desidido niyang saad. Hindi naman ako nakapagsalita. "Sundin mo na lamang ang gusto ko, tulad nang sinabi ko kanina, 'eto ang parusa mo sa paglalaro mo ng basketball kahapon at pagpapa-cute mo sa mga estudyante, wala kang karapatan na tumutol."- saad niya. Bahagya naman akong natawa at pagkatapos ay napabuntonghininga na lamang ako. "Sige, mukhang wala na kong magagawa. Susundin kita."- saad ko sabay yakap ko sa kanya. "Papalabasin ko yung lakas na nagtatago diyan sayo."- saad ko. Niyakap naman niya ko pabalik. "Kapag yan di mo nagawa di ka na talaga magkakaanak sakin, maghahanap ka ng ibang aanakan."- saad niya. Natawa naman ako. "Kung ganun, kung kinakailangan kong pagbuhatin ka ng barbel para lumabas yang lakas mo eh gagawin ko. Ikaw lang ang gusto kong anakan.."- saad ko sabay higpit ko sa pagkakayakap ko sa kanya. "Ikaw lang, wala ng iba pa."- saad ko pa. Narinig ko naman siyang nag-giggle. "Okay, sinabi mo eh. Pero pwede pakiluwagan naman yung yakap? di na ko makahinga eh."- saad niya. Agad ko namang niluwagan ang pagkakayakap ko sa kanya at pagkatapos ay natawa na lamang ako. "Gagawin kitang kasing lakas ni Do Bong Soon."- saad ko. Natawa naman siya sabay hinampas ako. "Do Bong Soon daw oh! Kumi-KDrama 'to!"- saad niya. Napailing naman ako. "Lagi kang nanonood eh, 'edi napapanood ko din."- saad ko. Natawa naman siya ulit at pagkatapos, magsasalita sana siya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Joana na sugatan. Ulit! Ngunit sa pagkakataong ito, hindi na lamang siya ang sugatan. May iba pa. "Joana!"- sigaw ni Ice sabay lapit kay Joana at alalay rito. Agad naman akong kumilos at inalalayan ang iba pang estudyante na kasama ni Joana na sugatan din. "A- anong nangyari sa inyo? Sinong may gawa nito sa inyo?"- tanong ni Ice kay Joana. Kitang-kita ang pag-aalala sa mukha ni Ice. Lumuluha namang sumagot si Joana. "S- si Killer Clown po, p- parusa raw po niya samin 'to dahil sa pangengealam daw po namin kahapon. K-- kung hindi raw po namin kayo sinunod para tawagin sila Ms.Ashlie at ang iba pa... sana raw po nabugbog pa raw po niya kayo ng husto. Hindi raw po sana siya magmamadaling umalis at magpanggap na kuntento na siya sa ginawa raw po niya sa inyo."- lumuluhang saad ni Joana. Napakuyom naman ng kamao niya si Ice. "Yung Killer Clown na yun....."- saad ni Ice sabay tingin sakin. "Yung Killer Clown na yun kahapon, wala talaga siyang awa kaya naman hindi talaga tayo dapat na magsayang ng oras, kailangang kumilos na tayo agad."- saad sakin ni Ice. Tumango naman ako. "Sa ngayon, dalhin muna natin sila sa clinic para magamot sila. At pagkatapos, simulan na natin yung pinag-uusapan natin kanina."- saad pa sakin ni Ice. Agad naman akong sumagot. "Sige."- sagot ko. Tinignan naman ni Ice si Joana. "Joana, halika na. Pumunta tayong clinic."- saad ni Ice kay Joana. Tumango-tango naman ito kaya naman agad siyang inalalayan ni Ice. "Kayo rin, sumunod kayo."- saad ko sa iba pa. Agad namang nagsitanguan ang mga ito at pagkatapos ay nagtungo na nga kami sa clinic. Nang madala na namin ni Ice si Joana at ang iba pa sa clinic, agad kaming umalis ni Ice at nagtungo sa training room. "Sa ngayon, hindi muna kita masyadong pahihirapan. Uunti-untiin ko lang ang pagsasanay ko sayo, hindi kita bibiglain."- saad ko kay Ice. Tumango naman siya. "Sige."- saad niya. Bumuntonghininga naman ako. "Kung ganun.... magsimula na tayo."- saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD