Ice POV "Devin, pwede ba kitang makausap?"- tanong ko kay Devin pagkapasok ko sa kwarto namin. Hindi naman niya ko sinagot, maski tingin o lingon.. hindi rin. Nilapitan ko naman siya at pagkatapos isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. Kaya ko 'to! "Sorry, alam mo na kung bakit p- pero kung kailangan kong ulitin sayo ang dahilan. Pwede ko namang gawin."- saad ko. Sh*t! Okay lang ba yung sinabi ko? feeling ko nagpapaka-cool ako sa sinabi ko! "A- at tsaka, yung ukol sa desisyon mo. Hindi kami tumututol dun, tanggap namin ang naging desisyon mo maging si Prof.China, at humihingi rin siya ng pasensya dahil sa nangyayari na 'to satin. Pasensya na raw."- saad ko pa. But still, wala pa rin siyang response. "Alam kong mali ako, inaamin ko yun at nagsisisi ako dun dahil sa nan

