Pagkatapos sabihin ni Ice yun ay bigla na lamang dumating ang hinihingal na si Grey. "Ice!!"- sigaw nito sabay takbo palapit kay Ice. "A- ang mga magulang mo, b- buhay sila."- hinihingal na saad ni Grey sabay abot niya kay Ice ng kanyang cellphone. Nagulat naman si Ice sa sinabi ni Grey at pagkatapos ay kaagad niyang kinuha ang cellphone mula sa kamay ni Grey. "Mom! Dad!"- sigaw ni Ice. "Ice? Anak? kamusta diyan? ayos lang kaming dalawa ng Daddy mo. Kamusta diyan?"- saad ni Mrs.Killiano mula sa kabilang linya. Naluha naman sa saya si Ice. "Mom! akala ko may nangyari ng masama sainyo eh!"- saad ni Ice sabay punas niya sa kanyang luha. "Ayos lang po kami rito, tapos na po ang gulo rito. Wala na po ang mga paya---"- saad ni Ice na hindi nya natuloy ng bigla syang may maalala. "Ice? a

