DIA2: Chapter 14

3482 Words
Ice POV Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos ng Valentines. Matapos ang araw na yun, naghanda kaming lahat sa pag-aakala naming ibabalik ni Killer Clown ang laro dati na may kaugnayan sa pin ngunit nagkamali kami. Buong araw pagkatapos ng Valentines, nagmasid kaming mabuti sa buong DIA at hinintay namin ang gagawing kilos ni Killer Clown pero inabot na ng kinabukasan ay hindi siya lumabas at wala siyang kilos na ginawa. Pangatlong araw na ngayon nang pananahimik niya at masyado akong kinakabahan. Anong nasa isip ng Killer Clown na yun ngayon? May kutob akong hindi maganda.. Hindi niya ginawa ang inakala naming gagawin niya kaya naman hindi namin ngayon malaman kung anong susunod niyang gagawin. At sobra yung nakakabahala... "Ice!"- tawag sakin ni Tala. Agad ko naman siyang nilingon. "Oh? 'Bat hingal na hingal ka diyan?"- tanong ko. Huminto naman siya sa harapan ko. "Yung magiging guro sa ibabalik mong subject dito sa DIA, dumating na."- sagot ni Tala. Agad naman akong napatayo. "Nasaan siya?"- tanong ko. Umayos naman si Tala. "Sumunod ka."- saad ni Tala sabay lakad paalis. Agad ko naman siyang sinundan. Pagdating namin sa Lobby, nakita kong nandun sila Ashlie, Ylana at Grey. May kasama sila dun na isang babae na sa tingin ko ay yung sinasabi ni Tala. "Ice! Ice!"- masayang saad ni Ashlie pagkakita at pagkalapit niya sakin. Bahagya naman akong napakunot ng noo dahil dun. "Look who's here!"- masayang sabi ni Ashlie sabay tingin niya dun sa babae. Tinignan ko rin naman yun at laking gulat ko nang makita ko kung sino ito. "Prof.China?"- gulat kong sabi. Bigla namang sumama ang mukha nito. "Wag niyo kong matawag-tawag na Prof diyan, pagkatapos niyo kong kalimutan lahat tatawagin niyo kong Prof? Grabe kayo sakin! Yung dalawa ikinasal na, yung isa nagka-anak na! Hindi niyo man lang ako inimbitahan sa kasal at binyag! Ang sakit!"- saad ni Prof.China. Hindi naman ako makapaniwala. Teka? Bakit siya nandito? Siya ba ang sinasabi ni Tala na magiging guro sa ibabalik naming asignatura dito sa DIA? Kung ganun, paano? Naguguluhan ako.. Inamo naman ni Ashlie si Prof.China. "Prof, ganito po kasi yun. Nung ikinasal po kami ni Ice sa mga asawa namin at nung nagpabinyag po ako, hindi po talaga kami nag-imbita ng marami, kami-kami lang po yung mga tao. Mga parents lang po namin tapos yung mga ninong at ninang tapos yung mga grupo po rito sa DIA na naging kaibigan namin. Yung mga kaibigan nga po namin sa Sheria di namin inimbitahan eh! Wag ka nang magtampo diyan Prof."- saad ni Ashlie kay Prof.China. Ngumuso naman ito. "Nung nasa Sheria pa kayo ako ang naging Ate s***h! Ina niyo dun. Ako pa nagbigay ng payo sa inyo nung nalaman kong pupunta kayo rito tapos kakalimutan niyo lang ako.."- saad ni Prof.China. Nagsalita naman ako. "Kung nagtatampo ka samin bakit ka nandito? Nung kinausap ka ni Tala para maging guro dito bakit ka pumayag? Alam mo naman kung sino ang mga nandito diba."- malamig kong saad kay Prof.China. Sandali naman itong natahimik at pagkatapos, bigla itong tumawa. "Haay.. hindi ka pa rin nagbabago Ice! Yelo ka pa rin talaga."- saad ni Prof.China. "Hindi naman ako ganoong nagtatampo sa inyo, sadyang gusto ko lang talaga kayong konsensyahin."- saad pa ni Prof.China sabay peace sign niya. Napailing-iling naman ako. Siya rin, hindi pa rin sya nagbabago. Siya pa rin yung loko-loko naming Professor sa History. "Anyways, hindi ko maintindihan kung bakit ikaw ang nandito. Sa pagkakaalam ko, guro ka sa History."- saad ko. Natawa naman si Prof.China. "Well Ice, wala ka pang masyadong alam tungkol sakin."- saad ni Prof.China. Napataas naman ako ng kilay. "Anong ibig mong sabihin?"- tanong ko. Nagsalita naman si Tala. "Hindi ko alam na Professor niyo siya dati pero grabe! Hindi niyo alam kung sino si Ms.China dito sa DIA dati?"- saad ni Tala. Napakunot naman ako ng noo. "Anong ibig mong sabihin?"- tanong ko ulit. "Si Ms.China, siya ang huling nakagraduate dati dito sa DIA bago pa mamuno ang Tito June mo rito sa DIA Ice. Ang batch na kinabibilangan ni Ms.China ay ang huling batch ng mga estudyante na pinamunuan ng mga magulang mo bago agawin ng Tito June mo ang DIA mula sa mga ito. Si Ms.China ang pinakamagaling na estudyante dati dito, siya ang may hawak dati ng trono ni Devin. Nang makagraduate si Ms.China dito sa DIA ay hindi na siya nanatili rito at siya ay umalis na, hindi tulad ng Cards na kahit nakagraduate na ay nanatili pa rin sila rito sa DIA. Nang umalis na rito si Prof.China ay pinalitan siya ni Albert, si Albert ay ang taong pinatay ni Devin at inagawan ng trono rito sa DIA. Magaling sa pakikipaglaban si Ms.China, sa katunayan, siya ang nagturo sakin na makipaglaban."- kwento ni Tala. Nagulat naman ako. "Talaga? Niloloko mo ba ko o seryoso ka talaga?"- di ko makapaniwalang sabi. Bigla naman akong hinampas ni Prof.China. "Ikaw talagang bata ka! Wala ka talagang bilib sakin eh 'no? Kaya tuwing may naririnig ka na tungkol sakin na nakakamangha di ka naniniwala. Grabe! Nung napanood kita sa TV at nagpakilala kang si Darkiela sobrang nagulat talaga ako, kaya naman pala nung unang beses kitang nakita sa Sheria eh may naramdaman na kong kakaiba ukol sayo. Tila kilala kita at oo nga! Kilala nga kita, ikaw pala yung batang babae dati na palagi akong inaaway tuwing nakikita ako na hindi ko alam na anak pala nila Mr.and Mrs.Killiano. Alam mo bang muntik na kitang patulan dati kung hindi ko lang nalaman na anak ka pala nila? Grabe talaga! Simula bata ka inaaway mo na ko, hanggang ngayon ba naman!"- saad ni Prof.China. Napapoker face naman ako dahil sa sinabi niya. "Wala akong alam sa sinasabi mo dahil wala akong maalala."- saad ko. Bumuntonghininga naman si Prof.China. "Alam ko, nabasa ko ang libro ni Ylana. Sinasabi ko lang para malaman mo."- saad ni Prof.China. Sumingit naman si Ashlie. "Teka Prof, kung ganun kaya marami kang alam tungkol rito sa DIA dahil dati kang estudyante rito?"- saad ni Ashlie. Tumango naman si Prof.China. "Oo."- saad ni Prof.China. "At kaya ba nakipagmabutihan ka samin nila Ice dahil may naramdaman kang kakaiba kay Ice? Na tila kilala mo siya?"- saad naman ni Ylana. Tumango namang muli si Prof.China. "Tama!"- saad ni Prof.China. "At dahil din ba dun kaya ba imbis na pigilan mo kami nang malaman mong pupunta kami rito eh pinayuhan mo pa kami? Tama ba ko?"- tanong naman ni Grey. Muli namang tumango si Prof.China. "Tumpak! Tama ka rin."- saad ni Prof.China sabay ayos niya ng tayo niya. "May isa pa kong dahilan kung bakit nakipagmabutihan ako sa inyo at kung bakit sinuportahan ko kayo nang malaman kong pupunta kayo rito. Nung unang beses kong nakita si Ice sa Sheria, yun din yung araw na nalaman ko ang nangyari dito sa DIA mula kay Mr.Fajardo. Sa totoo lang pinababalik ako rito ni Mr.Fajardo nun upang tulungan ang mga magulang mo Ice pero di ko ginawa sapagkat nagkakutob na ko tungkol sayo, kahit kinukutuban pa lamang ako ukol sayo.. sumugal pa rin ako. Imbis na pumunta ako rito, sinuportahan ko na lamang kayong apat nila Ashlie nang malaman kong pupunta kayo rito. Sa madaling salita, imbis na ako ang pumunta rito... kayo ang tila pinapunta ko. At tama naman ang naging desisyon ko, di ko pinagsisihan na di ako bumalik rito nung mga panahong yun."- saad ni Prof.China sabay ngisi. "Pero sa pagkakataong ito, hindi na pwedeng hindi na ko tumulong dito sa DIA na minsan kong naging tahanan kaya naman nang sabihin sakin ni Tala na kailangan niyo ng guro para sa ibabalik niyong asignatura dito sa DIA, hindi na ko nagdalawang isip pa at pumayag ako agad sa alok niya. Wag kang mag-alala Ice, gagawin ko lahat ng makakaya ko."- saad ni Prof.China. Ngumisi rin naman ako. "Okay, pero please lang Prof, yung mga kalokohan mo sa Sheria wag mong dalhin dito sa DIA. Baka mamaya niyan makakita na naman ako ng mga lalaking estudyante na nakabrief lang at tumatakbo sa hallway ng paaralan bilang parusa mo. Basahin mo muna yung mga Rules pati na rin yung mga parusa sa mga estudyanteng lalabag sa Rules, wag kang gumawa ng sarili mong Rule at parusa. Nagkakaintindihan po ba tayo Prof?"- saad ko. Ngumuso naman siya. "Sayang, balak ko pa namang gawin yun rito sa DIA. You know, baka kasi namimiss niyo nang makakita ng ganun. Lalo na si Ashlie. Nako! Sobrang saya ni Ashlie tuwing nakakakita ng mga lalaking tumatakbo sa hallway habang nakabrief lang! Pero syempre, ikaw ang masusunod Ice kaya tatandaan at gagawin ko yang sinabi mo."- saad ni Prof.China. Bahagya naman akong napailing-iling. Kahit kailan napakaloko-loko talaga nitong Prof namin na 'to, kaya paborito namin siya eh. "Actually, namiss ko talagang makakita ng ganun."- saad ni Ashlie na tila ang manyak ng pagmumukha. Hinampas naman siya ni Ylana. "May asawa't anak ka na ang manyak mo pa rin, asawa mo manyakin mo! Kung gusto mong makakita ulit ng ganun 'bat di mo utusan yung asawa mo na tumakbo sa hallway ng nakabrief lang? Tutal sinusunod naman nun lahat ng gusto mo eh."- saad ni Ylana. Ngumiwi naman si Ashlie. "Nevermind na lang."- saad ni Ashlie. "Speaking of asawa, nasaan ang mga asawa niyo? Ipakilala niyo naman ako. Ayon sa pagkakarinig ko mga gwapo raw ang mga nakatuluyan niyong tatlo Ashlie, Ylana at Ice. At maganda naman daw ang kay Grey, nasan sila? Gusto ko silang makita."- saad ni Prof.China. Umayos naman ako ng tayo ko. "Nasa opisina, sumunod ka. Ipapakilala ka namin sa kanila pero please lang ulit Prof! Yung kalokohan mo wag mong pairalin, tandaan mong mga killer yung mga yun. Oras na may gawin kang kagagahan lagot ka."- saad ko. Tila naging inosente naman ang mukha ni Prof.China. "Huh? Anong pinagsasabi mo diyan? Inosente ako 'no! Hindi naman ako nang-aano ng mga gwapo at maganda. Hindi ako manyak tulad ni Ashlie."- tila inosenteng saad ni Prof.China. Napailing-iling naman akong muli. "Pumunta na nga lang tayo sa opisina."- saad ko sabay lakad ko paalis. Agad naman silang sumunod. Pagdating namin sa opisina, nadatnan namin dun ang Cards na kumpleto. "Oh, akala ko ba matutulog ka?"- saad sakin ni Devin habang papalapit ako sa kanya. Ngumiti naman ako. "Dumating na kasi yung magiging guro sa ibabalik natin na asignatura dito sa DIA. Ayun siya."- saad ko sabay turo ko kay Prof.China na pasalit-salit ang tingin sa Cards. Nawala naman ang ngiti ko. Jusko! Wag sana 'tong gumawa ng kalokohan. Di ko pa rin nakakalimutan yung mga pinaggagawa niya dati sa mga naging Boyfriend ni Ashlie na ipinakilala ni Ashlie sa kanya! Kung hindi niya hinahawakan ang pwet, yung mismong sandata ang hinahawakan niya. Kapag sinusuway namin siya, Iisa lang palagi ang sinasabi o ikinakatwiran niya. 'Inaalam ko lang kung malaki/mahaba.' Ganyan siya kamanyak. Maski sa babae, nanghahawak yan ng boobs. Sa lahat ng mga naging guro ko si Prof.China ang pinakaloko-loko at sa lahat ng mga babaeng kilala ko na malibog, silang dalawa ni Ashlie ang nasa TOP 2 ko. "Cards, this is Ms.China Ocampo. Siya ang bagong guro dito sa DIA, siya ang magtuturo ng martial arts dito sa DIA."- pakilala ni Tala kay Prof.China sa Cards. Tinignan naman ng Cards si Prof.China na tila nagpipigil na gawin ang gusto niya. "Professor namin siya dati sa History nung nasa Sheria pa kami at di pa pumupunta rito."- saad ni Ashlie. Nagsalita naman si Devin. "I know her, siya ang pinalitan ni Albert sa pagiging pinuno rito sa DIA."- walang emosyong saad ni Devin. "Si Albert? yung pinatay mo para agawan ng trono?"- saad ni Bryan kay Devin. Tumango naman si Devin. "Ang sama ko mang pakinggan pero Oo, totoo.. tama ka sa sinabi mo."- saad ni Devin. "Kung ganun, ikaw si Devin Kiel El Greco? Ikaw ang asawa ng babaeng 'to?"- gulat na saad ni Prof.China sabay turo sakin. Napapoker face naman ako. "At bakit ganyan ang reaksyon mo? Hindi ba kapa-paniwala na nakapangasawa ako ng ganyan kagwapo!?"- pagtataas ko ng boses kay Prof.China. Tinignan naman ako nito. "Oo eh.."- sagot nito. Kinuha ko naman yung upuan na malapit sakin at akmang ibabato sa kanya nang magtago siya sa likod ni Grey at awatin naman ako ni Devin. Napahawak naman sa noo niya si Ylana. "Hanggang ngayon ba naman ganyan pa rin kayong dalawa? Sa tagal niyong hindi nagkita, imbis na magbatian kayo ng maayos yan ang ginawa niyo."- saad ni Ylana na umiiling-iling pa. Napangiwi naman ako. "Aissh! Paanong magbabatian ng maayos eh hindi pa rin nagbago yang babaeng yan! Wag kang makalapit-lapit dito kay Devin nako lang! Yung kamanyakan mo wag mong pairalin dito sa DIA kung hindi tatamaan ka talaga sakin."- saad ko. Nag-peace sign naman si Prof.China na nagtatago pa rin sa likuran ni Grey at todo kapit rito. "Sa tingin mo ba maglalakas loob akong gawin sa kanya yung nasa isip mo? Takot ko lang diyan sa asawa mo. Napatay niya si Albert sa mura niyang edad sa tingin mo ba may palag ako diyan ngayon na malaki na siya at may asawa na? Malamang mas lalong gumaling yan."- saad ni Prof.China Binitawan ko naman yung hawak kong upuan. "Mabuti yan, matakot ka."- saad ko. Sumingit naman si Alex. "Matanong ko lang, ilang taon ka na?"- tanong ni Alex kay Prof.China. Tinignan naman siya ni Prof.China. "Oooo... ikaw ang nag-iisang babae sa Cards hindi ba? Ibig-sabihin ikaw ang Girlfriend nitong totoy kong estudyante dati."- saad ni Prof.China sabay sundot sa bewang ni Grey. "Ganda ah! Naka-Jackpot ka 'tol! Kaya pala bigla kang nagpapogi."- saad ni Prof.China kay Grey na napapoker face na lang. "Anyways, I'm 30 years old. Bakit mo natanong?"- saad ni Prof.China kay Alex. Umiling-iling naman ito. "Nothing, mukha ka kasing 20+ lang kaya medyo naiirita ako sa pagtatago at pagkapit mo sa likod ng boyfriend ko."- saad ni Alex. Tumawa naman si Prof.China. "Nah, Oo at gumwapo na si Grey pero kahit ganun ay wala na kong interest sa kanya kasi nahawakan ko na yung gusto kong hawakan sa mga tulad niya matagal na."- saad ni Prof.China. Napahawak naman ako sa ulo ko. "A- anong ibig mong sabihin?"- saad ni Alex. Bigla namang hinila ni Ashlie si Bryan papunta kay Prof.China. "Prof! 'Eto nga pala si Bryan, Mister ko."- pakilala ni Ashlie kay Bryan kay Prof.China. Tinignan naman ni Prof.China si Bryan mula ulo hanggang paa. "Halika nga rito Ashlie."- saad ni Prof.China kay Ashlie na agad lumapit sa kanya. "Bigyan mo nga ko ng lalaki, ganda ng taste mo eh."- saad ni Prof.China kay Ashlie. Tumango naman si Ashlie sabay agad na naglabas ito ng cellphone. "Dito Prof, marami akong contact. Mamili ka na lang."- saad ni Ashlie. Pagkatapos nun, parehong naging ang manyak ng pagmumukha nilang dalawa. Binulungan naman ako ni Devin. "Ganyan ba talaga yang Prof niyo?"- bulong sakin ni Devin. Tumango naman ako. "Oo."- sagot ko. "Anyways, makilatis nga 'to."- saad ni Prof.China sabay lapit kay Bryan nang hilahin ni Ashlie si Bryan palayo kay Prof.China. "No need Prof, di mo na kailangang alamin kung gaano kalaki kasi alam ko na kasi nakita ko na."- saad ni Ashlie. Pumalakpak naman si Prof.China. "Sabihin mo sakin mamaya yung alam mo na."- saad ni Prof.China. Tumango naman si Ashlie sabay nag-money sign. "Basta ilibre mo ko mamaya."- saad ni Ashlie. "Deal."- saad ni Prof.China sabay tingin kay Brent. Napalunok naman ng laway niya si Brent na tila nakaramdam. Tumayo ito at nagtago sa likod ni Ylana. "Prof, wag mong tignan 'tong Fiance ko. Hindi ko pa 'to naaano wag mo kong unahan."- walang emosyong saad ni Ylana kay Prof.China. Natawa naman si Prof.China. "Binyagan mo na!"- saad ni Prof.China. "Soon."- sagot naman ni Ylana. Bumuntonghininga naman ako. "So ano, ganito na lang yung gagawin? Usapang kamanyakan na lang ba o ipapaliwanag na natin sa Professor na manyak na 'to ang tungkulin niya rito sa DIA?"- saad ko. Natahimik naman sila Ashlie at Ylana. Samantalang si Prof.China, natawa na lamang ulit. "Di mo na kailangang sabihin o ipaliwanag pa sakin ang tungkulin ko rito sa DIA sapagkat alam ko na. Sinabi na sakin ni Tala ang lahat-lahat at alam ko na ang gagawin ko. Tungkol sa sahod ko rito, okay na sakin yun. Kahit mas mataas lang yun ng isang libo sa dati kong sinasahod ayos na."- saad ni Prof.China. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Pero sa tono mo parang gusto mong magpadagdag."- saad ko. Kunwari naman siyang nagulat. "Really? Siguro nga ganun!"- saad ni Prof.China. Tumawa naman yung kambal. "Pfftt... Ang savage ng Professor niyo!"- tumatawang saad nila Bryan at Brent. Ngumiwi naman si Ylana. "Matagal na."- saad ni Ylana. "Anyways, kung ganung alam mo na kung anong dapat mong gawin. Sumunod ka na rito kay Tala, dadalhin ka niya sa dorm dito sa DIA kung saan sila nakatira. Magpahinga ka dun at bukas magsisimula ka na kaagad na magklase at please lang, ayokong may marinig na kung ano mula sa mga estudyante na minamanyak sila ng guro nila sa Martial Arts. Oras na may marinig akong reklamo tungkol sayo malilintikan ka talaga."- saad ko. Tumango-tango naman si Prof.China. "Masusunod po! Opo!"- sagot ni Prof.China. Pagkasabi ni Prof.China nun, bigla na lamang bumukas ang pinto at pumasok ang hingal na hingal na si Vince. "Guys!"- sigaw nito pagkapasok. Agad naman kaming napatingin sa kanya. "Bakit? May problema ba?"- tanong agad ni Tala kay Vince. Tinignan naman siya nito at ito ay agad na tumango. "Oo."- sagot ni Vince. Nilapitan naman ni Prof.China si Vince kaya napatingin si Vince dito. "Oooo... ang tangkad na lalaki, I wonder...."- saad ni Prof.China sabay hawak sa pwet ni Vince na ikinalaki ng mga mata namin, lalo na..... ni Vince. "PROF!"- sigaw ko sabay lapit ko kay Prof.China at hila ko rito palayo kay Vince. "Ano ba! Hindi 'to oras para diyan!"- pagtataas ko ng boses kay Prof.China. Napakamot naman ito sa ulo niya. "Ehh? Pasensya na. Di ko napigilan eh."- saad ni Prof.China. Tinignan ko naman si Vince na nasa likod na ni Tala na blangkong nakatingin kay Prof.China. Pinakalma ko naman ang sarili ko. Yung totoo? Anong ginawa nitong si Prof.China nitong nagdaan na mga taon at parang mas lumala siya? Hindi naman siguro siya nag-adik hindi ba? "Vince, sabihin mo kung anong problema."- saad ni Devin kay Vince. Tinuro naman ni Vince si Prof.China. "S- sino siya?"- saad ni Vince. "Tss... saka mo na alamin, sabihin mo muna kung anong problema."- saad ni Devin. Agad namang umayos si Vince. "S- si KC, nagdumi dun sa Lobby eh."- saad ni Vince. Napakunot naman ako ng noo. "KC?"- naguguluhan kong sabi. "KC, short for Killer Clown. Nagdumi siya sa Lobby, yung katulad dati."- saad ni Vince. Nanlaki naman ang mga mata ko. "Wag mong sabihing ginawa niya ang ginawa dati nila Mommy at Daddy sa pader ng lobby?"- saad ko. Tumango naman si Vince. "Yun nga, may mensahe siyang isinulat sa pader ng Lobby gamit ang dugo."- saad ni Vince. Napakuyom naman ako ng kamao ko. "Ang tagal natin kanina na nakatayo sa Lobby, wag mong sabihing pagkaalis natin dun siya gumawa ng kilos?"- saad ni Ashlie. "Tss.. malamang yun nga ang ginawa niya."- saad ko sabay lakad ko paalis. "Pumunta tayo sa lobby."- saad ko. Agad naman silang sumunod. Pagdating namin sa Lobby, may nakita akong tao na nakatayo sa labas sa gitna ng school grounds. "Si Killer Clown!"- sigaw ko sabay habol ko sana dito nang magsimula itong tumakbo palabas ng DIA at pigilan ako ni Prof.China. "Wag mo na siyang habulin, kung hahabulin mo siya magsasayang ka lang ng pagod dahil hindi mo na siya maabutan. Masyado na siyang malayo at isama mo pa na ang bilis niyang tumakbo, kaya dito ka na lang."- saad ni Prof.China. Hindi naman ako nagsalita at sinunod na lang si Prof.China. Yung Killer Clown na yun! "Sariwa pa ang dugo na ginamit niya rito."- saad ni Prof.China sabay lapit niya sa pader at tingin niya sa dugo. "Sa tingin ko hindi 'to galing sa tao, kinuha niya 'to sa hayop."- saad ni Prof.China. Tinignan ko naman ang pader ng Lobby at binasa ang mensahe na isinulat ni Killer Clown dito. "The real game is soon to start, be ready."- basa ko sa mensahe sa pader. Real game.... anong ibig niyang sabihin? kinukutuban ako ng hindi maganda. "Guys, yung bantay sa registar walang malay."- rinig kong saad ni Bryan. Tinignan ko naman siya. "Dalhin niyo sa clinic at pagkatapos sabihin sa mga janitor na linisin agad 'tong pader bago pa ang break time ng mga estudyante. Hindi pwedeng makita nila 'to."- saad ko kila Bryan, Ashlie at sa iba pa. Tumango naman sila. "Masusunod."- sagot nila. Nilapitan naman ako ni Devin. "Anong gagawin natin?"- mahinang saad sakin ni Devin. Sumeryoso naman ako. "Gagawin natin ang sinabi niya..."- saad ko sabay kuyom ko sa mga kamao ko. "Maghahanda tayo, hindi lang basta maghahanda... maghahanda tayo ng sobra-sobra."- saad ko pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD