Ice POV "Ice, sigurado ka na ba talaga diyan sa naging desisyon mo?"- tanong sakin ni Ashlie. Tinignan ko naman siya. "Oo."- sagot ko. Nagulat naman ako ng bigla na lang siyang nagtaas ng boses. "Pero kapag hinuli na natin siya mas mapapadali na ang lahat satin! Bakit kailangan pa na pagbig----"- saad ni Ashlie na hindi niya natuloy sapagkat tinakpan ni Ylana ang bunganga niya. Tila nataranta naman ako at hinintay na may dumating sa pag-aakalang may nakarinig ng sigaw ni Ashlie na yun. Nang walang dumating, napabuntonghininga na lamang ako. "Ano ba! wag kang maingay, baka marinig ka nila Devin sa ibaba!"- mahina kong saway kay Ashlie. Tinanggal naman niya ang pagkakatakip ni Ylana sa bunganga niya sabay muling nagsalita. "Kasi Ice, hindi ko maintindihan eh! Bakit ka pumayag sa g

