"Josh!"- sigaw ni Devin sabay silip niya kay Josh. Pagtingin niya, napakuyom na lamang siya ng kamao sa nakita niya. Nakatayo ito at sinasalo ang lahat ng mga bala ng baril na pinapaulan ng taong mula sa helicopter. Napapikit naman si Devin dahil dito. "D*mmit! D*mmit!"- banas na saad ni Devin dahil sa kawalan niya ng silbi para kay Josh. Hanggang sa, nagulat na lamang si Devin ng bigla na lamang siyang makarinig ng isang malakas na pagsabog mula sa himpapawid. Pagtingin niya, sumabog ang helicopter. "A- anong.."- saad ni Devin at pagkatapos ay nagulat siya ng marinig niya ang boses ni Prof.China at maging nila Jim at Jenson. "JOSH!"- sigaw ng mga ito. Agad namang lumabas sa pinagtataguan nila sila Devin, Vince at Tala at pagkatapos ay nilapitan nila ang nakatayo lamang na si Prof.

