Chapter 04: Personal Maid

1839 Words
[Karen’s Pov] Napakaganda ang sikat ng araw ngunit ang init na sa labas sapagkat summer na. Nalalapit na rin ang araw ng pasukan namin kaya magiging part time na lang ako dito sa mansyon. Ngunit dito pa rin ako mag-uuwian para pagkagaling ko sa school ay trabaho naman ang aatupagin ko dito. Bihira ko lang makaharap ang mga amo ko dahil busy sila sa kompanya nila. Madalas ay si Manang Siony ang nag-aasikaso sa kanila habang kami naman ni Ate Loring ang bahala sa kusina at paglilinis. Simula nu’ng nangyari ng isang gabi sa amin ni Sir Ethan ay palagi na akong umiiwas. Iniiwasan ko rin na magkrus ang landas naming dalawa sa mansyon. Minsan pa nga ay nakakasalubong ko siya kaya naman yumuyuko na lang ako. Babati lang ako at lalayo na ako para magpaka-busy sa trabaho. Bigla ako ipinatawag ni Mrs. Sandoval sa kanyang opisina. Katabi lamang iyon ng kuwarto nilang mag-asawa. Kinakabahan ako dahil baka may nagawa na naman akong kasalanan na hindi ko nalalaman. Kumatok ako nang marahan sa pintuan at binuksan iyon sa maliit na awang. Tama lang para dumungaw ang aking uluhan. Tinignan ako ni Mrs. Sandoval at nginitian. “Get inside Ms. Karen,” sabi ni Mrs. Sandoval. Nakaupo ito sa swivel chair niya at may mga hawak na papers. Maganda si Mrs. Sandoval. Balingkinitan ito at hindi mo aakalain na nasa apatnapu’t dalawang taon na ito. Maamo ang mukha at palangiti. Hindi katulad ng isa nilang anak na malademonyo ang pag-uugali. Pumasok ako sa loob at tumayo sa harapan ng table niya. “Pinatawag niyo raw po ako Maam?” tanong ko. Binitiwan ni Mrs. Sandoval ang mga hawak niyang papeles at inilapag sa lamesa. “Ah yes, Karen right? Mag-iisang buwan ka na rito hindi ba? I want you to be my son's personal maid,” sabi niya. Hindi ako makapaniwala sa tinuran ni Mrs. Sandoval. Ako? Personal maid ni Sir Ethan? Tanong ko sa aking isipan. “Po? S-sigurado po ba kayo Ma’am?” nagtatakang tanong ko. Tumayo ito at pumunta sa isang sulok. May nakatayong divider du’n at may mga nakalagay na iilang picture frame. Marahil ay family picture at ang iba doon ay litrato ng mga anak niya. Nakatalikod na siya sa akin ngayon. “Yes Hija, I’m sure,” nilingon niya ako nakangiting sabi niya. Ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa mga picture frame. May kinuha siyang isang picture frame. Litraro ni Sir Ethan noong bata pa ito. Hinaplos niya ang mukha ni Ethan sa litrato. “Please, pumayag ka na Karen?” pakiusap niya sa akin. Tumuwid ako sa pagkakatayo ko at pinagsalikop ang mga kamay ko. “K-kasi po,” nag-aalagan kong sagot. Napabuntong hinninga si Mrs. Sandoval. Ibinalik nito ang picture frame sa divider. Humarap siya at naglakad pabalik sa swivel chair niya. Hinilot nito ang kaniyang sentido. “Sumasakit ang ulo ko sa batang iyon. Hindi siya marunong makisama sa mga ka-edad niya. Na-spoiled nga siguro namin siya,” malungkot niyang sabi. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya. Sino ba naman ang magulang na matutuwa kung ganu’n ang ugali ng anak mo. “P-pero Ma'am, bakit hindi na lang po si Ate Loring?” giit ko. Ngumiti siya sa akin. “Gusto ko ikaw nang matuto siyang makisalamuha. Napag-alaman kong matalino kang bata. I'm sure na ‘di mo susukuan si Ethan ng basta-basta.” Nakangiti niyang sabi. “Marami na akong na-hire, but all of them are gone, nag-reresign.” dugtong pa niya. “By the end of summer he will be back in school. So I need someone to look after him and take care of him.” ‘Di na ako nakasagot sapagkat hindi ko alam kung tatanggapin ko ba o hindi. Naguguluhan ako at hindi makapagdesisyon. Pero ito ang pinunta ko dito trabaho. Magpapasukan na rin sa susunod na mga linggo. Mag-iingat na lang siguro ako sa mga sasabihin ko at gagawin para ‘di magalit ulit sa akin si Sir Ethan. “Okay po Ma’am. Kung ‘yan po ang nais niyo ay wala po akong magagawa. Tinatanggap ko po.” sabay cross finger ng dalawang kamay ko at tumingala. Think positive Karen kesa mawalan ka ng trabaho. Ngumiti si Mrs. Sandoval sa akin. “Okay Hija, aasahan kita. You can go now. And I will tell my son about this,” sabi niyang nakangisi. “Wala rin naman siyang magagawa kung ayaw niya.” “S-sige po, lalabas na po ako Ma’am Mildred,” paalam ko. Ginawaran niya lang ako ng isang malaking ngiti. Pupunta sa beach si Sir Ethan and guess what! Kasama ako. Ako ba naman ang personal maid niya. Pagkarating namin sa beach ay bumaba na siya ng sasakyan. Ipinag-drive kami ni Mang Junie. Pagkababa ni Mang Junie ay kinuha nito ang mga gamit ni Sir Ethan. Itinaas ni Sir Ethan ang suot nitong sunglasses at ngumisi. Pinasadahan niya muna ako ng tingin bago niya inilipat ang tingin niya kay Mang Junie. Sumimangot ako dahil sa tingin ko ay may naiisip itong kalokohan. “Ah, Mang Junie. Ibaba mo na ang mga ‘yan at p’wede mo ng ipark ang car doon,” utos niya sa matanda. May inbait itong susi kay Mang Junie. “Ito pala ang susi mo, kinuha na kita ng sariling kuwarto mo dito sa resort.” Kinuha ni Mang Junie ang inabot nitong susi sa kaniya ni Sir Ethan. “Ah, sige po Sir Ethan. Maraming salamat po,” paalam ni Mang Junie. Nginitian ako ni Mang Junie at kaagad na itong sumakay sa kotse. Nagbuntonghininga ako. “Hays… akala ko pa naman may makakausap na akong matino,” bulong ko sa sarili. “Hey! Ikaw,” nakangisi niyang sabi. Tinignan ko siya at nakapamewang na ito ngayon. Tinuro niya ang isang maleta at isang travel bag. Napatingin ako sa gamit. “Buhatin mo ang mga iyan and bring it to my Room,” utos niya sa akin habang nakangisi ito ng malademonyong ngiti. Namilog ang mata ko at napaawang ang bibig ko. “S-sir? sigurado ho kayo? E, ang bigat po ng mga ito?” reklamo ko. Tinawanan siya nito na parang nang-aasar. “Nagrereklamo ka? I can fire you anytime,” banta niya sa’kin. Wala akong magagawa kaya sumimangot ako at walang pag-aatubili na binuhat ko ang maleta at sport bag niya. Bakit ba Sobrang bigat nito, pinapahirapan talaga ako nitong lalaking ito! Gigil kong sabi sa aking isipan. [Ethan’s Pov] Nauna na akong pumunta sa kuwarto. Iniwan ko si Karen dahil ang bagal niya maglakad. Pumasok na ako sa kuwarto at agad na humiga sa isang kama. May dalawang kama ang kuwarto. Doon ko na rin papatulugin si Karen. Siyempre, may plano na ako para pahirapan siya. Ngayon pa lang ay natatawa na ako sa kalagayan niya dahil bitbit niya ang maleta at travel bag. Kung anu-ano ang inilagay ko sa maleta para bumigat. Sinadya ko talaga dahil parte iyon ng plano ko. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa biglaang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon sa bulsa ko. “Hello Dude, nandito ako sa room ko. Nasaan na kayo?” tanong ko kay Carlo na isa sa mga kaibigan ko. Magkakilala rin ang mga parents namin dahil sa negosyo. “Okay, sige lalabas na kami para pumunta riyan,” sagot ko sa kabilang linya. Tumayo ako ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ng short ko. Natigilan ako ng makita kong dumating si Karen. Hingal na Hingal ito sa pagbitbit ng maleta at nakasabit pa sa kaniyang balikat ang travel bag. Ibinaba niya ang travel bag sa sahig. Napaupo ito isang kama at naghahabol ng hininga. Kaagad ko siyang tinawag at nilingon niya ako. Isang matalim na tingin ang binigay niya sa’kin. Ngumisi ako at nakagat sa labi ko. Pinipigilan ko kasi ang pagtawa ko sa itsura niya ngayon. Pawis na pawis ito. “Babae ka ba talaga?” tanong ko na may halong pang-iinis. “Ano?” naiinis niyang tanong. “Biruin mo nabuhat mo ang mga ‘yan,” natatawa kong sabi. Sumimangot siya sa’kin dahil sa pagkairita. Tiyak akong napagod siya sa pagbitbit ng bagahe ko. Naglakad ako palabas ng kuwarto. “Come Karen, naghihintay na ang mga kaibigan ko. Kumain muna tayo,” tawag ko sa kaniya. Ngumisi ako sa kanya at nakita ko ang pag-irap niya sa’kin. Nagsalubong ang mga kilay ko. Dinuro ko siya. “Hey! I saw you Karen!” singhal ko. Lumingon siya sa akin habang nakangisi. Hilaw siyang ngumiti sa’kin. Kahit ganu’n ay natatawa ako sa mga expression ng mukha niya. Matapang si Karen at ‘di siya basta-basta sumusuko kahit pinapahirapan ko siya at sinusungitan. “Okay po sir, hehe ito na ho,” sabi niya. Kaagad siyang tumayo at inilagay sa sulok ang maleta ko at travel bag. Pagdating namin sa Cottage ay naroon ang aking mga kaibigan na sina Carlo, Diego at Dexter. Lahat sila ay anak ng mga mayayaman at malalaking negosyante. Nakangisi akong lumapit sa kanila. “Hey Dude! Is that your girlfriend?” tanong ni Diego na mahilig sa mga chiks. Ngumiti lang ako at nilingon si Karen. Nakasimangot pa rin ito. “Aba Dude, meron ka palang hindi sinasabi sa amin,” tanong ni Carlo na may kakaibang kahulugan. Nakangiti sila ng pilyo sa akin. Alam ko na ang kakaibang iniisip nila. Sabagay may itsura naman si Karen. Kulang lang ito sa pag-aayos. “Hey, stop the both of you! She’s just my personal maid tsk,” giit ko na may halong inis. Sumingit si Karen. “Opo! Personal maid niya po ako. Ako po pala si Karen, nice to meet you all,” bati niya sa mga ito. Nakangiti pa talaga siya sa mga kabibigan ko na lalo kong ikinagalit. Tumayo si Dexter. “Hi, I’m Dexter. Nice to meet you too Karen.” Inilahad ni Dexter ang kamay niya kay Karen. Inabot naman ni Karen ang kamay niya. Kasabay ang kaniyang pagngiti sa kaibigan ko. Nakipagkamay na rin sina Diego at Carlo. “Karen, can you get us some juice?” utos ko. Tumango lang ito at kaagad na umalis. Ilang saglit lang ay bumalik ito. “What?” tanong ko. “Pambayad po Sir?” marahan niyang sabi. Kinuha ko ang wallet sa bulsa ko at ibinigay ang credit card ko. Mabilis siyang tumalikod at umalis. “Hey, Ethan? Ang ganda naman ng personal maid mo? May boyfriend ba ‘yun?” seryosong tanong ni Dexter. kumunot ang noo ko at natawa. Nagpapatawa ba ‘tong kaibigan ko. Sabi ko sa aking isipan. “Hey Dexter, I know what's on your mind, hahaha!” tawa kong sabi. Humalukipkip ang mga braso ko habang nakatingin sa dagat. “Wala siyang boyfriend at never siyang magkaka-boyfriend dahil bawal,” nakangisi kong sagot kay Dexter na ikinatawa naming lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD