Chapter 05: Tease

2063 Words
[Karen’s Pov] Pagkatapos kong bumili ng juice ay bumalik kaagad ako sa cottage. Mahirap na baka sabihin ng bastardo kong amo na babagal-bagal ako. “Sir eto na po ang mga juice niyo.” Dahan-dahan kong inilapag sa lamesa ang tray na may limang baso ng juice. Napasulyap ako kay Sir Ethan ngunit nakasimangot lang itong nakatingin sa akin. “Thank you Karen,” ani Dexter habang nakangiti. Kaya naman ginantihan ko siya nang matipid na ngiti. Sana ay ganu’n si Sir Ethan. Edi sana ay wala akong problema. Sa ugali kasi nito ay mukhang papahirapan niya talaga ako. Umupo ako sa tabi at nakikinig lang sa kuwentuhan nilang magkakaibigan. Nakaka-boring nang sobra dahil wala naman akong kausap. Mabuti na lang at maganda ang beach dahil sa white sand at napakalinaw ng tubig-dagat. Ang sarap sigurong mag-swimming. Mag-swimming kaya ako? Papayagan kaya ako ni Sir Ethan? Tanong ko sa aking sarili. Nagpaalam ako na doon muna ako sa dalampasigan upang magpahangin. “S-sir Ethan? Puwede po ba akong pumunta sa dalampasigan?” Tumango lang si Sir Ethan sa akin. Napakasungit talaga kahit kailan at ‘di man lang magawang ngumiti. Habang nakaupo ako ay biglang may tumabi sa akin. Napaigtad pa ako dahil sa sinabi ng katabi ko. “Ang ganda ng view noh? Kasing ganda mo,” usal ni Dexter. Mas nagulat ako dahil pagkalingon ko ay si Dexter pala. “Ay, ikaw po pala Sir Dexter,” sabi kong nakangiti nang hilaw na tila nahihiya. “Tara swimming tayo?” aya niya. “S-sorry po sir dito na lang po ako. Di po kasi ako marunong lumangoy,” paliwanag ko. Nakangisi ako na nahihiya dahil sa edad kong ito ay hindi ako marunong lumangoy. “No, it's fine. I'll teach you, okay?” “P-pero Sir Dexter baka magalit po si Sir Ethan. Tiyak akong hindi siya papayag kasi--” Naputol ang sinabi ko dahil hinawakan niya ang kanang kamay ko. “No, it’s fine. Ayan na at lalangoy na rin sila,” sabi niya. Hinatak niya ako patayo. Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Nakita kong papalapit na sina Sir Ethan, Sir Carlo at Sir Diego. Hinatak niya ako papunta sa tubig ngunit pinigilan ko siya. Natatakot kasi ako dahil baka malunod ako. “W-wait po Sir Dexter! ‘Di po talaga ako marunong lumangoy!” bulalas ko. Napalingon ako kay Ethan ngunit hindi man lang niya ako pinansin o tinignan. Pumapayag kaya siya? “Come here, wag kang matakot. Tuturuan kita.” Hawak-hawak na ako sa kamay ni Dexter habang palalim kami nang palalim. Humigpit ang pagkahawak ko sa kaniyang kamay. “T-teka dito na lang tayo.” Ngumiti si Dexter sa akin. “Okay, Karen don't sall me sir please… Dexter na lang will be fine.” “Po? pero---” Natigilan ako nang bigla n’yang inilagay ang mga kamay ko sa balikat niya at ngayo’y magkaharap na kaming dalawa. Lalo lamang tumindi ang kaba sa dibdib ko. “It’s okay. Dexter na lang. It’s no big deal Karen. Halika and just kick your feet,” sabi niya. Hiyang-hiya ako dahil tinuturuan pa ako ng kaibigan ni Sir Ethan. Pagkatapos ay gusto pa nitong Dexter lang ang itawag ko sa kaniya. Ilang minuto na ganoon ang posisyon namin pero bakit hindi pa rin ako matuto. Natatawa na ako sa saking sarili at mukhang napapagod na rin si Dexter. Huminto ako sa pagsipa ng mga paa ko. “Sorry Sir Dexter ‘di ko po kaya.” Ngumiti lang si Dexter at hinila niya ako nang dahan-dahan sa mababaw na parte ng dagat. “Magpahinga muna tayo. Okay lang ‘yan… ‘Di ka naman kaagad matututo sa paglangoy pero I hope you will learn.” Nagpalinga-linga ako nang nahuli kong nakatingin pala sa amin si Sir Ethan. Magkasalubong ang kilay nito at biglang s’yang umiwas nang basain siya ni Diego sa mukha. Napatda ito sa ginawa ni Diego kaya tumayo siya at naghabulan sila. “Tara, okay ka na ba?” tanong ni Dexter. “Enjoy-in mo lang and sure akong matututo ka rin Karen.” “O-okay po.” Nang nakarating na kami sa malalim na parte at hanggang leeg ko na ang tubig ay biglang napahawak sa akin si Dexter. “Sir Dexter! Okay lang po ba kayo?” nag-alala kong tanong. Bakas sa mukha nito na nasasaktan siya. Kaya naman nagmadali akong hinatak siya. “Hey, I said Dexter lang. Napulikat ata ako Karen,” daing niya. Inakay ko siya papuntang dalampasigan. Nakita kami ng mga kaibigan niya kaya biglang lumapit sina Diego at Carlo. Hawak-hawak ni Dexter ang kaniyang binti. Hindi na rin maipinta ang mukha nito sa sa akit na nararamdaman. Tinapik siya ni Diego sa balikat. “Dude are you Okay?” “Yes Bro. Ouch! Can you bring me back to the cottage?” pakiusap ni Dexter sa kaibigan. Inalalayan siya nina Deigo at Carlo na makatayo. Nilingon ako ni Dexter. “K-Karen, sorry ha? Maybe next time. Please enjoy okay?” Tumango na lang ako at hindi nakapagsalita. Dahil sa akin ay napulikat si Dexter. Sinundan ko na lang sila ng tingin habang papalayo. Napaigtad ako sa paghatak sa akin sa braso ko. Dahan-dahan niya akong dinadala sa malalim. Hanggang sa ‘di ko na nararamdaman ang lupa. Napayakap ako sa humatak sa akin. Nagulat ako sa pag-angat ng mukha ko ay si Sir Ethan pala. Sira ba ang ulo nito at bakit niya ako dinala sa malalim. “S-Sir Ethan! ‘Di po ako marunong lumangoy!” hiyaw ko nang buong lakas. Ngunit nanlaki lang ang mga mata ko sa pangngisi niya lang sa akin. Nakangitin demonyo ang loko. Mukhang may binabalak itong hindi maganda. Nagpupumiglas pa ako sa pagkakahawak niya. “I know. I’m here to teach you,” sabi ni Ethan. “Hindi mo na ako kailangan pang turuan!” galit na sabi ko. “Huwag ka ngang maarte, libre ka na ngang tinuturuan e,” naiinis na sabi nito sa akin. Aba e parang kasalanan ko pa na tinuturuan niya ako ngayon. Hindi ko naman siya pinilit. Sino ba anh nagsabi na turuan niya ako. Unti-unti niya akong inalis sa pagkakayakap sa kaniya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Pilit kong sinisipa ang mga paa ko sa ilalim. “Wala akong sinabi turuan mo ako! Kaya puwede ba? Kaya kong matuto mag-isa.” Hindi nga ako natuto kay Dexter na lumangoy tapos sinabi ko pa iyon. Nagulat ako nang biglaan niyang bitiwan ang mga kamay ko. Naramdaman kong lumubog ako at hindi ko magawang lumangoy. Walang habas na hinabol ko ang kaniyang katawan para mayakap ko siya nang mahigpit. Buwisit papatayin niya ba ako. Halos habulin ko ang aking hininga sa sobrang kaba. Tatawa-tawa lang siya. Bigla kaming natigilan at pagharap ko ay nakatitig siya sa akin ng nakangiti. Hinampas ko siya sa balikat niya na ikinatawa niya. This guy is crazy! Sabi ko sa aking isipan. “Lulunurin mo ba ako Sir Ethan! You’re out of your mind!” bulyaw ko. Imbes na mag-sorry ay tumawa pa ito. Napalunok ako ng laway dahil napagtanto kong yakap namin ang isa’t isa. “Ganiyan ba makipag-usap sa amo?” tatawa-tawa niyang tanong. Ngiti pa lang niya ay nakakainis na. Paano kasi ay nang-aasar pa ito. Bakit kasi wala si Dexter. Maigi pa na siya ang magturo sa akin kesa sa bastardo kong amo. “Sige bibitawan ulit kita,” banta niya. Wala akong choice kundi ang yumakap nang mahigpit sa sobrang takot ko. “Huwag po sir! Sorry po! Sorry…” sabi ko habang nakapikit . “Why saying sorry Karen?” seryoso nitong tanong. Idinilat ko ang mga mata ko at tinignan siya. Nagtama ang mga tingin naming dalawa. “Please po… Dalhin niyo na ako sa tabi Sir Ethan. Sorry po kung palasagot ako,” naiiyak kong sabi. Naramdaman ko na humigpit ang hawak nya sa bewang ko. Unti-unti ay naramdaman kong niyayakap na niya ako. Ang init sa pakiramdam. Ngayon lang ako niyakap ng isang lalaki. Never in my life dahil bata pa ako at wala pa sa isipan ko. “Next time na sasagot ka sa ‘kin nang pabalang, I'll Kiss you… ” bulong niya. Bigla akong namula at nahiya. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Naalala ko lang naman kasi ang ginawa niya dati. Paano kung gawin niya ngayon ulit ang halikan ako. Wala akong kalaban-laban kung nagkataon dahil hindi ako marunong lumangoy. Wala akong nagawa kaya hindi na ako sumagot. Sa halip ay isinubsob ko na lang ang mukha ko sa leeg niya para di kami magkatinginan. Unti-unti kong naramdaman na nasa mababaw na kami. Bigla niya akong binitawan kaya bumagsak ako sa tubig at magkandalunod-lunod ako. Diyos ko po! Nakagigigil na talaga ‘tong amo ko. Please Lord! Tumayo ako at napapunas sa aking mukha. Tinawanan niya lang ako at sabay na umalis na pailing-iling. Sa wakas ay bumuti na ang paa ni Dexter. Kumain na rin kami nang magkakasabay. Sumapit ang gabi ay pagod na pagod ako kakasunod sa kanila. Wala silang ibang pinag-usapan kundi puro babae na naggagandahan at seksi sa beach. Bawat napapadaan sa harap nila ay niri-rate pa nila. Nangunguna pa si Carlo at Deigo habang tatawa-tawa lang si Dexter at Ethan. Nagpaalam na ang tatlo na babalik sa kanilang mga kuwarto nang makapagpahinga. Ako naman ay umupo muna sa dalampasigan. Dinadama ang simoy ng hangin. Ang tunog ng alon na humahampas sa pampang. Niyakap ko ang aking sarili habang nanuot sa balat ko ang malamig na hangin. Natigilan ako dahil naalala ko kung saan nga pala ako matutulog? Wala naman kasing nabanggit sa akin si Sir Ethan. Hindi kaya ay iisang kuwarto lang kami matutulog? Napansin ko kasing dalawa ang kama roon. Maya-maya pa ay bumalik na ako sa kuwarto. Natigigilan ako dahil nakalock ang pintuan. May narinig ako na may tumatawang babae. Nanggaling iyon sa loob ng kuwrato. Bigla akong kinabahan. May kasama pala siyang babae sa loob. Babaero din pala ang loko. Idinikit ko ang tainga ko sa pinto para makinig. Ngunit bigla iyong bumukas. Kamuntik-muntikan na akong masubsob. Natigilan ako sapagkat nasa harap ko ang isang maganda, makinis at sexy na babae. Siguro ay kasing edad lang din namin ni siya ni Sir Ethan. “Hey girl! Are you okay?” tanong ng babae. Natawa pa ito nang bahagya sa akin. Napayuko ako sa sobrang hiya dahil nabisto nila akong nakikinig sa usapan nilang dalawa. “Sorry po kung nakaistorbo ako.” “Oh no! It’s okay. I'm Leaving now.” Bigla niyang hinalikan sa pisngi si Sir Ethan. Gumanti lang ng ngiti ang mahangin kong amo. Wow ang plastik ng ugali. Kapag sa iba ay ang bait-bait niya. Ngunit pagdating sa akin ay demonyo ang pag-uugali. Ano naman kaya ang magugustuhan ng babaing ito sa lalaking ‘yan. Naiinis kong sabi sa aking isipan. Pagkaalis ng babae ay pumasok na si Sir Ethan. Naiwan lang akong nakatayo sa labas ng pinto. “Get inside Karen and Lock the door,” utos niya. “Ho? I-lock ang pintuan?” tanong ko. Gumapang ang kaba sa buong katawan ko. Ano naman kaya ang binabalak nitong loko. Nakahiga na ito sa kama niya habang ang isang kamay nito ay nakapatong sa kaniyang noo. Umangat siya ng kaunti para tignan ako. “I said, lock the door and get some rest. Kung ano man yang iniisip mo ay nagkakamali ka. I’m not that kind of person.” Pumasok ako sa loob at isinara ang pintuan. No choice ako kundi ang sumunod. Bumangon ito at umupo sa kama. Tinitigan niya ako simula itaas at pababa. Para niya akong ini-examine sa tingin niya. Nayakap ako sa sarili ko. Baka kasi may binabalak na naman ang siraulong ito. “Kahit ikaw siguro ang matira sa mundo ay hindi kita papatulan,” sabi niyang nakangisi. Napatda ako sa kinatatayuan ko at namilog ang mata ko sa binitiwan nitong salita. Saksakan ng yabang talaga ang lalaking ito. Marahil ay nasalo nito lahat ang kayabangan nang magpaulan ang itaas. “Pakiligpit na lang iyang baso at wine. Thank,” tipid niyang sabi. Aba nag-thank you pa. E mukhang napilitan lang naman. Itinuro niya ang lamesa sa gilid ko at bumalik siya sa pagkakahiga. Nakatalikod ito sa sa akin. Mukhang napagod ata. Pero bakit niya sasabihin ang ganu’ng bagay. Marahil ay alam niya ang inisiip ko na may ginawa silang kababalaghan. “Okay po Sir Ethan. Goodnight ho. Saan po pala ako matutulog? Dito rin ho ba?” tanong ko. “Yes. Sa’yo ang isang kama, goodnight.” Iniligpit ko ang baso at wine sa lamesa. Pagkatapos ay humiga na ako sa aking kama. Ang lambot at ang sarap mahiga. Dinalaw na ako ng antok kaya ipinikit ko ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD