KAREN'S POV---
Nakauwi rin kami ng safe galing sa beach kahit papano at nag enjoy ako dahil mababait ang mga kaibigan ni Sir Ethan, siya lang bukod tanging masama ugali.
Napangiti ako habang nag aayos ng mga gamit ko , Magpapasukan na kami sa susunod na araw, Saan kaya nag Aaral si Sir Ethan ,tiyak isa sa mga mamahaling paaralan din siguro.
Nagpasya akong tumawag kila Mama At Rose Para kamustahin sila .
"Ateee!! Ano kamusta ka jan , lalo yung pogi mong boss" kinikilig na sabi no Rose sa akin
"Ha? Ano ka ba? Wala noh, Hay naku ang sama sama nga nang ugali "
"What? Seryoso ka diyan ate?" di makapaniwalang tanong niya sa akin
" Oo naman asan pala si mama"
"Andito wait lang"
Ibinigay ni Rose kay mama ang Cp
"Hello anak Karen? Oh ano kamusta ka diyan okay ka lang ba diyan kamusta ang summer mo naikwento ni Rose na Isinama ka raw sa Beach"
"O-opo ma okay lang po ako dito mabait ang mga amo ko , Except po sa isa hahaha" tawa ko
Biglang dumating si Sir Ethan at nakatitig saken
"Opo ma mababait po mga amo ko dito wala po ako masabi hehehe sige mama ha may trabaho pa akong gagawin tatawag ho ako ulit" at agad ko ibinaba ang telepono at nagmadaling umalis baka mapagalitan ako dahil nakikipagusap ako ng oras ng trabaho
Ihahatid pa sana ko ni mang junie pero nagcommute lang ako papasok ng school nakakahiya naman , Ang laki ng Divine Academy nakakalula, Ang daming estudyante , halos mayayaman ang mga nandito. Hinanap ko agad ang aking classroom . Bs Management ang aking kinuhang course dahil in demand naman ito sa ngayon, pwede akong makapagtrabaho sa bangko.
Maya maya pa ay dumating na ang Prof namin. Sa dulo ako umupo , wala akong kakilala at kaibigan pero halos ang iba ay magkakilala na . Tahimik lang akong nakaupo.
Isa isa kaming tinawag ng prof namin sa harapan para magpakilala.
" Hello, I'm Karen Santos , 16 yrs old"
"Isa ka rin ba sa mga anak ng Company Owner?"
tanong ng isang kaklase kong babae
"Ah H-hindi po, I Graduated Valedictorian kaya nakakuha po ako ng scholarship dito, Thank you po" yumuko ako at bumalik na sa kinauupuan ko, nagbulung bulungan ang mga studyante. Ganun siguro pag puro mayayaman di nila expect na may makakapasok na isang mahirap dito
"Hi I'm Alice " pakilala nang nasa harapan kong naupo at nakipagshake hands siya sa akin
"Hello I'm Karen" sagot ko at ngitian niya ako
"Ahmmm... Class , Meron pala tayong isa pang student galing sa kilalang pamilya , Come here iho ,okay lang di ka pa naman late"
wow? hindi late e kanina pa nagsisimula ang klase? ganun ba talaga kapag mayaman excuse sa late hahaha kalokohan!
" Hello I'm Ethan Sandoval , Nice to meet you!"
natigilan ako sa narinig ko at nakita ko si Sir Ethan nga! Umalis ito sa pwesto at papalapit sa akin, Natulala lang ako dahil di ako makapaniwala na Classmate kami?
Hanggang dito ba naman napakamalas ko naman lord!
umupo sya tabi ko , at magkatabi pa talaga kami ha, Nananadya ba talaga to?
Tapos yung mga babae sa Paligid parang mga bubuyog.
akala mo ngayon lang nakakita ng Gwapo!
"Siya si Ethan Sandoval, Oh my God di ko akalain na classmate natin siya!"
"Ang pogi niya Grabe ! may girlfriend kaya siya?"
"OMG girl ! Pwede na akong mamatay!"
Hala? Mamatay talaga? Grabe naman ?! natatawa sa isip ko at napasulyap ako kay Ethan , diretso ang tingin neto pero bigla akong sinulyapan kaya naman Umiwas kaagad ako.
Nakita niya kaya akong Tumingin ? Baka naman kung ano ang isipin niya, Hell no! Di ako mahuhulog sa isang tulad niya, Oo na love at first sight ako pero nawala na iyon dahil mga pinagagawa niya. Iiwasan ko na lang siya para walang problema , ayaw ko rin malaman na Personal Maid niya ako baka naman pagtawanan lang ako ng mga estudyante dito.
"Tara Karen Sabay tayong maglunch" aya ni Alice sa akin di na ako tumanggi tutal mukha naman siyang mabait kaya sumama na ako
Pumunta kaming cafeteria at nakita namin doon si Ethan na nakaupo, Bigla bigla may nagsilapitan sa kanyang mga babae at panay ang tanong sa kaniya. Ngunit di niya ito pinapansin. Nakita kong sumulyap siya sa akin at agad akong umiwas, kunwari di kami magkakilala .
"Hey Dude Over here!" tawag ni Diego kay Ethan.
Dito rin pala sila nag aaral , Di na ako nagulat mga anak sila ng mayayaman.
at biglang dumating pa si dexter at si Carlo at kinawayan sila ni Ethan at sumenyas na dun sila umupo.
Yumuko ako at itinago ang aking mukha sa buhok ko dahil baka makilala ako ng mga kaibigan ni sir Ethan at baka madulas pa sila sa totoong pagkatao ko.
"May problema ba Karen? Parang may pinagtataguan ka?" Pag alala ni Alice
"H-Ha! wala alice Mahiyain lang talaga ako hehe" Pagsinungaling ko sa kaniya
Natapos ang klase namin ng hindi kami nagpapansinan jo Sir Ethan, minsan nahuhuli kong .Nakatingin siya sa akin minsan at agad na lang ako umiiwas ng tingin. Baka sabihin niya may gusto din ako sa kanya, Wala nga ba Karen?
Uwian na at naglalakad ako palabas ng School kasabay si Alice. Sinundo siya ng kanyang Driver . Ganun ulit magkocomute lang ako pero nakita ko si Mang junie kumakaway sa akin kaya lumapit ako
"Mang junie magkocomute na po ako" sabi ko
"Sumabay ka na maam ,tutal pauwi na rin si Sir Ethan para di ka mahirapan"
"Naku po Mang junie wag na po ! hahaha kaya ko naman po bumayahe mag isa pa nakakahiya po sa mga amo natin" sagot ko sa kanya Ngunit nabigla ako may humawak sa braso ko at nakita ko si ethan
"S-Sir ethan" pabulong kong sabi
Inilapit niya ang mukha sa akin
"Wag ka na magpumilit, Get inside the car , sumabay ka na sa amin" Bulong niya at pilit akong ipinasok sa kotse
Tiyak akong nakita nang ibang student ang ginawa ni Ethan , ano na lang ang iisipin nila sa akin.
At pumasok na rin si Sir Ethan sa kotse , magkatabi kami ngayon
"From now on, Sasabay ka na saken pagpapasok at paguwi"
"H-Ho Sir Ethan?" ano to magpapasalamat ba ako? Concern ba siya sa akin? Wow parang di sya ang amo kong masungit
" Don't dare to refuse ako ang boss dito Karen" Pagsusungit na naman neto
"Mas maganda ng sasabay ka para naman makauwi ka kaagad at nang magampanan mo ang trabaho mo, Sayang ang pasahod sayo kung gagabihin ka ng uwi"
Di na ako sumagot at tumingin na lang sa bintana, pumikit na lang ako ng mariin, Hindi siya concern sayo Karen, Kundi concern siya sa pera ng magulang niya. Bumuntong hininga na lamang ako .