Chapter 07: Secret

1056 Words
[Karen's Pov] Pinabitbit sa akin ni Sir Ethan ang bag niya, Sumakay kami sa kotse . Hindi kami nagpapansinan sa loob, sumulyap ako sa kanya, nakapikit siya at mukhang natutulog. Napagtanto ko ang Gwapo niya at mala anghel ang mukha kapag tulog, matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata, maninipis na labi. Napatitig ako sa kanyang labi, siguro nga ay masarap halikan ang mga labing yan , Napailing ako sa aking naisip, Karen maghunos dili ka ! Ni Halik nga ay di mo pa naranasan tapos ganyan pinag iisip mo sa amo mo. Napabalikawas ako ng biglang dumilat ang kanyang mga mata at nilingon ako , kaya bigla ako umiwas ng tingin, OMG ! nahuli niya kaya ako? Bababa na ako sa kotse ng kinuha ni Sir Ethan ang Bag niya na bibitbitin ko sana palabas. " Are you out of your mind? Akin na yan, Gusto mo bang malaman nila na personal maid kita? I know you wont?" Nagumiti siya saken at saka lumabas. Oo nga pala sikreto lang na personal maid niya ako, kung hindi ay baka lalong bumaba ang tingin sa akin ng mga student , ha? teka? concern na naman ba siya? Or baka ikinakahiya niya lang ako bilang personal maid Tsss... "Karen! This way !" tawag ni alice saken na naghihintay sa may gate. Nauna na si Sir Ethan at nagpaalam ako kay mang Junie. Agad ko nilapitan Si Alice. " Uy Karen? Bakit magkasama kayo ni Ethan Sandoval?" Takang pagtatanong niya saken at di ko alam kung ano ang aking isasagot "Ah eh Kase Sinasabay lang ako ni Ethan Alice! hehe" "Bakit magkakilala ba ang mga parents niyo?" Ang kulit naman neto " A- ah Oo Ay hindi, Hindi pala , basta halika na baka malate pa tayo" Dapat kase wag na akong isabay ni Ethan "Karen!" "S-sino yun?" napalingon ako at nakita ko si Dexter "D-dexter?" lumapit ito sa akin "Wow ! Schoolmate pala tayo Karen !" "A-Ah oo Dexter , Nga pala si Alice kaklase ko" at nagbatian ang dalawa "Hindi man lang nabanggit ni Ethan--" naputol ang pagsasalita niya ng tinakpan ko ang kanyang bibig at sabay dinala ko siya sa isang tabi "Dexter wag ka maingay na Personal Maid ako ni Ethan please? Secret natin ito ha !" "Ah Sure, Yun lang pala, kala ko kung ano na" ngumiti siya saken "Sige na Dexter baka malate na kami ni Alice " at ngumiti naman akong hilaw sa kanya at nagpaalam na. "Okay Karen See you around " Ilang buwan na ganun ang set up namin ni Ethan, Hanggat maaari walang makakaalam ,pero may mga makukulit na kababaihan na student ang panay usisa samin tungkol kay Ethan , Ang tanging sagot ko lamang ay nakikisabay lamang ako ngunit di sila makapaniwala. Ang iba pa nga ay nagdududa na baka doon ako nakatira kila Ethan . Marami akong naging close dahil sa isyu na yun, ang babait nila saken , paano ba naman e panay tanong kung ano daw ba pinaguusapan namin pag nasa kotse , at ang sagot ko naman ay wala. Kumakaen kami sa Cafeteria nang lumapit sa amin si Dexter. "Hi karen ? how are you?!, Hi Alice" Bati sa amin ni Dexter "Uy Dexter , Kaen tayo, Kumaen ka na ba?" nagpalinga linga ako baka andoon sa paligid si Sir Ethan ,kung bakit andito si Dexter , Palagi sila magkasabay kumaen na apat. "Yes I'm Done Karen, Hey? Are you free tomorrow Night? Birthday ko kase hehe" Sabay kamot sa kanyang ulo na nahihiya "H-Hah? Hindi ko sure Dexter?" "I knew it" bigla siyang lumapit at bumulong siya sa akin " Ipinagpaalam na kita kay Ethan" at sabay ngiti niya sa akin na ikinabigla ko. Pumayag kaya si Sir Ethan? "Ipapasundo kita sa inyo Karen okay?" sabay tayo ni Dexter at kumindat pa sa akin "Wow Buti ka pa Ininvite ni Dexter?" tanong ni alice at bigla itong lumungkot "Hindi ako pupunta Alice " "Pero Susunduin ka pa raw niya" "No way alice , Mga lalaki talaga hays ano sila pag gusto nila gusto nila?" sambit ko at sabay subo ng malaki . Nasa kotse na kami ni Sir Ethan , Nag aalangan akong tanungin siya about kay Dexter. Patingin tingin ako sa kanya at nakikiramdam. Napansin ko na lang na iba na ang dinaanan namin, at nagpark kami sa isang kilalang mall. Pagbaba ni sir Ethan ay nasa loob lang ako ng kotse. "Karen, bumaba ka na rin " wika ni Mang junie "Ha? bakit po ?" "Karen Come out" tawag ni Sir Ethan at agad ako lumabas, Nagsimula siyang lumakad at sumunod naman ako.Nagawi kami sa mga Damit pambabae , Ano meron? bakit kaya andito kami? "Dexter Invited us, Just Choose For tomorrow night" "S-sir? Mahal po dito? saka di po ako samama?" "you'll come with me, You are my personal maid , right?" "Hello sir what can I do for you" bati ng isang babae "Can you find her a coctail Dress?" "Sure sir, This way maam" Sumunod ako sa babae at may mga binigay saken na damit. Isa isa kong sinukat ang mga iyon puro kita ang likod, Litaw ng kaunti ang cleavage at May slit sa hita kaya naman labas ang aking hita . "Miss Wala band medyo formal?" Tanong ni Sir Ethan Bumalik ako sa dressing room para hubarin ang huling sinukat ko at wala man lang siyang nagustuhan ni isa doon. May inabot sa akin ang babae at isinukat ko isang Carnation pink dress at may ribbon sa side waist, at may slit sa gilid ng hita pero Hindi na Backless at di rin gaanong litaw ang cleavage , pero mahapit eto kaya naman kita ang korte ng aking katawan. Lumabas ako at napatingin kay sir Ethan, nakatitig saken ito taas baba at napako pa ang tingin niya sa legs ko. Medyo nahiya ako ng kaunti dahil sa pagtitig niya para niya na akong lalamunin ng buo. "Alright That's it! " At sumenyas sa babae may inabot naman sa akin na sandal na may 2inches ang heels. Buti naman at baka di ko kayanin kung 3inches up pa nag heels netom di ako sanay sa mga ganong sandas. "Wow ang ganda maam bagay na bagay sa iyo!" puri ng babae sa akin. Nakita ko naman ngumiti si sir Ethan pero biglang nabawi ang ngiti at pinagbibihis na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD