--- ETHAN'S POV --- Nakarating din kami sa Hotel na isa sa pinatatakbo namin ng aking pamilya. Puno ako ng pagtataka hanggang ngayon kaya tumatakbo pa rin sa isipan ko ang nangyari kagabi. Am I dreaming nga ba talaga? Namimiss ko lang siguro si Karen. Napangiti ako at napailing ng wala sa oras. Napatingin ako sa katabi ko na nakangiti rin sa akin. "Mukhang masaya ka ata iho? Sana ay palagi kang ganyan" Ani Mommy ko sa akin. Tila may kahulugan ang lahat ng sinasabi niya sakin. Nasa isang conference room kami at nagmimeeting sa ibang investors at mga client. Lipad lang ang utak ko sa pinag uusapan nila dahil walang ibang laman ang utak ko kundi ang babaeng nagpatibok lang ng puso ko. Natapos ang meeting namin na wala man lang pumasok sa isip ko. Tumayo ako agad at lumabas sa Conferen

