--- ETHAN'S POV --- Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Pumungas pungas pa ako ng aking mga mata. Napaupo ako at sapo sapo ko ang aking ulo dahil sa sobrang sakit. May Hang over ako dahil nasobrahan na naman ako ng inom. Napako ang tingin ko sa aking paanan. Napansin kong nakasuot ako ng pajama na kulay puti. Iginala ko ang aking tingin pataas at napansin kong wala akong suot na damit. Bumangon ako at tumungo sa aking cabinet. Binuksan ko iyon at kumuha ng puting t-shirt. Dahan dahan pa akong naglakad at pabagsak ang mga hakbang dahil sa sobrang antok patungo sa Comfort room. Nagtoothbrush ako habang titig ko ang mukha sa salamin. My hair became long and I had a beard. Napabayaan ko ang aking sarili. Pagkatapos ko magmumog ay naghilamos ako ng kaing mukha

