--- ETHAN'S POV --- Tumawag ako sa mansiyon at ang nakasagot ay si Manang Siony. "Hello Sino po sila?" "Manang Siony? Si Ethan po ito" "Ay ikaw pala iho? Bakit?" "Ahm May itatanong sana ako kaso nakalimutan ko tsk! By the way sino ang kasama mo diyan?" pagsisinungaling ko sa kanya. "Ah si Loring at si James lang naman Iho bakit? May ipapagawa ka ba?" mahinahon niyang tanong. "Where is Karen? Umuwi ba siya sa kanila?" Pasimpleng tanong ko. Hinawakan ko ang baba ko habang nagsasalita sa telepono. Hindi ako mapakali dahil nalaman ko na aalis raw si Karen ngayong linggo. Hindi naman daw ito uuwi kaya nagworry ako kung saan ito pupunta. Nandoon naman si James kaya imposibleng magdate silang dalawa. Napakunot ang noo ko sa naisip ko. "Magkikita lang daw po sila ni Ma'am Alice? Yung

