--- Karen's Pov --- Galit na galit ako kay Ethan sa ginawa niya kay James. Di ko lubos maisip na yun ang iisipin niya na naghahalikan raw kami ni James. Kaya naman nanggigil ako sa kanya napaka Immature niya sobra. Kumuha ako ng yelo at bulak para punasan ang dugo sa gilid ng labi ni james. "Ikaw naman kasi ! dikit ka ng dikit sa akin! iyan tuloy napala mo!" inis kong sabi kay James. Ngumiti lang siya sa akin. "Karen? Mahal ka pa ni Sir Ethan! nakita mo ba ginawa niya? nagseselos siya" natatawa niyang tugon sa akin. "Wala na akong pakialam sa kanya" diniinan ko ang pagpunas sa sugat ni james. Napadaing siya dito kaya naman napaaray siya. "A-aray ko naman , okay na to wala to malayo sa bituka, sige na puntahan mo na si siya magusap kayo" Binitawan ko ang hawak kong pamunas at ini

