--- KAREN'S POV --- Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Ethan. Nakahalukipkip ang mga braso at kamay nito. Magkasalubong rin ang kanyang kilay at sa tingin ko ay galit ito. "S-sir Ethan tinatawag na po kayo ni Ma'am Mildred" Yumuko ako upang maiwasan ang kanyang mga titig na malamig. Bigla niya akong hinila sa kamay papasok sa office at isinara ang pintuan. "A-aray ko Ethan?!!!" Galit kong sabi sa kanya. Binitawan niya ang kamay ko at saka tumalikod habang haplos haplos ang kanyang noo. Humarap siya sa akin at tila naiirita. Aba siya pa ngayon itong naiirita? Sabi ko sa aking isip. Lumalabas na naman ang ugali niya noon. Kaya inis na inis ako. "Tsssskkk!! Bakit dinala mo pa ako dito?!" Mariin kong sabi "Bakit di mo ako pinansin sa baba kanina bakit parang ga

