--- KAREN'S POV--- Hindi na nagtagal ang pamilya ni Kc sa mansiyon ng Sandoval. Agaran namin nilinis ang Dining Table. Ang mag asawang Sandoval naman ay umalis para bisitahin ang opisina nila. Wala silang pahinga, Time is Gold ika nga pagdating sa Negosyo. Si Ethan naman at Sir Raymond ay nagpaiwan. Nandoon sila sa office katabi ng kwarto ni Ethan. Biglang tumahimik ang mansiyon ng sandaling umalis sina KC at ang magulang niya. Habang nagpupunas ako ng mga kubyertos ay sumagi na naman sa isipan ko ang katotohanan na niloloko ako ni Ethan. Sobrang sakit at pakiramdam ko ay durog na durog ako ng mga oras na ito. Napasinghap na naman ako para mapigilan ang luha ko. Ang masaklap pa ay ibinigay ko ang na ang aking sarili kay Ethan. Naging mapusok ako at umasa na mamahalin niya a

