Nitong mga nakaraang araw ay napapansin kong palaging nakadikit sa akin si Sachi. Iyon bang halos ayaw niyang nawawala ako sa paningin niya. Palagi ko rin siyang nahuhuling nakatitig sa akin, pinag-aaralan ako. Napapansin ko ring nagiging malambing na siya simula noong may mangyari sa amin. In love na yata siya sa akin. O mas tamang sabihin na mas nai-in love siya sa akin bilang ang asawa niya. Maganda iyon, di ba? Mas mapapabilis ang plano ko. Pero ang problema, dahil nga palagi siyang nakadikit sa akin ay hindi ko masyadong nakakausap ang mga kaibigan ko. Hindi ko masyadong naaasikaso ang pagpaplano sa pagtakas namin dito. Napupunta ang lahat ng oras ko sa kanya. Pasingit-singit na nga lang ako kung makapag-update kay Judas. Napapansin ko rin na hindi na gaanong nanghihingi ng updat

