Segundo lang ang pagdidikit ng mga labi naming dalawa ngunit dahil sa bigla pagtigil sa pag-ikot ng mundo ko, pakiramdam ko ay oras naming pinagsaluhan ang munting halik na iyon. Titig na titig ako sa kanya at siya sa akin nang maghiwalay ang mga labi namin. Hindi rin siguro siya makapaniwala na kaya siyang halikan ng ganong klase ng halik ng kanyang asawa. Tila lang kasi balahibo ang pagdapo ng mga labi ko sa mga labi niya. Naninibago siguro siya dahil sa tuwing hinahalikan siya ni Judas ay tila kinakain na nito ang mga labi niya. "I think I'm already done." Dahil sa sinabi niyang iyon ay bumalik ang pansin ko sa ginagawa naming dalawa sa loob ng banyo. Tinutulungan ko pala siyang maligo. Or rather, tinutulungan ko dapat siyang maligo at hindi kung anu-ano ang ginagawa ko. I draine

