Halos hindi ako nakatulog sa buong magdamag. Naging abala ang isipan ko sa pagpaplano. Pagpaplano kung paano ko mananakaw si Sachi Kaide mula sa kanyang asawa na siyang boss ko. Una kung inisip ay kung paano ko makukuha ang tiwala ni Sachi bilang si Judas. Alam kong ang anumang nasimulan ko ay natuldukan na agad dahil sa biglang pagdating ni Judas. Tiyak na nabura na ng sakit na naranasan ni Sachi mula sa mga kamay niya ang tiwalang unti-unti ko na sanang naitanim sa puso niya. Now, I'm back to zero. Uumpisahan ko na naman ulit sa umpisa. Marami na nga akong inisip na paraan. Ngunit bukod doon ay pinaplanuhan ko na rin kung saan kami magtatago kung sakaling matagumpay kaming makakaalis ni Sachi dito sa isla. Iniisip ko rin ang mga taong pwede kong pagkatiwalaan lalo at dala-dala ko pa

