"Malik! Malik!" Mabilis akong napabangon sa pagkakahiga nang makarinig ako ng malakas na pagtawag mula sa labas ng kwarto. Malakas na bumukas ang pintuan kung saan nagmamadaling pumasok ang cute na si Sandra. Napahikab pa ako nang tignan ko sya. Umaga na ba? Sumalubong sa akin ang mangiyak-ngiyak at nag-aalalang itsura nya. Doon ako biglang naalerto. Mabilis akong napatayo at patakbong nilapitan sya. Lumuhod ako para magpantay ang taas namin. "Bakit anong nangyari?" Pag-aalo ko sa kanya nang nagsimula na ngang magsipatakan ang mga luha mula sa mata nya. "Na-nar-narinig ko p-po..." Hindi ko sya maintindihan dahil sa mga paghikbi nya. "Sandali... kumalma ka muna." Nag-aalalang sabi ko sa kanya saka sya hinaplos sa pisngi. "Ano bang nangyari?" Pagtatanong ko ulit. Pumikit muna sya at

