"Ace?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Nandito ka para tulungan ako diba?" Dagdag ko pa pero mas lumaki lang ang ngisi sa muka nya. "Sinubukan kitang huwag nang pansinin nung mga nakaraan para hindi ka na masyadong masaktan... pero ang kulit mo! Lapit ka pa rin nang lapit." Aniya gamit ang napakalamig ng tono. Para akong tinakasan ng lakas nang marealize kong ibang-iba ang Ace na kaharap ko ngayon. Ibang-iba sya sa Ace na nakilala ko. "Ace! Nahihibang ka na ba?" Pagmamakaawa ko pa sa kanya. Umaasa ako na baka hindi ito totoo. Na baka joke time lang ang lahat ng 'to. Na baka mabago pa ang isip nya. Narinig ko ang pagtawa nya. "Ikaw ang hibang para hindi matunugan ang lahat ng kilos ko. Sinasaksak na kita patalikod pero hindi mo man lang napansin." Preskong sabi nya na ikinatawa rin

