Third-Person Point of View Napahinto ang lahat ng mga nagsasanay nang biglang yumanig ang lupa. Nasundan pa ito ng mabilis na pagkulimlim ng kalangitan na may kasama pang malalakas na pagkidlat. "Anong nangyayari?" Nag-aalalang tanong ni Stowne habang nakakapit sa malaking batong inangat nya. "Si Malik." Wala sa sariling sabi ni Ace. Nagtinginan ang apat nang mabatid nilang hindi malayong si Malik ang gumagawa ng pagyanig ng lupa. Batid nilang magdaramdam si Malik sa oras na malaman nyang nandoon si Luna sa barrack ni Scott habang pinapaligaya ang isa't isa. Pero hindi nila inexpect na magiging ganon ang reaksyon nya. Pero bakit may kasama pang pagkulimlim at malalakas na kidlat ang nangyayaring pagyanig ng lupa? Nagkataon lang kaya ito? Or... hindi kaya may delubyong paparating

