Clara's Point of View Halos maloka ako nang bigla na lang kausapin ni Malik si Bulak. Ang buong akala ko ay nasisiraan na sya ng bait. Tatalunin pa ata ako? Nung una ay hindi ako naniniwala. Akala ko nantitrip lang ang loka. Yung pala isa 'yon sa mga kakayahan nya! Ngayon lang ako nakaencounter ng isang mage na may kakayahang kumausap or makiconnect sa mga hayop. I wonder if Stowne can do it too since earth user din naman sya. Hmm... Nandito ako ngayon sa harap ng bulwagan ni Apo Lakan na matatagpuan sa pinakasentro ng bayan para ipagbigay alam sa kanya ang bago kong nalaman. Para na rin itanong sa kanya ang tungkol sa 'Whisperer' na 'yon. Nakakaloka. Kumatok muna ako sa kahoy na pinto bago tuluyang pumasok. Nadatnan ko lang syang nagsusulat sa mga papel na nakakalat sa mesa nya. Sa

