"Hindi ka talaga sasama?" Paawang tanong ko kay Clara. Dumaan lang sya sa aking bukot para ihanda ang mainit na tubig na pampaligo ko. Araw-araw nya na itong nakagawian. Sabi ko nga sa kanya na hindi nya na kailangan pang gawin yon pero hindi nya lang ako pinansin. Sa huli ay pinabayaan ko na lang. Umirap lang sya sa akin at ngumiti. "Bakit natatakot ka bang maiwan mag-isa kay ginoong Scott?" Tanong nya na may halong pang-aasar. Mabilis akong umiling. "Hindi no. Lately kasi masyado ka nang nagiging busy kaya hindi na tayo nakakapagbonding." Pagpapalusot ko at nagpout pa. Pero mabilis syang sumagot at pumamewang. "Huwag ako, Malik. Araw-araw tayong nagkikita tuwing dinadalhan kita ng tubig pampaligo." Sa totoo lang ay ayoko lang talagang umalis kasama si Scott na kami lang. Ewan ko b

