Hindi ako mapakaling naghihintay sa labas ng malaking bukot ng mga healers. Nandoon kasi sa loob si Scott habang ginagamot nila ang sugat nito. Halos napatid ang hininga ko nang makita ang pagbaon ng palaso ko sa tagiliran nya kanina. Nadala lang naman ako eh. Hindi ko talaga sinasadya. "Halaaaa!" Malakas na sigaw ko nang makitang unti-unting binabalot ng dugo ang suot nitong robe. Nakatayo pa rin sya habang paika-ikang lumapit sa akin. Hawak-hawak nito ang tagiliran na may nakabaong palaso. Labis-labis na ang pag-aalala ko pero nakuha pa nyang ngumiti. "Magaling." Nakangiting sabi nito bago ito padapang bumagsak sa akin. "Scott!" Malakas na sigaw ko nang sapuhin sya. Agad na nagising si Bulak na namamahinga sa di kalauyan at naalerto sa nangyari. "Kasi naman eh. Sabi ko na't k

