"Maligo ka pagkauwi mo. Ayoko ng amoy ni Ace sa katawan mo."
Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga. Nagising pa si Bulak na mahimbing na natutulog dahil sa kalikutan ko. Ano ba naman kasi tong utak ko. Kung ano-ano pa ang iniisip hindi na lang matulog.
"Maligo ka pagkauwi mo. Ayoko ng amoy ni Ace sa katawan mo."
Gusto ko nang magmura. Peste naman kasi yung Scott na yung eh. Kung ano-ano ang sinasabi. ito namang utak ko ayaw kalimutan. Masyadong binibig deal.
Ewan ko ba kung mabaho pala para sa kanila ang combination ng amoy namin ni Scott. Ang OA nila sa mga amoy-amoy na yan ha.
Nang matapos ang training ko with boss Scott, agad rin ako nitong hinatid sa bukot ko. Ako naman, si uto-uto. Naligo nga ang gaga. Ayoko rin naman kasing isipin ng mga makakaamoy sa akin na nagsex kami ni Ace no.
Buti na lang ngayong araw ay medyo naging okay okay naman ang naging training with boss Scott. Maayos nya akong dinidirect at tinatama kapag nagkakamali ako. Psh. Palibhasa walang umaagaw ng atensyon nya.
Medyo gamay ko na ang paggamit ng pana. Masasabi kong ito na nga ang para sa akin at hindi ang pesteng espada haha. Tamang paghawak at asinta lang pala ang kailangan.
Buong araw kong hindi nakita si Clara. Ang sabi ni Scott ay nasa institute daw ng spell casters, nagsasanay. So parang iyon pala ang paaralan sa kanila.
Heto na ako ngayon, kanina pa nagbabalak matulog pero pesteng utak to, kanina pa iniisip ang sinabi ni Scott. Epal kasi yun eh. Jowa ka ba ghorl?
"Huwag mo nang isipin 'yon. Epal lang talaga sya at sagabal sa love story nyo ni Ace." Pangangausap ko sa sarili ko with matching gesture pa ng kamay.
-
Kinaumagahan.
Hindi ko alam kung papaano ako nakatulog kagabi. Basta ang alam ko lang ay hindi sapat ang tulog ko dahil nagising akong ang bigat-bigat ng mga mata ko.
Maaga akong gumising dahil may usapan kami ni Scott na magkikita kami ngayon para magsanay. Mabilis lang akong naligo at nag-ayos ng sarili bago lumabas ng aking bukot kasama si Bulak. Bitbit ang pana at palaso sa balikat, napagdesisyunan ko nang lumabas.
Kahit inaasahan, bahagya pa rin akong nabigla nang makita ko si Scott na nasa harapan na ng bukot ko at matyagang naghihintay. Nakasandal pa ito sa maliit na puno sa tabi habang naka-cross arms.
Shet, bakit parang may iba sa kanya ngayon?
"Mag-almusal na muna tayo." Suhestyon ko sa kanya nang lumapit ito sa akin.
What the hell is wrong with me? Bakit hindi ako makatingin sa mata nya? Anong mahika ang ginagamit mo sa aking mokong ka?
"May sakit ka ba?" Napalingon ako rito nang magtanong ito. Lumapit pa ito sa akin para kapain ang noo ko.
Mabilis ako napaatras nang dumampi ang palad nya sa noo ko. Shet, confirmed! May tinatagong kapangyarihang kuryente ang lalaking 'to. Nafeel ko 'yon nang dumikit ang palad nya sa balat ko.
"Uh... Wa-Wala no. Okay lang ako." Nauutal na sabi ko.
Why am I acting so strange whenever I'm with him? Siguro ay may sapi 'tong lalaking 'to.
"Bakit maputla ka at parang wala ka sa sarili?" Tanong nya ulit.
Medyo may kung ano sa dibdb ko nang makitang totoong concern sya base sa itsura nya.
"Ahh... baka kasi puyat lang." Sagot ko saka sya nginitian nang pilit.
Pinuyat mo ko kagabi eh. Bulong ko sa isip ko.
Napatitig sya sa akin. Medyo nagpanic naman ako dahil baka nasabi ko pala nang malakas 'yon.Pero mukang hindi naman. Mukang sinusuri nya lang kung okay lang ba talaga ko.
Binagtas na namin ang daan papunta sa paborito naming kainan. Dito lang kasi ang affordable na, yummers pa. Sa all lang po opo.
Nag-order na ng pagkain naming dalawa si Scott dahil wala pa rin akong masyadong alam sa mga putahe nila rito. Basta kain lang nang kain. This time ay ako na ang nagbayad coz' sist, your girl is earning! Nung una pa nga ang pinipilit nya na sya na raw. Pero obviously wala syang nagawa.
"Hindi tayo magsasanay kasama ang mga hukbo." Pag-oopen nya ng topic. Sumubo muna ako bago sumagot.
"Ha? Bakit naman? Ayos naman don ah?" Takang tanong ko sabay abot ng karne kay Bulak.
"Maraming abala ron." Tipid na sagot nya.
Napakunot ako ng noo. "Parang hindi naman sila nang-aabala. Ako pa nga ang nakakaabala sa kanila."
"Yun din."
Aba, abala pa 'ko ha?
Tanga ikaw nagsabi nyan. Bulong ng isip ko.
Magsasalita pa sana ako pero masyado akong antok para mag-aksaya pa ng laway.
---
Nang matapos kaming mag-almusal ay tinungo na namin ang kakahuyan. Buong akala ko sa burol kami pupunta pero shook ako nang mapansing papasok na kami sa gubat.
"Hala bat dito?" Nag-aalalang tanong ko.
Tuwing pumupunta kasi ako rito palaging may kung anong nilalang ang sumusulpot. Bigla ko tuloy naalala si Hippo huehue. Nasan na kaya sya?
Hindi nya ako sinagot. "Dahil sanay ka nang gumamit at umasinta gamit ang pana, ang kailangan mo naman matutunan ay ang umasinta ng gumagalaw na bagay o nilalang." Mahabang sabi nya.
Lumayo ito sa akin at humarap. "Subukan mong tamaan ako." Simpleng instruction nya.
Literal na napa-"WHAT?!" ako sa utos nya. Sira ba sya? Paano kung tamaan ko sya? Edi dedo sya. Baliw na talaga ang lalaking to.
"Siraulo ka ba? Pag tinamaan ka?" Nag-aalalang tanong ko.
"Ayun nga yung punto." Sagot nya. "Gawin mo na lang kung hindi, gagamitan kita ng kapangyarihan ko." Dagdag na pananakot pa nya.
Biglang nanlaki ang mga mata ko. Sinuri ko kung seryoso ba sya sa huling sinabi nya. Sist, seryoso nga sya! Natakot naman ako baka mag-good bye world na talaga ko pag ginawa nya yon.
Kahit labag sa loob ko ay dahan-dahan kong inangat ang pana at inasinta sya ng palaso ko. Nang sigurado akong asintado na sya, pumikit na lang ako bago iyon bitawan.
Nang idilat ko ang mga mata ko, nagulat ako nang makitang hawak-hawak nya ang palasong dapat tatama sa kanya.
"Paano mo nagawang saluhin yon?" Namamanghang tanong ko.
"Masyadong madaling mabasa ang mga galaw mo. Kung titirahin mo ang kalaban, siguraduhin mong hindi ito makakaiwas. Dapat din ay mabilis ang pag-asinta mo para hindi na ito makapaghanda pa." Mahabang paglecture nya.
Infer ha, nag-iimprove ang teaching skills nya.
Bahagya na lang akong napatango at muling kumuha ng palaso. Walang sabi-sabi ko itong inasinta kay Scott. Halata ang pagkagulat nito pero mabilis pa rin itong nakaiwas.
"Magaling ngunit kulang pa." Komento nya.
Muli, mabilis akong kumuha ng palaso upang sundan ang pag-atakeng ginawa ko. Pero kagaya ng mga nauna, mabilis nya itong naiwasan.
Mabilis ang paggalaw na ginagawa nya. Palipat-lipat ito ng posisyon. Kung minsan ay nagtatago pa ito sa likod ng mga puno. Shet itong lalaking to. Masyadong maliksi.
Maya-maya pa ay naubusan na ako ng palaso pero nagulat ako nang muli itong madagdagan ng bago.
"Shet, Clara thank you sa kapangyarihan mo." Mahinang bulong ko.
Muli kong pinaulanan ng palaso ang umiiwas na si Scott. Halos mapamura na lang ako nang bigla itong nawala nang magtago sa sa puno. Hinabol ko sya pero pagtingin ko ay wala na sya.
Nagpalinga-linga pa ako para hanapin sya. Maya-maya pa ay naramdaman kong parang may kung ano sa likod ko. Lilingunin ko na sana ito pero mabilis ako nitong nahigit at idiniin sa malaking puno.
Magkaharap kami ngayon habang ang braso nya ay mahinang nakasakal sa leeg ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya halos pigilan ko na ang paghinga ko.
Nakita kong hinihingal pa sya kaya halos maibuga na nya sa akin ang hininga nya. Shet, ang bango naman ng toothpaste nila rito!
Nakatitig lang ito sa mga mata ko. Halos kumalabog nang husto ang puso ko nang unti-unting lumapit ang mga tingin nyang yon sa labi ko. Wala na akong ibang naririnig ngayon kundi ang malalim na paghinga naming dalawa kasabay ang malakas na dagundong ng puso ko.
"Masyado kang mabagal." Mahinang sabi nya while using his usual husky deep voice.
Hoy, hindi ko alam kung sinasadya ba nyang akitin ako o ano. Pero effective yon!
Bago pa ako madala sa tukso nya, mabilis akong kumawala sa titig nya at tinuhod ang tiyan nya. Agad naman syang napaatras. Napangisi pa ito sa aksyong ginawa ko.
"Bwiset ka!" Medyo naiinis na sabi ko at muli syang inasinta kaya muli syang gumalaw upang iwasan ito.
Oo, naiinis ako. Naiinis ako sa nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan. May kung ano sa dibdib ko na parang nangunguryente at hindi ako makahinga. Ang weird ng feeling pero ang sarap sa pakiramdam. Kasalanan 'to ng mokong na yun eh. Sigurado akong ginagamitan nya ako ng magic. Hmp.
Pumikit ako para sana pakalmahin ang nararamdaman ko. Pero nagulat ako nang tila ba nararamdaman ko ang bawat pagkilos ni Scott sa paligid ko. Nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman ang sarili at paligid.
Nandon sya sa likod ng puno. Ayan, umalis na. Papunta na sya ngayon sa likod ko.
Walang sali-salita ay mabilis akong umasinta.
Bago ko ito pakawalan, tumalikod muna ako para harapin sya. Nakita ko pa ang pagkagulat at panlalaki ng mga mata nya bago tuluyang bumaon sa tagiliran nya ang palasong pinakawalan ko.