Chapter 13 | Majikeros

1738 Words
Medyo malaki ang napagbentahan namin ni Clara mula sa mga halamang gamot na nakuha namin kahapon. Shet, your sis is already earning! Palamunin, no more. Ngayon ay hindi ko mahagilap ang ate mong Clara. Balak ko pa naman sya ulit yayain manguha ng mga halamang gamot. Papayaman lang ako. Kaya heto ako ngayon, nakahiga lang sa loob ng bukot ko habang katabi si Bulak.  "Shet, nakakatamad." Bulo/?ng ko sa hangin. Sa kabilang mundo kasi, kadalasan kapag wala akong magawa ay nag-aaral o kaya naman tumutulong lang ako kay nanay sa paglalabada. Bigla tuloy akong napaisip kung may mga paaralan din ba sila rito. Siguro ay meron pero malamang ay tungkol sa mga magic ang tinuturo doon.  Nagshift ako ng posisyon. Shet hindi talaga ako mapakali. Kakasikat pa lang ng araw pero heto ako, nakahilata lang sa kama ko.  Hindi pwede 'to. Kailangan maging productive tayo.  Nilingon ko ang aking pana sa gilid ng kama nang may ideyang pumasok sa akin. Mabilis akong tumayo ay isinuot ang robe ko. Dali-dali ko ring isinukbit sa balikat ko ang mga palaso at dinampot ang bakal na pana.  "Bulak, tara. May pupuntahan tayo." Sabi ko kay Bulak nang makita kong nakatingin lang ito sa akin na tila ba pinapanood lang ang mga kilos ko. Naisipan kong magpunta sa training grounds ng hukbong majikeros para magsanay. Hindi dapat ako nagsasayang ng oras.  Desidido akong naglalakad habang binabagtas ang daan papunta sa training ground. Pero napahinto ako nang maalala ko na dadaan pa nga pala ako sa kakahuyan bago marating ang lugar na 'yon. Huminga ako nang malalim at yumuko kay Bulak. "Bulak, ikaw na ang bahala sa akin ah? Lapain mo ang lahat ng aaway sa atin."  "Shet, no more turning back na ito." Mahinang bulong ko sa sarili ko. Napahigpit ang hawak ko sa aking pana bago tuluyang naglakad papasok sa kakahuyan.  Sobrang paranoid ko nang tuluyan na kaming makapasok sa kakahuyan. Kaunting kaluskos lang ay nanginginig ang mga laman ko. Maski kampay lang ng mga dahon sa puno ay kinatatakutan ko. Mabuti na lamang ay nakalabas kami sa kakahuyan nang walang nakikiepal na kahit anong nilalang. Narating ko ang training ground. Gaya ng huling punta ko rito, medyo naasiwa ako nang mapansing pinagtitinginan nanaman ako ng mga mandirigmang 'to. Muntik pa akong mapasigaw ng Awooo! Awooo! Ja Mill could never. Nginitian ko lang sila ng pilit bago ko binagtas ang lugar kung saan nagsasanay ang mga cute na elves. Pinigilan ko pa ang sarili ko na kurutin yung isa nang makalapit ako. Baka bigla na lang akong panain nito no.  "Ano pong kailangan nyo?" Tanong ng babaeng elves nang mapansin ako roon. Oo, hindi ako katangkaran pero nagulat ako nang hanggang dibdib ko lang ito.  Hala, mag-uwi kaya ako ng isa. Natatawang sabi ko sa isip ko. "Uhm... pwede ba akong makisanay sa inyo?" Nahihiyang sagot ko. Tila gulat ang bumakas sa mga muka nila at nagtinginan pa ito nang sandali. "Ah, sige." Nalilitong sagot nung kausap ko.  Agad naman akong napangiti. "Salamat!" Maligalig na sabi ko.  Kumuha ako ng isang target na ginagamit nila. Para itong mannequin na ewan. Agad akong pumwesto hindi kalayuan kung saan nagsasanay ang mga elves. Sinigurado kong hindi ko sila maaabala. Nakakahiya naman. Napaalingon ako kay Bulak nang umupo ito malapit sa tabi ko na tila ba inanataay ang sunod kong gagawin. Kaya naman kinuha ko na ang pana ko at isang palaso para subukan ito.  Bahagyang nanibago pa ang mga kamay ko sa bigat nang hilahin ko na ang string ng pana. Sinubukan kong asintahin ang target at mabilis na pinakawalan ang palaso.  Medyo nahiya ako nang makitang hindi man lang umabot sa target yung palasong tinira ko. Tumusok lang ito sa lupa. Shet, ano ba yan! Nagpalinga-linga pa ako at chineck kung may nakakita ba ng ginawa ko. Muli akong kumuha ng isang palaso at inulit ang ginawang pagtira. Pero gaya ng kanina, ganoon pa rin ang nangyari. Tumusok lang sa lupa ang palaso hindi kalayuan sa nauna.  "Mali kasi ang paghawak mo." Natatawang sabi ng pamilyar na boses. Hindi ko na ito nilingon para malaman kung sino ito. "Manood ka lang, Ace." Paghahamon ko rito habang hindi pa rin sya nililingon. Muli ako kumuha ng palaso, pero ganon pa rin. Pinagtawanan tuloy ako ng lalaking nasa likod ko.  Halos mapamura ako nang dumikit ang katawan nya sa likuran ko kagaya ng ginawa nya noong nasa burol kami. Shet, umiisa ka nanaman ah. Inilapat nya ang mga kamay nya sa mga kamay kong nakahawak sa pana. Para tuloy itong nakayakap sa akin. "Ganito dapat oh." Sabi nito at itinuro pa ang dapat na paghawak.  Nang asintahin ko ang target, nagulat ako nang medyo gumaan ang paghila ko at medyo komportable na rin ang mga kamay ko. Kaya naman nang bitawan ko ito, literal na napatalon ako sa saya nang makitang tumama ang palaso at bumaon ito sa mismong ulo ng target. "Boom! Head shot!" Masayang sigaw ko at itinaas pa ang mga kamay. Shet ang sarap sa feeling. Feeling ko ay ang galing-galing ko na.  Nakangiti lang sa akin si Ace na tila proud sa nagawa ko. "Magaling." Maikling komento nya. Eneber. "Magaling ang teacher ko eh." Pambobola kong sagot pero parehas kaming natigil nang may nagsalita sa gilid namin.  "Anong ginawa nyo rito?" Tanong ng bagong dating. Masama pa itong nakatingin sa akin. - Scott's Point of View Galing ako sa bukot ni Malik para sana yayain itong muling magsanay. Laking pagtataka ko lamang nang wala akong natagpuan doon. Ang sabi ni Clara ay nandoon lamang naman daw 'yon. Medyo naging abala ako sa mga pinapaasikaso ni Apo Lakan sa hukbo kaya hindi ko na sya masyadong napupuntahan para magsanay. Sa tuwing nagkikita naman kami ay nararamdaman kong medyo ilag 'to. Ang huling pag-uusap pa ata namin ay yung nagsanay kami sa burol kasama si Luna.  Nang hindi ko sya maabutan sa kanyang bukot, napagdesisyunan ko na lamang bumisita sa hukbo upang tignan kung sinusunod nga ba nila ang mga pagsaanay na ipinapagawa ko. Labing-walong taong gulang ako nang mai-atas sa aking pamahalaan ang hukbong majikeros. Noong una pa nga ay ayaw ko itong tanggapin dahil ang tanging gusto ko lang naman ay maging isang mandirigma at hindi pinuno ng isang hukbo.  Pinangarap kong maging mandirigma at mapalakas ang proteksyon ng Beline nang sa gayon ay hindi na maranasan ng ibang mga bata ang naranasan ko noon. Nakamit ko ang posisyon ko bilang pinuno ng hubo dahil sa pagpupursigi at dedikasyon ko. Napasama rin ako sa ilang labanan sa tuwing may mangangahas na manloob sa bayan ng Beline. Kaya naman nang pumanaw ang dating pinuno ng hukbo, sa akin nya ipinasa ang posisyon. Wala na rin akong nagawa kundi ang tanggapin ito. Hindi naging mahirap pasunurin ang ilan kahit pa sa murang edad. Siguro ay dala na rin ng takot nila sa kapangyarihan ko. Hindi ko tuloy alam kung magpapasalamat ba ako dahil biniyayaan ako ng ganitong kapangyarihan o ano. Dahil kasi rito ay naging ilang ang mga tao sa akin dala na rin ng takot.  Bukod kay Apo, isa lang naman ang kakilala ko na tila hindi natatakot sa akin. Nang makarating ako sa lugar kung saan nagsasanay ang hukbo, agad na nangunot ang noo nang may maamoy ako na hindi naman dapat nandito.  Agad na hinanap ng mata ko kung saan nanggagaling ang pamilyar na amoy na iyon. Hindi nga ako nagkakamali nang makita ko sya sa lugar ng mga elves habang may hawak na pana.  Pero mas lalong nangunot ang noo ko nang makitang kasama nito si Ace. Lumapit pa ito sa likuran ni Malik para turuan ito sa paghawak ng pana. Tila tuloy hinahagkan nito ang huli. Doon ako nagsimulang maglakad para puntahan sila.  Nakita ko pang tinamaan ni Malik ang pinupuntirya kaya naman masayang napasigaw pa ito.  "Anong ginagawa mo rito?" Inis na tanong ko sa dalawa pero mas para kay Malik ang tanong na iyon. Bakas ang gulat sa kanilang mga muka nang lingunin nila ko.  "Uh... ano... nagsasanay ako." Tila naiilang na sagot ni Malik. "Napadaan lang ako rito nang nagpahinga kami. Sakto namang nakita ko si Malik na tila namomroblema sa kanyang pana kaya tinulungan ko." Sagot naman nung isa. "Tapos na ang oras ng pahinga bumalik ka na ron." Matigas na utos ko kay Ace. "Ako na ang magtuturo sa kanya." Pinal na dagdag ko pa. Mabilis namang nagreklamo si Malik. "Ano? Eh, mas magaling namang teacher si Ace kaysa sayo."  Hindi ko alam pero parang nag-init ang ulo ko sa narinig. Naramdaman nya ata iyon kaya hindi na sya muli pang nagreklamo.  - Malik's Point of View Nang makaalis si Ace ay hindi na ako tinantanan nitong si Scott. Psh. Ang sabi pa ay sya na raw ang magtuturo sa akin. Di hamak namang mas magaling si Ace sa kanya. Nung huling tinuruan nya ako ay wala naman syang ginawa kundi ang makipagharutan sa Lunang 'yon. Muntik pa akong  matusta sa kidlat. "Bakit nagpunta ka pa rito?" Inis na tanong nya.  Umirap ako. "Paulit-ulit? Nagsasanay nga ako."  Dama ko ang pagka-off ng aura nya ngayon. Pero hindi ko iyon pinansin. Mas badtrip ako sa kanya. One, di ko pa rin nakakalimutan yung pag-ignore nya sa akin dahil sa Luna na yon habang nagsasanay ako sa burol at- Two, sinira nya ang moment namin ni Ace. Hmp. Tumayo sya roon at pinanood ako. Kaya naman muli akong kumuha ng palaso at pinuntirya ang target. Medyo nanghinayang ako nang makitang dumaplis lang ito doon at hindi tuluyang bumaon.  Umiling sya at lumapit. Kagaya ng ginawa ni Ace, nagpunta ito sa likuran ko upang muling ituro sa akin ang tamang paghawak ng pana.  Sis, hindi ko gets kung bakit ang hilig nilang idikit ang katawan nila sa akin. But i luv et. Joke 1/4. Halos manginig ako nang maramdaman ko ang dibdib nya sa likod ko. Pero mas napamura ako nang ibalot na nya ang dalawa nyang braso sa akin para turuan ako. Help me! Kahit distracted ay muli kong pinuntirya ang target. Nagulat ako nang hindi pa rin nya inaalis ang katawan nya sa likuran ko.  Napabuga ako ng hangin nang bumaon ang palaso sa dibdib ng target kagaya ng pagpuntirya ko. Pero agad rin naman akong napahigop ng hangin nang bumulong si Scott sa akin habang nakadikit pa rin ang katawan nya sa likod ko. "Maligo ka pagkauwi mo. Ayoko ng amoy ni Ace sa katawan mo." Kurutin nyo ko, now na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD