Chapter 12 | Resurrected

1387 Words
"Handa ka na?" Biglaang tanong ni  Clara nang pumasok ito sa sa aking bukot. Nilingon ko sya habang isinusuot ang dark green kong robe.  "Hmm." Tipid na sagot ko. Nakaschedule kasi kami ngayon ni Clara sa kakahuyan para manguha ulit ng halamang gamot na ibebenta namin sa mga Healers at Alchemists. Kahit pa medyo may trauma pa ko sa huling nangyari noong nakaraan sa kakahuyan, ipinagsawalang bahala ko na lang 'to. Sinigurado naman ni Apo Lakan na walang kahit anong ibang lahi ang makakapasok sa Beline kaya hindi na ako dapat mag-alala pa. Pero kahit ganoon ay doble ingat pa rin daw ang kailangan. "Tara na Bulak." Pagtawag ko sa malaking pusa na namamahinga sa kama ko. Agad naman itong sumunod at tumalon na papalapit sa akin.  Isinukbit ko na rin ang pana at palaso sa aking balikat. Gawa ito sa metal na si Clara ang nagbigay.  Bilang spell caster kasi, may kakayahan syang makapagpalabas ng mga piling armas depende sa lakas at kakayahan nya.  One more thing, oo sinuko ko na ang patpat at paggamit ng espada. Umpisa pa lang kasi ay alam ko nang hindi kami magkakasundo. I tried my best naman. Matapos nung huling pagsasanay namin ni Scott sa burol ay halos araw-araw akong bumabalik doon mag-isa para magsanay sa sarili ko. Kaso mukang sa ibang armas ako nakadestiny. Kaya ayon, susubukan ko 'tong pana.  Iniiwasan ko na rin makacross ng landas ang Scott na yon. Para syang isang malaking taba, nakakahighblood.  Sabay namin nilisan ni Clara ang aking bukot habang tahimik namang nakasunod sa amin si Bulak. Kagaya ng dati ay muli nanaman syang pinagkaguluhan ng kapwa nya Jieza. Ang cute lang nila tignan dahil sobrang laki nya habang yung kapwa nya ay kasing laki lang ng pusa sa atin. Well syempre hindi naman kasi sya basta-basta. Nang makarating kami ni Clara sa loob ng kakahuyan, agad na rin kaming nagsimulang manguha ng mga halamang gamot. Habang si Bulak, gaya ng nakagawian ay humanap na ng pwesto para umupo. "Xerophilisk." Pagbasa nya sa listahan.  Napakunot agad ang noo ko. "Girl, kapag kumuha ako dito ng kahit anong halaman huwag ka magagalit."  Natawa lang sya. Yumuko sya at parang may hinahanap. Hindi nagtagal ay may binunot syang halaman at itinaas para ipakita sa akin. Maliit lang ito pero madali lang makita dahil kulay pula ang dahon nito.  Tumango ako at dali-dali na ring naghanap para makarami kami. Nang makakuha ng sapat na bilang, agad na rin naming hinanap ang iba pa.  "Ito mahirap 'to hanapin." Turo ni Clara sa listahan nya.  Shervolidez, pagbasa ko sa utak ko. "Ano yan?" Mabilis na tanong ko.  Muli syang yumuko at nagpalinga-linga para sana kumuha ng sample kaso mukang nahirapan syang maghanap kaya inexplain nya na lang ang itsura.  "Basta halaman yon na may orange na tangkay tapos may maliliit na bilog na bunga na kapag inamoy ay nakakasuka."  Nang makuha ang ibig-sabihin ay agad na kming naghanap.  Lintek, nasa sampung minuto na ata kaming naghahanap pero ni isa ay wala pa kaming nakukuha. Marami na rin akong inamoy na halaman na may bunga pero karamihan dito ay wala namang amoy o kung minsan naman ay mabango.  "Diretso pa, meron doon." Sabi ng boses. Masyado akong focus sa paghahanap kaya wala sa sariling sinunod ko iyon.  "Diretso pa, konti na lang." Muling sabi nito.  Maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata ko nang makakita ng halaman na eksakto sa pagsasalarawan ni Clara. Mabilis ko itong binunot at inamoy. Halos masuka ako nang dumampi ito sa ilong ko.  "Putek ito na ata." Sabi ko sa hangin.  Tatawagin ko na sana si Clara pero napahinto ako nang marealize ang nangyari.  Kanina pa may kumakausap sa akin at itinuro pa ang daan para mahanap ko itong halamang gamot.  Habang kinakabahan, dahan-dahan kong idineretso ang aking paningin. Bigla akong nabuwal nang umatras ako dahil sa gulat nang makita ang nilalang sa harapan ko.  I almost screamed but I stopped when I noticed na mukang wala naman itong balak sugurin ako. Nakatayo lang sya doon at nakatingin sa akin.  Pinagmasdan ko ito. Para itong agila na kabayo. Ang unahang bahagi nito ay tila isang malaking agila habang ang likuran naman ay sa kabayo.  Saan ko ba naencounter ang ganitong nilalang? Pag-iisip ko. "Nagulat ba kita?" May boses nanaman akong narinig. Tulad ito nung nakita kong nagsasalitang ahas. Huwag mo sabihing-? Muli kong nilingon ang kakaibang nilalang sa harapan ko at tinitigan ito sa mata. Naramdaman ko nanaman ang pamilyar na init na bumalot sa katawan ko. Para akong nilalagnat.  "Ayos ka lang? Anong ginagawa mo?" Muli itong nagsalita. This time ay tonong nag-aalala at natataranta na ito.  "Nagsasalita ka?" Parang tangang tanong ko sa nilalang na nasa harap ko.  Muli akong napaatras nang sumagot ito. "Kanina pa nga kita kinakausap no."  Shet, nagsasalita nga sya! Hindi ako naghahallucinate. Edi ibig sabihin ay pati yung nagsasalitang ahas ay totoo!  "W-Wait, papaano?" Hindi makapaniwalang tanong ko.  Pero ngayon, hindi na ko hinimatay. Natawa tuloy ako nang palihim nang naalala ko yung sa ahas.  "Hindi ko nga rin alam eh. Nagulat na lamang ako nang sundan mo yung sinasabi ko sayong direksyon kanina." Mahabang sagot nito. "May ginagawa ka ba sa akin? Bakit parang ang init ng katawan ko?" Dagdag na tanong nito at ikinampay pa ang mga pakpak. Mabilis akong umiling. "Wala! Maski ako nga ay naiinitan." Nagpalinga-linga ako pero napansin kong medyo malayo na pala ako sa puwesto namin nila Clara kanina. Hindi ko na rin sila matanaw. "Paano mo nagagawang maintindihan ako?"  "Hindi ko alam. May kakayahan ka ba talagang makapagsalita?" Sagot ko. "Meron. Pero hindi sa mga kagaya nyong Mage."  Mabilis akong nagsalita. "Hindi ako Mage." Depensa ko. "Anong lahi ka galing? Bakit ka nasa Beline?" "Hindi ako taga-rito. Galing ako sa ibang mundo." Napansin kong bahagyang nagtilt ang ulo nito. "Anong pangalan mo?" Out of nowhere na tanong ko.  Tignan mo nga naman oh. Nakikipagfriends lang naman ako sa half-half na 'to. "Wala akong ngalan." Maikling sagot nya. "Ang tawag lang nila sa amin ay hippogriff ." Dagdag pa nya.  Hippogriff... Hippogriff... Napaisip ako bigla kung saan ko ba narinig iyon.  Nang muli ko syang tignan, doon lang sa akin nagregister ang itsura nya.  Tama! Sya yung sinasabi ni Clara na extinct nang nilalang dahil naging in demand daw noong unang panahon. Kung extinct na, bakit merong isang nakatayo sa harapan ko ngayon? "Wahhh! Akala ko wala na sa mundong 'to ang mga kagaya nyo?" Naiintriga tuloy ako. "Meron pa. Kami na lang ng pamilya ko ang nakasurvive sa lahat ng hippogriff. Nagpapalipat-lipat kami ng tirahan para hindi kami matunton. Hindi rin kami nagpapakita sa kahit sino. Sadyang may kung ano lang sa iyo kaya napalapit ako at nagpakita." Mahabang paliwanag nya. Napatango na lang ako. "Pwede bang Hippo na lang ang itawag ko sa'yo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.  I saw his little nod kaya mas lumaki ang ngiti ko.  "Ako si Malik." Pagpapakilala ko. "Huwag kang mag-alala. Pinapangako kong wala akong pagsasabihan tungkol sa inyo para na rin sa kaligtasan nyo" Bukal sa loob kong sabi at tinitigan sya sa mga mata na nagpatindi lalo ng init ng katawan ko.  "Salamat. Dama kong napakabuti mo." Natutuwang tonong sabi nya.  Muli ay naikampay nya ang kanyang mga pakpak kaya medyo hinangin pa yung suot at buhok ko.  Parehas kaming nagulat nang biglang narinig namin ang pagtawag ni Clara sa hindi kalayuan. Tinignan ako ni Hippo na parang nag-aalala.  "Kaibigan ko sya." Ngumiti ako for reassurance. "Umalis ka na bago ka pa nya makita." Dagdag ko pa. Muli syang tumango at ikinampay ang mga pakpak. "Hanggang sa muli." Sabi nito at mabilis na lumipad sa kawalan. "Hanggang sa muli, Hippo." Bulong ko sa hangin. Napansin ko ring bumalik na sa dating temperatura ang pakiramdam ko.  "Ano bang ginagawa mo rito, Malik?" Naiinis na sabi ni Clara nang makita nya ako. Kasama nya si Bulak kaya nya ata ako nahanap. Itinaas ko lang ang halamang gamot na hinahanap namin kanina pa. Nakita kong biglang nagliwanag ang muka nya. "Hala, ang galing mo! Ako kanina pa ako maghahanap nyan pero wala akong nakita ni isa."  Hindi nagtagal ay nakumpleto rin namin ni Clara ang nasa listahan kaya naman dali-dali na kaming bumalik upang ibenta ang halamang gamot sa mga Healers at Alchemist.  Bumalik kami habang nasa isip ko ang bagong kaibigang nakilala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD