"Dahil seryosong nais ko."
"Dahil seryosong nais ko."
"Dahil seryosong nais ko."
Hindi maalis sa isip ko yung sinabi nya. Did he mean it? Waahhh.
Hindi tuloy ako makapagfocus sa pagkain ko. Lalo na't kaharap ko ngayon yung lalaking nagsabi 'non habang pinapanood akong kumain.
Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil mukang desidido na talaga syang turuan ako. Kaya eto, ang sabi ko sa kanya ay mag-aalmusal muna ako bago kami magsanay.
Nandito kami sa palagi naming kinakainan ni Clara. Ako lang din ang kumakain dahil ang sabi ni Scott ay kumain na raw sya bago magpunta sa bukot ko. Sinadya nya pala talaga ako roon para sunduin.
Paminsan-minsan ay hinahagisan ko ng karne si Bulak na nasa tabi ko. Hindi ko naman kasi mauubos lahat ng 'to. Ang lalaki ng serving nila rito mga sis. Hindi na ako magtataka kung mananaba ako rito.
Sa huli ay si Scott na ang nagbayad ng kinain ko. Nagpumilit sya eh. Sampung pilak lang naman 'yon. Hindi ganoon kalaki.
Oo, may alam na rin ako sa currency nila rito pero as poor btch as I am, wala pa rin akong pera. Panay libre ang natatamo ko rito. Minsan nga ay nahihiya na 'ko.
Next time talaga ay tutulong na ako kay Clara sa pangunguha ng mga halamang gamot para kumita.
Medyo makulimlim nang lumabas kami. Malamig rin ang simoy ng hangin. Pakiramdam ko ay uulan. Bahagya pa akong napapikit nang dumampi ang malamig na hangin sa muka ko.
Hays, I love this kind of weather. Pilipinas can't relate.
Nang dumilat ako ay nakita ko si Scott na pinapanood lang ang mga kilos ko. Bakit ba ito ang kasama ko ngayon? Mapapanis lang laway ko rito eh. Buti pa si Ace, hindi kami nauubusan ng topic. Medyo manyak nga lang.
"Saan tayo?" Maikling tanong ko sa kanya nang magsimula na kaming maglakad.
"Sa burol."
Maya-maya pa ay nagulat ako nang bigla nya akong hawiin palapit sa kanya. Aangal na sana ako kaso may nakita ako na puting liwanag na dumaan sa amin. Mukang tatamaan sana ako noon. Pag lingon ko sa pinanggalingan non, nakita ko ang mga batang naglalaro. Mukang hindi sinasandyang naibato iyon sa akin.
"Salamat." Nahihiyang sabi ko. Diretso lang naman ang mga tingin nya.
Hindi pa rin nya inaalis yung pagkakaakbay nya nong hilahin nya ako kahit pa nakalayo na kami sa mga naglalarong bata. Muntik na tuloy mapatigil nang maramdaman kong biglang nakuryente nanaman yung dibdib ko. Ano ba to?
"Anong klaseng pagsasanay ang ginawa nyo ni Ace kahapon?" Nabasag ang katahimikan nang magtanong ito.
Nilingon ko sya pero diretso pa rin ang mga tingin nya.
"Tinuruan nya akong humawak at gumamit ng espada." Sagot ko.
Tumango sya. "Kasama ba sa paggamit ng espada ang ginawa nyo?" Makabuluhang tanong nya na ikinalito ko.
"Anong ginawa ang tinutukoy mo?" Tanong ko pabalik.
"Yung amoy mo." Maikling sagot nya.
Biglang nanlaki at nag-init ang muka ko nang mapagtanto ang gusto nyang iparating.
Naalala ko yung sinabi ni Clara na ang pagdikit ng amoy ng iba sa'yo ay nangangahulugan dito na nagsex kayo. Eh sa case namin ni Ace ay hindi naman nangyari.
Bigla ko syang hinarap. "Hindi namin ginawa 'yon!" Defensive na sigaw ko.
Tinignan nya lang ako ng oh-talaga-ba-look. "Bakit nasa iyo ang amoy nya kagabi?"
Napanganga lang ako. "Ewan ko! Hindi nga sabi. At tsaka... ano naman sayo kung ginawa nga namin 'yon?" Sabay irap ko. Sasagot pa sana sya nang biglang may tumawag sa kanya.
"Ginoong Scott!" Pagtawag ng isang babae sa likuran.
Nasilayan ko ang isang pamilyar na imahe nang lingunin ko sya.
"Anong ginagawa mo rito, Luna?" Nagpantig ang tenga ko nang banggitin ni Scott ang pangalang yon.
So itong babaeng 'to ang sinasabi ni Clara na iniibig nya? No wonder kung bakit ganoon na lang sila magtawanan sa loob ng bukot ni Scott kahapon.
Ngumiti ng matamis ang babae. "Magsasanay sana ako sa burol." Sagot nito.
Parang hindi makabasag ang galaw nito. Pinong-pino. Parang anghel ang itsura kaya pala nagustuhan ng mokong na 'to.
"Kayo ba?" Dagdag na tanong pa nya bago tumingin sa akin. "Oh, ikaw pala yung 'dayo'. Magandang araw, ako si Luna." Nakangiting pagpapakilala nya.
I don't exactly know why pero nababadtrip ako sa presensya nya kahit pa ang bait ng pakikitungo nya.
Ngumiti ako ng pilit. "Ako si Malik."
"Magsasanay din kami sa burol." Pagsingit ni Scott. Naramdaman kong ibinaba nya na yung braso nyang nakaakbay sa akin kanina.
Hindi naman sa gusto kong nakaakbay sye pero mas nainis ako ng walng dahilan.
"Ah talaga? Pwede ba kong sumama?" Luna asked. I can sense excitement in her tone.
Lumingon ako kay Scott na nasundan ng frown nang tumango sya.
"What?" Bulong ko sa isip ko.
---
Sabay silang naglalakad paakyat sa burol. Masaya pa silang nag-uusap. Hindi ko nga lang naririnig ang pinag-uusapan nila dahil nauuna sila at medyo malayo na ang agwat namin.
Mabuti na lang at nandito si Bulak na ipinapadama ang presensya nya kaya nafifeel kong may kasama pa rin ako.
Bwiset na lalaking 'yon. Dumating lang ang crush o jowa nya, naitsapwera na ko. Samantalang kanina ang OA pa ng pagiging caring nya kahit ang dry nya makipag-usap. Ngayon, napatid na ako sa isang ugat kaya muntik na akong gumulong pababa. Ni lumingon sa akin hindi nya magawa. Hindi naman sa I'm asking for his attention, nakakainis lang.
Muntik ko nang batukan ang sarili ko nang marealize na bakit ba ako naiinis sa wala. Magkakaron na ba ko?
Wala kang matres. Bulong ng isipan ko.
Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang mahinang pagbuhos ng ulan. Wala akong ginawa kundi masayang tinanggap ang bawat patak nito. There's something in the rain na kayang magbigay kapayapaan sa loob ko.
Pero muntik ko nang bawiin ang kapayapaang sinabi ko nang lingunin ko ang dalawa sa harapan. Hinubad ni Scott ang robe nya at ibinalot kay Luna kahit pa nakasuot din naman ito ng robe.
"Para-paraan ka pa." Mahinang sabi ko.
Ang papangit nila. Ang sakit sa mata. Get a room please?
I swear. I'm silently scolding myself for acting so strange over nothing.
Napalingon ako kay Bulak sa tabi ko na tahimik lang ding naglalakad.
Huminto kami nang marating na namin ang taas ng burol kung saan kami nagsanay ni Ace kahapon. Kahit pa medyo malakas na ang ulat ay parang walang balak ipagpaliban ng dalawang malalandi ang pagsasanay.
Literal na napatalon ako nang biglang kumidlat at kumulog nang malakas. "Ay kalabaw ka!" Gulat na sigaw ko.
Lumapit sa akin si Scott at inabutan ako ng patpat. Tahimiik ko itong kinuha. Napairap pa ako sa loob-loob ko.
"Ano nang gagawin ko?" Tanong ko nang hinawakan ang patpat kagaya ng itinuro ni Ace kahapon.
Itinuto nya yung malaking puno sa hindi kalayuan. "Pagpraktisan mo 'yon." Simpleng bigay nya ng instruction.
Yun na yon? Mas magaling naman pala si Ace magturo. Dapat sya na lang.
Padabog akong lumapit sa malaking puno at hinampas-hampas iyon. Sumunod lang sa akin si Bulak at umupo sa malaking bato na malapit doon at pinanood ako.
Iniintay kong magbigay ng komento si Scoot sa ginagawa ko pero lawit na't lahat ang dila ko ay wala pa rin syang sinasabi. Nilingon ko sya pero nakita kong abala pala sya sa panonood kay Luna na nagccast ng kung ano-anong spells.
Humigpit ang hawak ko sa patpat at malakas na pinaghahampas ang malaking puno. Bwisit sya. Paano ako matututo kung hindi nya naman ako tinuturuan. Busy sya makipagharutan don sa jowa nya. Hmp.
"Hala nagawa ko!" Naagaw ni Luna ang atensyon ko nang sumigaw ito nang malakas. Pero hindi ko sya nilingon. Nasundan pa 'yon ng mahinang tawanan nilang dalawa.
"Magaling." Narinig kong sabi ni Scott.
Nakakainis! Kaya naman itinuon ko na lang ang atensyon ko sa puno at pinaghahampas ito. Dito ko na lang binaling ang kakaibang inis na nabubuo sa loob ko.
"Subukan mo pa ulit." Muling sabi ni Scott.
"Pagod na ko." Sagot naman ni Luna.
"Kaya mo 'yan."
Nag-uusap sila na parang sila lang ang tao sa mundo. Okay, hold my beer. Punong-puno na ko sa dalawang 'to. Sana pala ako na lang mag-isa ang nagsanay sa sarili ko. Wala namang pinagkaiba 'yon sa sitwasyon ko ngayon. Hmp!
Mas lalong humigpit ang hawak ko sa patpat. Hahampas na sana ulit ako nang biglang tamaan ng napakalakas na kidlat ang puno na kanina ko pa tinatarget. Sa sobrang gulat ay napaupo ako.
"What the heck?" Hindi makapaniwalang bulong ko.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng parang napuputol na mga sanga.
Napatingin ako sa taas ko.
Tila nasemento ang katawan ko nang makitang may napakalaking sanga ang babagsak sa akin mismo.
Totoo nga yung mga napapanood natin sa mga palabas na masasagasaan na nga pero humihinto pa. Mapapahinto ka pala talaga sa sobrang gulat.
Mas nagulat ako nang makitang biglang tumalon sa taas ko si Bulak at mabilis na tinalon ang sanga upang itulak ito ng ibang direksyon.
Halos mapigtas ang hininga ko nang bumagsak ang sanga sa likuran ko. Woooh.
Ilang segundo pa ako natulala bago ko nilapitan si Bulak at kinamot ang ulo nito. "Salamat, Bulak." Medyo naiiyak pang sabi ko.
Grabe ang takot ko. "Muntik na ko ron ah." Wala sa sariling sabi ko at napatingin pa sa malaking sanga na nasa lupa.
Napansin ko ang dalawa sa hindi kalayuan na bakas ang gulat sa mga muka nila. Mukang unang nakarecover si Scott kaya lumapit ito sa akin.
"Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong nito.
Hahawakan pa sana ako nito para sana icheck kung may injury ba ko pero umiwas ako. Tinanguan ko lang sya at naglakad papalayo.
"Uuwi na ko." Malamig na sabi ko rito.
Sino ba naman kasi ang tangang pupunta sa tuktok ng burol habang umuulan at kumikidlat? Kung hindi ka naman talaga makidlatan dyan. Bahala na silang dalawa. Basta uuwi na ko.
Tinawag ko si Bulak at parehas kaming basang-basa na naglakad pababa ng burol.
Naramdaman ko namang humahabol ang dalawa sa akin. Narinig ko pang tinatawag ni Scott ang pangalan ko.
Hindi ko sya nilingon at mas binilisan ko pa ang lakad. Naiinis ako sa kanya. Magsama na sila ng Luna nya. Di ko naman sya kailangan sa pagsasanay ko.
Medyo masakit na ang paa ko nang makababa kami sa buro. Medyo madulas kasi at mabato dulot ng malakas na ulan. Narinig ko na naman ang malakas ng pagtawag ni Scott sa hindi kalayuan.
"Malik!" Muling pagtawag nya nang tuluyan na syang nakahabol.
Inis ko syang hinarap. Wala na akong pakielam kung gamitin nya sa akin ang powers nya para maglaho ako. Basta naiinis ako sa kanya.
"ANO?" Buong inis na sigaw ko pabalik. Nakita kong bahagya syang napahinto at nagulat dahil sa sigaw ko.
"Ayos ka lang?" Nag-aalala pa ring tanong nya.
"Oo nga sabi! Kung wala ka nang sasabihin, mauuna na kami ni Bulak." Sabi ko sabay talikod ulit.
Pinigilan nya ko. "Sandali."
"Ano nanaman?!"
Tumayo lang sya doon at muka namang walang balak magsalita. Nakita kong nakahabol na si Luna habang nakabalot pa rin sa kanya ang robe ni Scott.
Pumikit ako saglit para pakalmahin ang aking sarili.
Hindi naman ako dapat nagagalit dahil wala namang may kasalanan. Naiinis lang ako dahil parang sinayang nya lang ang oras ko eh hindi naman nya ako tinuruan ng kahit ano. But still, alam kong hindi pa rin dapat. Ako pa rin naman ang humihingi ng favor sa kanya.
Kaya naman pilit ko silang nginitian. "Okay lang talaga ko. Salamat ngayong araw." Sincere na sabi ko bago sila tinalikuran at bumalik sa aking bukot."