Chapter 10 | Quarrel

1651 Words
Bago matuloy ay ipinaghanda ulit ako ng Clara ng mainit na tubig pampaligo. Matapos makapagpaalam ay umuwi na sya sa sariling bukot upang makapagpahinga. Ilang beses nya rin akong inasar sa amoy ko. Ganon pala talaga kalakas ang pang-amoy ng mga taga rito no?  Ikinuwento ko na lang sa kanya ang nangyari para hindi na sya magduda. And sabi nya kasi sa akin, kadalasan dumidikit ang amoy ng isang Mage sa 'yo kapag nagsex lang kayo. Kaya hindi na lang ako magtataka kung bakit ganon ang itsura nya nang maamoy ako kanina.  "What? Hindi kami nagsex!" Gulat na depensa ko.  "Sobrang dikit nya lang talaga kanina kaya kumapit ang amoy nya sa'kin." Dagdag ko pa nang hindi sya naniwala. Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Napakamalisyoso ng utak. Pero kahit ganon naman sya, thankful pa rin ako dahil nakakita ako ng panibagong kapatid at kaibigan sa kanya.  Nagpunta ako sa isang gilid ng aking bukot upang alisin na ang aking mga damit. Dali-dali na rin akong pumasok sa isang maliit na silid paliguan.  Dahan-dahan ko pang isinawsaw ang isang paa ko sa parang bathtub nila rito na gawa sa clay o isang malaking paso.  Naramdaman ko ang sapat na init ng tubig paakyat sa aking buong katawan nang mahiga na ako roon. Napapikit pa ako sa sarap at napaisip kung gumagamit ba sila ng magic sa mga tubig nila dito.  "Ayoko ng amoy mo." Napadilat ako nang magregister sa akin ang huling sinabi ni Scott bago sya tuluyang umalis.  Ayaw pala ha? Edi wag nya. Sino ba nagsabi sa kanyang amuyin nya ko? Nakakainis sya. I looked in front and stared at my feet. Ginalaw-galaw ko pa iyon habang nag-iisip.  Hindi ko namamalayan na mahigit isang buwan na rin pala akong naninirahan sa  bagong mundo na ito. Muli ko tuloy naalala kung paano ako napadpad dito.  Tumatakas ako sa mga pulis hanggang sa mahulog ako sa kumunoy at nawalan ng malay. Pagkagising ko ay nandito na ako.  Naalala ko pa kung gaano ko kabilis tinanggap ang ideyang mayroon pa ngang ibang mundo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko minsan eh. Siguro dahil wala na rin naman akong buhay doon sa dati kong mundo kaya ganoon na lang tinanggap ng sistema ko ang mga pangyayari. Dahil baka deep inside---ay gusto ko rin naman.  Dahil umaasa pa akong may mundong pang tatanggap sa akin.  Naputol ang pag-rereminisce ko ng mga nangyari sa akin dito nang parang napansin kong medyo umangat yung tubig banda sa paa ko. Bahagya pa akong napaupo mula sa pagkakahiga rito sa bathtub kuno nila.  Muli kong pinagmasdan ang tubig. Bahagya lang itong gumagalaw dahil sa paggalaw na ginawa ko. Siguro ay namamalaik-mata lang ako. Medyo may kadiliman din kasi dito. Tanging torch lang ang nagbibigay liwanag sa maliit kong paliguan.  Mabilis ko nang tinapos ang pagligo upang makatulog na. Napahinga na lamang ako ng malalim nang marealize ko na naging sobrang haba pala ng araw ko ngayon.  --- Ginabi ako ng uwi galing sa school dahil dumaan pa ako sa bahay ng kaklase ko upang tapusin ang project nya. Sayang naman kasi, isangdaan din kasi ang ibabayad nya. Pangkain na rin namin ng pamilya ko 'yon.  Bitbit ang isang kilong bigas, dalawang pirasong itlog, at isang cloud 9 na paborito ng nakababata kong kapatid, lumiko na ako sa isang madilim na eskinita papunta sa tinitirhan namin.  Masaya akong uuwi ngayon dahil alam kong matutuwa si nanay at tatay sa uwi kong pagkain. Syempre lalo na si Buknoy dahil dala ko ang paborito nya.  Madalas kasi ay hindi na kami nakakakain ng hapunan dahil sa sobrang kapos. Naglalabada lang kasi si nanay samantalang nakaratay na si tatay dahil sa katandaan. Pero kahit ganoon, nagagawa pa rin nila kaming pag-aralin ni Buknoy.  "Kahit huwag na kami kumain, makapag-aral at makakain lang kayo." Sabi pa noon ni nanay nang sabi kong hihinto na ako para magbanat ng buto. Kaya naman nangako ako sa sarili ko na gagalingan ko sa pag-aaral para makabawi. Sumasideline rin ako sa paggawa ng assignment at project ng mga kaklase ko. Sayang din kasi ang bayad nila. Natanaw ko na ang maliit at tagpi-tagpi naming bahay. Maliit pero puno naman ng ligaya.  Nasa labas pa lang ako ay tumawag na ako dahil excited akong ipakita sa kanila ang dala ko. Dahil sa wakas ay makakakain na rin kami ng hapunan. "Nay! Tay! Nandito na ko." Pagsigaw ko sa labas ng pinto.  Nang buksan ko ang pinto ay tumambad lang sa akin ang maliit na nakasindi naming gasera.  "Nay, ako na ang magsasaing." Dagdag ko pa, walang kamalay-malay sa nangyari.  Papunta na sana ako sa maliit na lutuan nang mapahinto ako dahil sa napansing kakaiba. Napansin ko si Buknoy na nakahiga sa maliit na papag na nandoon din mismo sa sala.  Bitbit ang maliit na gasera, lumapit ako doon para sana gisingin sya. Subalit nang matamaan ng ilaw ng gasera ang kumot nito, ilang segundo pa prinoseso ng utak ko nang nakita. Puno iyon ng dugo.  Halos mapatid ang hininga ko nang iangat ang kumot. Tumambad sa akin ang malamig na katawan ng nakababata kong kapatid na nababalutan ng dugo. Umurong ang dila ko dahil hindi ko alam ang mararamdaman sa sobrang pagkabigla. "B-Buknoy... Buknoy!" Naiiyak na sigaw ko at dali-dali syang niyugyog.  Mabilis na ang-unahan ang mga luha ko. Nanlalabo na ang paningin ko sa dami ng namumuong luha sa mga mata ko.  Nanginginig akong tumayo upang iiscan ang paligid. Napasapo ako sa bibig ko nang maaninag ang dalawang katawan na nakaratay sa sahig. Halos mapaluhod ako sa panginginig.  "Nay? Tay?" Inilapag ko ang gasera at dahan-dahang ginapang ang sahig papunta sa katawang nakaratay.  Parehas itong nababalutan ng masaganang dugo. Malakas akong umatungal habang binabanggit ang mga pangalan nila.  Anong nangyari? Sino ang gumawa nito?   Napatalon ako nang biglang may magsalita sa likod ko. "Surprise!"  Nang lingunin ko ito, sumalubong sa akin ang isang lalaki habag nakatutok sa akin ang hawak nitong baril.  Nabigla ako pero hindi man lang ako nakaramdam ng takot para sa sarili ko. Bagkus ay labis-labis na poot ang naramdaman ko.  Sya ba ang gumawa nito? "Nagustuhan mo ba ang ginawa ko?" Nakangising tanong nito.  Nanginig ang mga laman ko. Dulot na rin siguro ng adrenaline ay bigla akong nakaiwas nang iputok nito ang baril.  Muli ko itong tinitigan. "Bakit mo ginawa 'to?" Tanong ko habang patuloy pa rin ang mga luhang lumalandas mula sa mata ko.  Tumawa lang ito sa akin. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito sa akin. Para akong naging tuod sa sobrang gulat.  Marahas ako nitong idiniin sa kahoy naming pader. Impit akong napadaing nang maramdaman ko ang sakit sa likod ko.  "Bitawan mo ko!" Matigas na sabi ko pero hindi ito sumunod. Sinubukan kong magpumiglas pero masyado syang malakas.  "Relax ka lang, mag-enjoy muna tayo." Mahinang bulong nito sa tenga ko na naging dahilan para tumayo ang mga buhok ko sa katawan.  Inilapit ng lalaki ang kanyang muka sa aking leeg at sininghot iyon. Nagwala ulit ako nang maramdaman kong ipinasok nya ang isa nyang kamay sa uiform ko at hinaplos-haplos ang katwan ko.  Napaiyak ako lalo. "Tama na!"  Saka lang ako nakahugot ng lakas nang sinubukan nya nang hubarin ang uniform ko. Dulot ng pinagsama-samang poot, lungkot, at takot, malakas ko itong tinuhod sa pagitan ng binti nya. Naging dahilan ito para gumaan ang pagkakadiin nya sa akin.  Madali akong nakawala. Napansin ko ang baril na hawak nya kanina na nakapatong sa maliit naming lamesa. Dali-dali ko itong dinampot at walang alinlangang ipinutok sa kanya. Nakita ko pa ang pagkabutas ng sentido nya bago ako tuluyang tumakbo papalabas.  Nagising akong puno ng pawis habang humihingal. Ikinikiskis naman ni Bulak ang ulo nya sa akin na para bang pinapakalma ako. Napaginipan ko na naman kasi ang karumaldumal na nangyari sa akin at sa pamilya ko sa mundong pinanggalingan ko.  Gusto ko na sanang ibaon iyon sa limot pero halos gabi-gabi ko naman itong napapaginipan.   Mabilis kong isinuot ang robe ko bago tuluyang lumabas ng bukot para mag-almusal kasama ang aking alaga.  Nang makalabas, medyo nashook ako nang makitang nandoon si Scott habang nakasandal sa gilid na tila ba may inaantay. Wala ako sa mood kaya inignore ko lang sya at naglakad na papunta sa bukot ni Clara para ayain ito mag-almusal. I stopped myself from walking when I noticed na may nakasunod sa akin. Inis ko itong hinarap.  "Anong kailangan mo?" Tanong ko rito habang pinipigilan ang sarili na mapairap.  Kahit naman naiinis ako nang walang dahilan, pinipilit ko pa rin pakitunguhan sya no. Ayoko pang maglaho na lang bigla.  Napahinto rin sya sa paglalakad at tinignan ako. He's wearing the familiar grey robe na hindi maipagkakailang perfectly fitted sa kanya. Pft. He just stood there na parang timang. Seryoso lang ito na parang hindi mababakasan ng kahit anong emosyon sa muka.  I'm not in the mood to argue kaya muli ko lang itong tinalikuran at naglakad. Pero hindi pa man ako nakakalayo nang magsalita ito. "Ako ang magsasanay sa iyo ngayon."  Napahinto ako at agad syang nilingon. "Anong sabi mo?" "Ako ang magsasanay sa iyo." Pag-uulit pa nya.  I just looked at him dumbfoundedly. "Bakit ikaw?" Hindi makapaniwalang taong ko pero hindi nya lang ako sinagot.  "Pinilit ka ba ni Apo Lakan? Okay lang talaga sa akin na si Ace. Okay lang din naman sa kanya." I added. I noticed how his face shifted from nothing to a disgusted-like expression.  "Kailangan ding magsanay ni Ace. Marami syang ginagawa." Malamig na turan nito.  "Marami ka rin namang ginagawa ah? Look. Hindi mo kailangang mapilitan na turuan ako kaya pwede mo pang ilaan ang mga natitirang oras mo sa jowa mo." Halos masamid ako nang banggitin ang mga huling salita. Ewan ko ba. Nagugutom na ata ako.  He just made a face. "Hindi ako napipilitan." Pinal na sabi pa nya. "Eh ano? Bakit ikaw ang magtuturo?"  "Dahil seryosong nais ko." Diretsong sabi nya na nagpatigil sa akin. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD