Chapter 9 | Shifted

2533 Words
"Sa tingin ko ay naaamoy na nila ang presensya mo, Malik." Mas seryosong sabi ni Apo Lakan sa akin na ikinalaglag ng puso ko. "Ang mga bampira ang may pinakamalakas na pang-amoy sa lahat ng lahi. Kaya kahit gaano pa sila kalayo ay may kakayahan sila para maamoy ka. Lalo na't higit na malakas at kakaiba ang amoy mo kumpara sa kahit anong lahi na nandito. Hindi naman sa tinatakot kita pero ito yung sinasabi ko sa iyo 'nong una pa lang na maraming lahi ang magkakainteres sa iyo." Dagdag pa nya. I did my best to mask my terrified self.  "Pero safe naman po ako diba? As long as nasa loob ako ng bakod?" Kinabahang tanong ko.  Tumango si Apo Lakan kaya medyo napanatag ang loob ko. "Pero hindi tayo makasisigurado sa mga susunod na mangyayari. Huwag kang mag-alala, aatasan ko si Scott na sanayin ka." Napaurong bigla ang dila ko nang marinig ang pangalan nya.  "P-Po? Pero wala naman po akong magic." Medyo natatawang sabi ko. "May pisikal na lakas pa naman, Malik. Hindi lahat ng nilalang sa mundong 'to ay may kakayahang gumamit ng mahika." Makabuluhan sabi nya. May point naman si Apo Lakan kaya hindi na ako nagtanong pa.  Tumango na lang ako. "Ako na pong magsasabi kay Scott." Suhestyon ko. Ayoko namang abalahin pa si Apo. Nang makalabas kami sa bukot ni Apo, naghiwalay muna kami ni Clara. Magpupunta muna sya sa mga Healers at Alchemists upang ibigay ang ilang halamang gamot na nakuha namin. Hindi ito kumpleto pero ikukwento na lamang daw nya ang nangyari sa amin.  Itinuro na lamang sa akin ni Clara kung saan matatagpuan ang bukot ni Scott. Madali ko lang naman itong nahanap base sa paglalarawan nya. Hindi ito nalalayo sa aking bukot. Dala ang agam-agam sa nalaman ay pumasok na ako sa bukot nya kasunod si Bulak. Pero napahinto ako nang makarinig ako ng hindi kalakasan na tawanan galing dalawang tao. Nasaksihan ko si Scott na nakikipagtawanan sa isang babae. Wala akong nagawa kundi pagmasdan sila. Sa halos isang buwan na pamamalagi ko rito sa Lankan, unang beses kong nakitang tumawa nang ganito si Scott.  Napatingin naman ako sa babae. Hindi maipagkakailang maganda ito. Maputi at makinis ang kutis nya. Hindi ko sya maexplain pero swak ang ganda nya pang miss universe mga sis! May kung ano sa akin na nagsasabing huwag ko na lang silang istorbohin. Kaya naman hindi na ako tumuloy at napagdesisyunan kong lumabas na lang ng bukot na 'yon.  Saktong pagkalabas ko ay nagulat ako nang may mabunggo ako. "Ouch." Daing ko sabay himas sa braso ko. Sakit nun ah. "Malik!" Masayang sabi ng nakabunggo sa akin.  "Ace!" Same energy na sabi ko nang lingunin ko sya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. "May sasabihin lang sana ako kay ginoong Scott." Nakangiti nyang sagot. "Ikaw?" He added. Nag-isip ako nang saglit. "Uhm... may sasabihin lang rin sana kaso busy sya kaya huwag na lang pala."  Napalingon sya sa bukot ni Scott. "Ah ganon ba?"  Tumango ako. Magpapaalam na sana ako nang may pumasok na ideya sa utak ko. "Uhm... Ace." Nahihiyang pagtawag ko sa kanya. "Pwede bang tulungan mo akong magsanay?" Napakagat pa ako sa labi ko nang sabihin ko 'yon.  Shet nakakahiya. Nabalot ng pagtataka ang muka nya kaya binawi ko na lang. "Ay ano! Ayos lang naman kahit hindi hehe."  Nanlaki ang mga mata nya. "Ay hindi, nagtataka lang ako kung bakit hehe." Sabi nya habang kumakamot pa sa batok. Ang cute bwiset.  Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari kanina. "Ayun, sabi ni Apo Lakan ay magpatulong daw ako kay Scott mag sanay. Kaso isang hukbo na ang hawak nya kaya ayokong makadagdag pa sa istorbo at aalalahanin nya." Pagpapalusot ko.  "Kahit sino naman talaga ay mahuhumaling sa amoy mo." Pagbibiro nya na ikinainit ng pisngi ko. Bakit ba ang big deal ng amoy ko rito? Ano bang meron? Kung amoy lang naman ng mga taga sa atin ang gusto nila, kumuha na lang sila doon ng mga halang ang bituka at gawin nilang dinner. Pwe. "Sige tara, gusto mo ngayon na?" Halos mapatalon ako sa tuwa nang pumayag sya.  "Yey! Tara, sige ba!" Tuwang-tuwa na sabi ko. Life saver. Napagdesisyunan namin na sa burol na lang magsanay para maaliwalas ang paligid at medyo malayo sa mga Mage. I had a short moment para iappreciate ang view dito sa itaas bago sakin iniabot ni Ace ang isang mahabang patpat. "Hampasin mo 'ko." Maiksing instruction nya.  Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Ha?" Okay lang ba sya? Hindi ba kami mageespadahan kunwari? Bakit ako lang ang may patpat? Napatingin ako kay Bulak sa gilid na mahimbing nang natutulog sa ilalim ng puno.  Tinawanan lang ako ni Ace. "Kaunti lang naman ang tagarito ang gumagamit ng espada kaya wala ring saysay kung mag-eespadahan tayong dalawa kung iyan ang iniisip mo. Ang kailangan mong matutunan ay paano mo matatamaan ng espada ang kalaban mo kahit ano pang kakayahan o lahi nya." May point sya. Kaya naman walang salisalita ay mabilis ko syang hinampas ng patpat pero napanganga ako nang makaiwas sya kahit pa off-guard sya.  "Mabagal." Komento nya. "Ahh mabagal pala ah..." Sabi ko at muling hinampas sya pero kagaya nung una, madali nya lang itong naiwasan.  Hinampas ko sya nang paulit-ulit pero ganon pa rin. Ni isang beses o daplis ay hindi ko sya matamaan. Hinihingal na ako pero wala pa rin.  Bakit naman ang bilis nya? Frustrated na bulong ko sa isip ko.  "Mali kasi ang paghawak mo." Muling komento nya at lumapit sa akin. Pumwesto ito sa likod ko at inilapat ang mga kamay nya sa kamay kong nakahawak sa patpat. Pakinengshet ano ba to! Napatigil ako sa paghinga dahil sa sobrang lapit namin. Damang-dama ko ang kaatawan nya sa likod ko. "Ganito dapat para mas madali mong maikampay ang espada." Muling sabi nya at iginalaw ang kamay ko papunta sa tamang paghawak. Hindi ko alam kung naaabsorb ko ba ang mga sinasabi nya. Ang alam ko lang ay halos magtayuan ang lahat ng buhok ko sa katawan nang maramdaman ko ang hininga nya sa batok ko. "Tapos ganito ang paghampas." Bumwelo sya at idenemo ang paghampas habang tangay-tangay ang mga kamay ko. Dahil sa pagbwelo nyang yon, mas lalong nagdikit ang mga katawan namin.  Oh gard, ano ba naman ito.  Bago sya bumitaw ay naramdaman ko pang nagnakaw sya ng isang pagsinghot sa batok ko. "Ang bango mo talaga." Mahinang bulong nya pero hindi iyon nakatakas sa tenga ko.  Nagulat na lang ako nang bigla syang humagalpak ng tawa nang makita nya ang itsura ko. Malamang ay pulang-pula na ako ngayon dahil parang nakakapaso na ang init ng muka ko. "Patawad. Nakalimutan kong hindi ka nga pala sanay sa mga intimate na bagay." Bakas ang sinserided sa boses nya sa paghingi nya ng tawad.  "Bwiset ka!" Kunwaring naiinis na sigaw ko at mabilis syang hinampas ng patpat. Dumaplis ito ng kaunti sa damit nya. Kahit nagagwapuhan ako sa kanya, hindi pa rin ako papayag na manyak manyakin nya ko no! (joke 1/4) "Aba humusay ka ha. Pero kulang pa rin." Pang-aasar pa nya. "Ah ganon." Muli ko sya pinaulanan ng hampas. Wala syang ginawa kundi umatras nang umatras at umiwas. Napangisi ako nang makitang nasa dulo na sya ng bangin at wala na syang maaatrasan. Kaya naman humugot ako ng lakas at buong pwersa ko syang hinampas pero hindi ko inaasahan na makakaiwas sya. Ang mas hindi ko inaasahan ay nang hindi ko na napigilan ang katawan ko dahil sa pwersang ibinigay ko. Nagdirediretso ako. Halos lumuwa ang mga mata ko sa kaba nang marealize ko malalaglag na ako.  "Waaaaah~!" Nanlalaking mata kong sigaw nang maramdaman kong pataob akong nalaglag sa bangin. Narinig ko pa ang pagtawag ni Ace sa pangalan ko bago ko ipikit ang mga mata ko at tinanggap ang kapalaran ko nang ilang segundo na lang ay tatama na ako sa mababatong ibaba ng bangin. Nagtaka ako nang bigla akong napahinto sa pagkahulog. Napadilat ako at nakita kong tila nakalutang ako sa ere at kaface to face ko na ang mga bato.  "Ouch!" Bulalas ko nang bigla akong bumagsak.  "Malik!" Malakas na sigaw ni Ace sa itaas ng bangin. Nilingon ko sya at nag thumbs up sa kanya kahit pa hingal na hingal ako at hindi makapaniwalang muntik na akong matigok. Kitang-kita ko ang pagtataka at relief sa muka nya.  "Salamat!" Sigaw ko rito pabalik. Mabuti na lang at iniligtas nya ako. "Hindi ako ang nagligtas sa iyo!" Muling sigaw nya na ikinataka ko. Wait, what?!  Nakita kong nagpalinga-linga sya na tila may hinahanap sa paligid.  Maya-maya pa ay nakita ko na sila ni Bulak sa hindi kalayuan malapit sa akin. "Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Ace nang makalapit sya.  Agad namang sumugod sa akin si Bulak at ikiniskis ang katawan nya sa akin.  Tumango ako. "Ayos lang hehe sorry ang tanga lang." Nahihiyang sabi ko patungkol sa akin.  Bobo ng lola nyo ayan tuloy nahulog sa bangin.  "Sino kaya ang gumawa non?" Tila ba kausap nya ang sarili nya kaya wala sa sariling nasabi nya iyon ng malakas. Napakunot ang noo ko. "Anong sinasabi mong hindi ikaw ang nagligtas sa akin? Eh sino?" Takang tanong ko at mabilis na iniscan ang lugar. Wala namang ibang mage.  "Hindi talaga ako dahil wala akong ganong kakayahan. Mukang telekinesis 'yon." Seryosong sabi nya.  "Telekinesis?" Curious na tanong ko. "Kakayahang magpalutang ng mga bagay." Simpleng sagot nya.  Agad namang pumasok sa isip ko si Apo Lakan. "Ah, si Apo Lakan!" Sabi ko habang nakangiti. Nawala ang ngiti ko at napalitan ng puzzled expression nang umiling sya. "Hindi telekinesis ang kapangyarihan ni Apo Lakan." Seryoso pa ring sabi nya. "Pagkontrol sa oras ang kakayahan ni Apo. Medyo may hawig sa telekinesis pero magkaiba 'yon." Woah! Ngayon ko lang nalaman ang kapangyarihan ni Apo. Ano kayang kaya nyang gawin? Pahintuin ang oras? Pabagalin? Pabilisin? Amazing!  "May kakilala ka bang kayang gumamit ng telekinesis?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang sya ulit. "Marami dahil normal lang ang kakayahan na yon." Sagot nya habang nakatingin sa buong bayan na kita mula dito sa taas. "Pero bukod don, may isa pang kakayahan ang pwedeng makagawa non." Lumingon sya sa akin. "Elemental magic na kayang kumontrol ng hangin. Ang kaso lang ay wala pang ni isa sa Beline ang may ganoong kakayahan." --- Madilim na nang makababa kami sa burol. Napagdesisyunan naming pumunta kay Apo Lakan para ipagbigay-alam ang nangyari. Balak ko ring sabihin kay Apo na si Ace na lang ang tutulong sa akin magsanay. "Sigurado ka bang hindi ikaw?" Muling tanong ko dito.  Tumawa lang sya habang umiiling. "Hindi nya. Yelo ang kakayahan ko at sa dalawampung taong pamumuhay ko ay hindi ko pa nararanasang kumontrol ng hangin."  Nang makapasok kami sa bukot ni Apo Lakan ay parehas kaming napahinto ni Ace nang makitang nandoon din si Scott. Parehas silang napatingin ni Apo sa direksyon namin pagkapasok namin.  "Oh, anong isinadya nyo rito?" Bungad sa amin ni Apo Lakan.  Napatingin akong muli sa lalaking nasa tabi nya. Nagdalawang-isip tuloy ako kung sasabihin ko pa na si Ace na lang ang magsasanay sa akin.  I cleared my throat. "Uhm... Apo Lakan. Gusto ko pong sabihin na si Ace na lang po ang magsasanay sa akin kung pwede lang." Nahihiyang sabi ko rito. Nakita ko naman ang bahagyang pagkalito sa muka ni Scott. "Ah ganon ba? Ang akala ko pa naman ay napagbigay-alam mo na kay Scott." Nakangiting sabi ng matanda.  Itinuon nya ang direksyon sa katabing lalaki. "Iyon sana ang dahilan kung bakit kita pinatawag dito."  Mas lalong nagtaka si Scott sa sinabi ng matanda. "Ano po ba iyon, Apo?" Tanong nya rito. "Kanina kasi ay may umaaligid na bampira sa labas ng bakod at si Malik at Clara pa mismo ang nakapansin doon. Sa tingin ko ay naamoy na nila si Malik kaya naman hihilingin ko sana na sanayin mo syang protektahan ang kanyang sarili pero-" Lumingon ito kay Ace. "Mukang nakahanap na ata sya ng guro."  Agad na nilingon ako ni Scott. Bakas ang disgusto sa muka nya. Hindi ko mawari kung naiinis ba to dahil sa kanya sana iaatas ang responsibilidad sa akin o dahil mababawasan lang yung oras nya para makipagkita sa jowa nya.  "Uh ano po kasi, marami na pong responsibilidad si Scott kaya ayoko na po sanang abalahin sya." Nahihiyang pagdadahilan ko. Unconsciously ko tuloy na hinihimas si Bulak na gumagawa ng mahihinang growl.  "Ayos lang naman daw po kay Ace." Dagdag ko pa. Mabilis namang tumango si Ace sa tabi ko. "Kung ganoon ay sige. Mahusay na mandirigma naman 'yang si Ace." Pinal na sabi ni  Apo Lakan. Napabuga na lang ako ng hangin. Yes, pumayag. This time ay si Ace naman ang nagsalita. "Sa totoo po nyan ay nakapagsimula na ho kami kanina sa burol. May hindi pa nga po inaasahang nangyari. Hindi po sinasadyang nahulog sa Malik sa bangin pero nang tatama na sya sa batuhan ay bigla syang huminto bago tuluyang malaglag. Sa tingin ko ho ay telekinesis o pagkontrol sa hangin ang gumawa 'non. Mabilis ko hong sinuyod ang lugar pero ni bakas ng kahit sinong Mage ay wala akong natagpuan. Maski amoy kahit saan ay wala." Mahabang pagkukwento nya sa nangyari.  Bakas ang pagtataka sa muka ni Apo Lakan sa narinig. Mas bumakas naman ang disgusto sa muka ng katabi nya. "Sinasabi mo bang kayong dalawa lang at si Bulak ang nandoon sa burol?" Pagkukumpirma nya. Sabay naman kaming tumango ni Ace. "Hindi ba ikaw ang may gawa?" Sunod na tanong nya pero umiling lang ang katabi ko. "Nakapagtataka. O sige, paiimbistigahan ko yan. Salamat sa pagpapabatid." Nakangiti nang sabi ni Apo.  "Kung gayon po ay mauuna na ho kami." Pagpapaalam na namin ni Ace at sabay na yumuko. Pero bago pa man kami makalabas ay pinigilan sya ni Apo. "Maaari bang maiwan ka muna Ace dahil pag-uuspan natin ang magiging ensayo nyo ni Malik." Tumingin muna sa akin si Ace bago tumango. "Ikaw naman, Scott. Makakaalis ka na. Ihatid mo muna si Malik sa kanyang bukot." Utos naman nya sa katabi.  Halos mabilaukan ako. Ayoko nga!  "Ay, nako. Kaya ko na po hehe." Nahihiyang pagtanggi ko pero wala na akong nagawa nang tumayo na si Scott. Nakarating kami sa tapat ng bukot ko nang walang nagsasalita sa amin. Ramdam na ramdam ko ang negative aura nya ngayon. Ayoko rin naman syang kausapin. Ewan ko. Naiinis ako sa kanya na ewan eh wala namang dahilan.  Bago ako pumasok ay nagpantig ang tenga ko sa huling sinabi nya. "Ayoko ng amoy mo." Matigas na sabi nito bago tuluyang naglakad papalayo. Naiwan naman ako doon na nakatulala na parang tanga. Buong stay ko rito, ngayon lang ako nasabihan na ayaw ng someone ang amoy ko!  Napatigil ako sa pag-iisip nang sinalubong ako ni Clara. "Hoy bat ngayon ka lang?" Tinignan ko lang sya. Maya-maya ay lumapit ito sa akin at inamoy ako. Napalitan ang expression ng muka nya na parang may ginawa akong kababalaghan. "Bakit nasa katawan mo ang amoy ni Ace?" Kinikilig na tanong nya.  Nanlaki na lang ang mga mata ko nang maalala kung gaano kalapit ang katawan namin ni Ace kanina at naiwan pa ang amoy nya sa akin.  Shet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD