Chapter 8 | Boundary

1646 Words
Nang makatayo kami ay hindi pa rin nawawala ang kuyente sa dibdib ko. Magic ba to?  Dali-dali namang lumapit si Stowne sa amin at natatarantang humingi ng tawad.  Natawa lang ako. "Okay lang kami." Nginitian ko sya to reassure him. --- Tanghali na nang makauwi ako. Medyo tirik na ang araw pero ang kagandahan lang ay hindi ito masakit sa balat. Keep up naman sa dati kong mundo na wala ka pang five minutes sa labas ay lusaw ka na. Ehem, Pilipinas. Sinalubong ako ni Calara nang papasok na sana ako sa bukot ko. "Saan ka galing, aber?" Entrada nya.  "Sa mga hukbo." I answered. She just gave me a suspicious look kaya nagsalita pa ko. "Kasama ko si Scott."  Nagliwanag ang muka nya dahil sa sinabi ko.  "Magkasama kayo?" Kinikilig na tanong nya. Kelan pa 'to naging ganto?  "Ulit-ulit lang?" Sabi ko sabay irap. Dahil binabagabag pa rin ako sa nangyari kanina ay nagtanong na ako sa kanya. "Clara, may kakayahan ba si Scott manguryente... lalo na sa dibdib?" Seryosong tanong ko dito sabay hawak pa sa dibdib ko.  Nagtaka naman sya. "Ha? Kuryente? Malayong-malayo yon sa kapangyarihan nya. Si Lumus pwede pa. Kaso kung sa dibdib lang, ay tyak na hindi sya. Sa lakas ba naman ng kapangyarihan non, kapag kinuryente ka non, mangingisay buong katawan mo." Mahabang sagot nya. "Bakit ano bang nangyari?" Seryosong tanong nya pa. "Eh kasi kanina tatamaan sana kami ng magic ni Stowne buti na lang at nahila ako ni Scott. Kaso lang nadapa kami at napaibabaw sya sa akin. Tapos ayon, parang biglang may nanguryente ng dibdib ko." Seryosong pagkukwento ko with matching action pa. Tinitigan lang nya ako ng ilang segundo bago humagalpak ng tawa. Nagtaka naman ako. Naloka na? "Bat ka tumatawa?" Tanong ko.  Nagpahid pa sya ng luha kakatawa bago sumagot. "Hindi magic ang naramdaman mo." Sabi nya sa akin. Nagtaka ako lalo. "Eh ano yon?"  "Pagkagusto." Seryosong sabi nya. Ilang segunod pa pinroseso ng utak ko kung ano ang ibig-sabihn ng isang salita na sinabi nya. At nang marealize ko- "What?! Hindi ko sya gusto no!" Defensive na sigaw ko sa ate mong Clara. Pagkagusto? Crush? Heck, no.  Yung muka nya ay parang nang-aasar. "Eh, bakit ang defensive mo?" Natatawang tanong nya. "Ha? Eh pano, ano... ang sungit-sungit kaya non!"  "Hindi naman mapipigilan ng kasungitan ang pagkagusto, Malik." "Saka..." Nag-isip pa ko ng ayaw ko sa kanya. "Ah basta! Hindi ko sya gusto." Pinal na sabi ko. She just made a face. "Aminin mo... makisig si ginoo, diba? Sabihin mo." Pang-aasar pa nya. "Oo, gwapo sya... pero-" Hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ay bigla na itong sumigaw. Nakuha na rin namin ang atensyon ng ibang Mage. "Ang ingay mo! Ang sasabihin ko ay -pero hindi ko sya gusto."  Tila hindi nya ako pinansin. "Naiintindihan ko naman kung magkakaroon ka ng interes kay ginoo. Makisig, malakas, responsable, at maalaga... sa iyo."  I frowned. "Maalaga sa akin?" "Oo kaya no. Alam mo, naririnig ko nga dyan sa tabi-tabi na maraming Mage ang naiingit sayo dahil sa atensyon na nakukuha mo kay ginoong Scott. Alam mo naman kasi na may pagkasuplado yon." Mahabang lithanya nya. Nag-init naman bigla ang muka ko. "Magtigil ka nga." Pero syempre hindi sya tumigil. "Kaso ang alam ko lang ay may dalaga nang iniibig si ginoong Scott." Bigla akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya.  "Ha?" Mabilis na tanong. May crush yung mokong na 'yon? Nakakatawa. "Oo. Si Luna, isang spell caster kagaya ko. Ang kaibahan lang ay mas mataas ang uri ng spells ang kaya nyang banggitin."  Agad akong nag-iwas ng tingin. "Hindi ko naman tinatanong, no. Hindi ko naman talaga crush si Scott na 'yon. Si Ace ang gusto ko." Kinikilig na sabi ko rito. Napahinto sya sa pang-aasar nya nang marinig ang pangalan ni Ace. "Si Ace? Hala pwede rin! Makising at kabilang sa Elemental Magic." Excited na sabi ng ate mong Clara. Natawa ako. Medyo naintriga ako sa huling sinabi nya. Nakapasok na kami sa aking bukot at pumwesto na rin si Bulak sa tabi ng kama ko para matulog.  "Elemental Magic?" I curiously asked.  "Hmm. Isa 'yon sa pinakamalalakas na magic na kayang kontrolin ng isang Mage. Kagaya na lang ng  lupa, tubig, apoy, kidlat, hangin at yelo." Maligalig naexplanation nya.  Napa-"Ohh" lang ako. "Kagaya nung apat na mokong?" Patungkol ko kay Ace, Rane, Stowne, at Lumus. Tumango naman sya. "At yung batang fire user na nakatama sa akin nung naglibot tayo?" Muli syang tumango.  "Sobrang bihira lang kasi ang nabibiyayaan ng Elemental Magic. Yung batang 'yon? Balang araw ay kukunin din yon para mapabilang sa hukbo. Masyado pa lang kasi syang bata at hindi pa kakayanin magsanay kasama ang mga bihasa na. Kaya sinasanay sya ng ilang guro mag-isa." Napataango-tango lang ako sa mga sinabi nya. So medyo big deal pala rito kapag elemental magic ang kakayahan mo. Nandito kaya si Amihan, Danaya, Alena, at Pirena? Encantadia could never. Matapos kaming kumain ng tanghalian at mag-asaran, inaya ako ni Clara sa kakahuyan para manguha ng mga halamang gamot na ipinakiusap sa kanya ng mga Healer at  Alchemists o mga Mage na gumagamit ng kaalaman at siyensya para makabuo ng kakaiba at magical na bagay.  Medyo nag-alangan pa ako dahil sa dalawang beses na napunta ako sa kakahuyan ay dalawang beses din may lumitaw na kakaibang nilalang. And dahil I don't want to feel worthless and s**t, sumama na ako para tulungan sya. Medyo nabawasan ang kaba ko nang maalala ang ginawa ni Bulak kanina. Isinama ko na lang sya sa amin.  "Bakit naman ang tahimik mo?" Pambabasag ni Clara sa katahimikan habang tinatahak namin ang ibang parte ng kakahuyan.  "Kapag may lumabas na kakaibang nilalang, gamitin mo na lang ang powers mo ha." Nag-aalalang sabi ko kay Clara na ikinatawa nya.  "Wala 'yan. Madalas ako rito. Kaunti lang ang mga gumagalang mababangis na nilalang dito." She said with reassuring tone kaya medyo nabawasan ang pangamba ko. Pero hindi nagtagal ay tila dumoble ang kaba ko nang makita ang bakod. Mahigpit na ipinagbabawal kasi ni Apo Lakan na lumabas ng bakod na nagpoprotekta sa buong Domain of Beline mula sa pagsalakay ng ibang lahi. Kahoy lang ito pero nababalot naman ito ng malalakas na spell na ang mga elders (elders= mga nakatatanda na bihasa sa paggamit ng malalakas na mahika tulad ni Apo Lakan) pa mismo ang naglagay para protektahan ang buong nasyon. Ibig sabihin ay halos nasa boundary lang kami ni Clara ng Beline at ng hindi ko alam na domain?  Napakapit na lang ako sa braso nya. "Sis, bakit dito naman tayo mangunguha ng halamang gamot?" Natatakot na tanong ko.  Tumawa nanaman sya. "Magrelax ka nga dyan. Lagi nga ako rito mula pagkabata pero hindi pa ako napapano ni isang beses. Saka dito lang makikita ang mga halamang gamot na tinutukoy ng mga Healers at Alchemists."  "Sure ka, ha?" Medyo alangan pa rin na sabi ko saka bumitaw sa braso nya. Tumango lang ang ate mong Clara. "Hmm. Okay, magsimula tayo sa Kentrophe." Sabi nya saka nagpalinga-linga sa lupa. Naiwan naman akong nakatayo roon na parang tanga. Ano yung kentrufi? Mukang natunugan nya na hindi pa ako kumikilos kaya nilingon nya ako.  Natawa sya nang marealize na hindi nga pala ako taga rito sa mundo nila kaya wala akong alam sa kahit anong klaseng halaman ang nandito. Kung meron man ay hindi pa rin basta-basta ang mga pinapahanap na halamang gamot. "Ay haha, sorry naman. Maliit na bulaklak 'yon na kulay lila." Pagsasalarawan nya.  Di nagtagal nang makakuha na kami ng sapat na bilang ay sunod naman kaming naghanap ng Vushnikulus o halamang d**o na nagroroll kapag nadidikitan. Naalala ko tuloy dito yung makahiya sa atin.  Abala ako sa pangunguha 'non nang marinig ko ang mahihinang growl ni Bulak sa tabi ko. Tinignan ko sya. "Anong problema, Bulak?" Tanong ko dito pero hindi ako nito pinansin. Nakatingin lang sya sa direksyon ng bakod habang gumagawa ng mahihinang growl.  Naging hindi maganda ang kutob ko kaya tinawag ko si Clara na abala pa rin sa pangunguha ng d**o. "Clara-" Pero bago ko matuloy ang sasabihin ko ay nakarinig kami ng medyo malalakas na kaluskos na nagmumula sa labas ng bakod. Alisto akong napalingon doon. Nagpapalipat-lipat ang mga kaluskos sa mga puno na naroon. Mapapansin mo rin ang paggalaw ng partikular na sanga ng mga puno.  Nagkatinginan kami ni Clara ng ilang segundo bago sumigaw ng- "TAKBO!" kasabay ang malakas na atungal ni Bulak. Mabilis kaming tumakbo at sumunod naman agad si Bulak. Halos manginig ang tuhod ko dahil sa kaba. Kung ano man ang nasa labas ng bakod na 'yon, alam kong delikado yon. Kahit ba protektado kami ng malakas ng spell ay hindi pa rin naman namin alam ang kakayahan ng nilalang na 'yon. Wala naman kaming nakita. Tanging paggalaw lang ng mga sanga at kaluskos pero siguradong may something doon. Nasense nga rin sya ni Bulak.  Naghahabol na ako ng hininga dahil sa pagtakbo pero hindi pa rin kami tumigil. Medyo kumalma lang ako nang makalabas kami sa kakahuyan. Parehas lang kaming huminto nang tuluyan na kaming makalabas.  "Ano... yon...?" Tanong ko sa gitna ng paghingal ko.  "Hindi ko alam." Sabi ng hinihingal na ate mong Clara.  Dali-dali kaming nagpunta kay Apo Lakan para magreport ng nangyari. Ikinuwento namin sa kanya ang mga nakita at narinig namin.  "Base sa mga sinabi nyo, mukang isang bampira ang nakita nyo." Seryosong sabi ni Apo Lakan. Parehas kaming natahimik ni Clara na nasa tabi ko ngayon. "Mabibilis ang mga bampira kaya baka hindi nyo nakita ang paggalaw nito. Ang ikinatataka ko lang ay papaano at bakit nagkaroon ng bampira sa labas ng Beline? Hindi ito ordinaryong pangyayari." Dagdag pa nya at seryosong nag-isip bago tumingin sa akin. "Sa tingin ko ay naamoy na nila ang presensya mo, Malik." Mas seryosong sabi ni Apo Lakan sa akin na ikinalaglag ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD