Bigla akong nanlumo nang mabalitaan kong forty-five daw na miyembro ng hukbo ang nasawi mula sa naganap na labanan. Pero ang sabi ni Ace ay higit na mababa raw yon kumpara sa mga pinagdaanan nilang iba pang labanan. Hindi ko naman maiwasang makonsensya nang makumpira ko na ako nga ang dahilan kung bakit sinugod ng mga Lycan ang Beline. Higit sa kwarenta ang nawala dahil sa akin. Pero ang ipinagtataka naming lahat-- papaanong nagawang makapasok ng mga Lycan sa loob ng bakod? Napatingin na lang ako kay Scott na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Ilang oras na ang nakalilipas nang matapos ang labanan kaya naman dinala sa headquarters ng mga healers ang mga sugatan. Kabilang na si Scott. "Matulog ka na muna kaya?" Ang sabi ng inaantok na si Clara nang magising sya. Nagpupunas-punas

