Karnev's Domain "Ngayong gabi tayo susugod sa Beline." Matigas na tinig ng leader ng pack. Matikas itong nakatindig sa gitna ng iba pang Lycan. Mababakas mo ang hindi matitibag nitong autoridad na talaga namang nagagawang pasunurin ang nasasakupan. "Tandaan nyo na hindi kayo mananakit dahil hindi iyon ang ipinunta natin. Tatakutin lang natin sila para kusa nilang ibigay ang target natin. Pero sa oras na magpumilit sila na itago ito, alam nyo na ang gagawin. Dugo at dahas ang mananaig." Dagdag pa nito na ikinahiyaw ng lahat g nakarinig. --- Scott's Point of View "Malapit na sila." Bahagya akong nagulat nang sambitin iyon ni Malik. Hindi ko alam pero naghahalo-halo na sa loob ko ang dapat kong maramdaman. Gigil, takot, at pangamba. Unti-unti kong naramdaman ang panginginig ng laman

