"Siguro ay kailangan mo na lang ulit sanayin ang sarili mong pinagtitinginan." Seryosong suhestyon ni Clara. Napabuntong hininga ako. "Siguro nga." Kahapon kasi ay nang maihatid ako ni Scott dito sa bukot ko, nagtungo sya kay Apo Lakan para itanong kung may paraan ba para itago ang amoy ko. Di nagtagal ay naramdaman ko ang pagdating nya habang umaasang may dala syang bagay na makatutulong sa sitwasyon ko. Pero laking panlulumo ko nang sabihin nyang wala syang nahanap na kung ano man. "Bakla ka, ano ba kasing ginawa mo?!" Takang tanong sa akin ni Clara. "Ipanalangin mo na lang na muling masanay ang mga taga-rito dyan sa amoy mo dahil kung hindi, tiyak na maraming aali-aligid dyan sa'yo." Pinanlakihan ko sya ng mata. "Aba malay ko! Wala!" Sabi ko sabay frustrated na tumayo. "Oh, san

