Naramdaman ko sa lupa na humahabol sakin si Scott kaya naman mas binilisan ko pa ang lakad ko. I don't want to deal with him yet. I just want to figure out my feelings toward him first. Pero mukang dedicated syang mahabol ako. Naramdaman ko kasing palapit na nang papalapit ang vibration sa lupa. "Malik!" Napahinto ako nang tumawag sya. It took me a minute bago ko sya nilingon. "Sorry sa istorbo." Sincere na sabi ko. "Nasuka ka." Biglang bulalas nya habang hinihingal pa. Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Anong pinasasasabi nito? Na-Nasuka ako, what?! "Anong nasuka?" Takang tanong ko. "Nasukahan mo yung damit mo kagabi kaya tinanggal ko." Pagsagot naman nya. Literal na napa-o ang bibig ko nang marealize na sinagot nya lang pala yung tanong ko kanina. Did he just run and gon

