Muling pinagtitinginan si Lalaine habang naglalakad patungo sa kanyang klase. Suot na muli niya ang kanyang mahabang palad at blusa na mahaba ang manggas. Nakapusod na muli pataas ang kanyang buhok at may salamin sa mata. Para siyang si Betty La Fea, ang kulang lamang ay braces. Ngunit malaki ang pagkakaiba nila ni Betty, ganoon man kasi ang itsura nito, kabaliktaran naman niya ito sa ugali. Malakas ang loob at confident si Betty sa sarili, hindi gaya niya na kulang na lang ay magpalamon sa lupa para mawala sa mapanghusgang mga tingin ng mga taong nakakasalamuha. Muli na naman niyang naranasan ang pagtawanan. Ang mga tinging kumukutya sa kanya. Hindi man niya salubungin ang mga mata ng mga ito, alam niyang iyon ang mababasa sa mga iyon. "Sanay ka na...huwag kang matakot!" Pampalubag loob

