"Adrian! Buti naman at lumabas ka sa lungga mo!" sigaw ni Arnel nang makita siya pabungad sa bar na paborito nilang puntahan na magbabarkada. Lagi niyang gino-ghost ang mga ito sa tuwing aayain siya. Ngayon lamang siya nagpakita, bukod kasi sa kailangan niya ng alak sa katawan, he needs someone to talk to. Particular na tao. "Where's Allen?" "Naku! Si Allen lang ba ang nami-miss mo? You literally ghosting us, bro! Sinasadya mo tapos si Allen lang ang sinadya mo rito!" Gusto niyang batukan si Arnel sa pahayag nito. "Naku uminom ka nga muna! Bestfriend mo, hayun may kalaro." Ininguso naman ni Ian ang isang sulok ng bar. Lumingon siya roon. Doon ay nakita niya si Allen na may hinahalikang babae sa medyo madilim na gilid ng bar. Ang kamay pa nito ay nasa puwetan na ng babae habang naghaha

