"Are you okay, dear?"
Umungol lamang si Lalaine at nagkunwaring nilalamig. Naramdaman niya ang pag-upo ng kanyang ama sa gilid ng kanyang kama at hinaplos nito ang kanyang buhok.
"Sige, magpahinga ka na lamang dito. Kami na lamang ni Adrian ang dadalo sa party..."
Bumalikwas siya ng bangon. "Po? Kasama niyo si Adrian?" Hindi niya napigilang bulaslas nang malakas. Napakagat labi siya nang kunot noo siyang tinitigan ng ama.
Alanganin siyang ngumiti rito. Narinig lamang niya ang pangalan ni Adrian ay muntikan pa siyang mabuko na nagsakit-sakitan lamamg siya.
Inapuhap ng kanyang ang kanyang noo.
"Mukha ngang may sinat ka. Magpahinga ka na lamang dito," saad nito at itinulak siyang muli para mahiga at makapagpahinga.
Napalunok siya at muling bumangon para pigilan sa kamay ang ama nang akma na itong tatayo.
"Sasama ako, Dad," ika niyabg napakagat labi at nag-iwas ng tingin sa kanyang ama.
"But, you're unwell dear. Baka mapaano ka."
Muli siyang napaangat ng tingin sa kanyang ama at napailing. Kung bakit ba kasi sasama si Adrian. Akala niya hindi ito interesado roon. Napatanong tuloy siya sa sarili kung bakit biglang napapayag ito? Hindi kaya binubugbog na naman ng kanyang ama dahil sa pagsuway nito. O maaring nais talagang sumama nito pero ayaw siyang makasama kaya gumawa ng paraan para ma-discourage siyang pumunta.
"Dad, it's Tito Roel's birthday. Nakakahiya na hindi ako magpakita. Maliligo lamang ako, maybe it will help," sabi niyang bumangon na at naglakad papunta sa kanyang banyo. "Wait for me, okay?" ika niya nang muling lingunin ang ama bago isara ang pinto.
Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kanyang kuwarto kaya dali-dali na rin siyang nagtanggal ng suot. Bumagsak ang bawang sa kanyang kili-kili nang matanggal ang kanyang pajama.
Kahit hindi sinagot ng Nanay Erna niya kung epektibo ba iyon ay kusa siyang naglagay. Uminit nga ang kanyang katawan. Lalo na at talagang nagtalukbong siya para lalong magmukhang may sakit kahit na hirap na hirap na siya sa paghinga.
Agad siyang naligo. Mabilis siyang kumuha ng damit na mapagbibihisan. Kinuha niya ang latest na damit na binili niya online. Hindi pa niya iyon naisusukat kaya balak niya iyon ngayon suotin.
Kahel ang kulay at mahabang palda. Hanggang siko ang manggas. Size small siya pero ang in-order niya ay medium. Ayaw niyang humapit ang telang malambot sa kanyang katawan.
Nasiyahan siya sa nakitang itsura ng damit nang maisukat iyon. Medyo maluwang iyon pero maayos naman tignan sa kanya. Itinaas niyang mabuti ang kanyang salamin sa mata upang muling sipatin ang sarili sa salamin.
Isang malawak na ngiti ang naipagkit sa kanyang labi. Inilugay niya ang mahabang buhok at naglagay ng pulbos. Nang makuntento na sa itsura ay nagmamadali na siyang bumaba. Dala-dala ang doll shoes na isusuot kapareha ng damit.
Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang nagdahan-dahan siyang bumaba. Nasa paanan kasi ng hagdan si Adrian habang sinisipat nito ang relo. Naka-side view ito pero halata pa rin sa itsura ang pagkairita.
Napanguso siya dahil alam niyang siya ang dahilan kaya hindi maipinta ang mukha nito ngayon.
Nang muntikan na siyang madulas dahil nag-angat ito ng tingin sa kanya. Parang slow motion ang lahat sa kanyang paligid nang mapagmasdang mabuti ang lalaking iniibig. Bagay na bagay dito ang itim na coat at stripes na tie. Bumaba ang kanyang tingin sa suot nitong slacks na medyo bitin sa paanan. Binagayan nito iyon ng leather at itim na sapatos. Para itong modelo sa magazine. Napaawang ang bibig ni Lalaine sa kaguwapuhang nakabalandra sa kanyang pagbaba.
Hindi naman mapigilan ni Adrian na pagmasdan ang babaeng pababa na at dahilan kung bakit hindi pa siya makaalis alis. Kanina pa sana siya nasa party kung hindi lamang siya binilinan ng ama nito na hintayin ang dalaga.
Naiinis siya dahil hindi niya akalaing sasama ito. Gumawa na nga siya ng paraan para manatili na lamang ito sa bahay nila pero hindi siya nagtagumpay. Pagtatawanan na naman siya ng ibang barkadang dadalo rin sa party na iyon. Iisang dahilan lamang naman ang ipinunta nila. Si Jeanne.
Dumilim ang mukha niya nang magtama ang kanilang mga mata.
"Sorry, late na ako. Nag-ayos pa kasi ako," saad ni Lalaine nang makababa at nasa harapan na niya.
Kumunot ang noo niya at muling sinuri ang babae. Mula ulo hanggang paa. Napakuyom siya sa kamao at napaismid.
"Nag-ayos ka na sa lagay na iyan?" Patuya niyang tinaasan ito ng kilay. "I guess, you really want to be the laughingstock again ha!" Iritableng ika niya at tinalikuran ang babaeng napayuko dahil sa kanyang sinabi. Naglakad siya palabas. "Tara na, late na tayo masyado!" asik niya na hindi man lang tinapunan ng tingin si Lalaine. Muling siyang napakuyom ng kamao habang patungo sa kanilang sasakyan.
Narinig niya ang mahihinang yabag ng babaeng nakasunod sa kanyang likuran. Pumasok siya agad sa loob ng kotse at hinintay itong makapuwesto na rin sa loob. Hindi man lamang niya iti nagawang alalayan.
Pinakiramdaman niya lamang ito at nang maayos na itong nakaupo ay pinaandar at pinaharurut niya ang kotse. Tahimik silang naglakbay, walang nais magsalita.
Kanina pa pinipigilan ni Lalaine ang luha. Nasaktan na naman kasi siya ni Adrian sa pamamagitan ng mga salita nito. Hindi niya tuloy mapigilang lamukusin ang tela ng kanyang damit.
Maayos naman ang tingin niya sa kanyang suot kaya hindi niya alam kung bakit pagtatawanan siya.
Napagtanto niyang totoo ngang pagtatawanan siya nang makarating na sila sa bahay ng mga Fuego. Sa malaking hardin ng mga ito ginanap ang selebrasyon.
Ang masaklap, kakulay ng damit niya ang table cloth sa mga mesa. Napakagat labi siya lalo na noong pinagtitinginan siya ng mapanghusgang mga mata. Nang mga labing natatawa.
Tiningala niya si Adrian na blangko ang matang nakatitig sa kanya. Nag-iwas din lang naman ng tingin noong tumingala siya.
"Tara na, ihahatid kita sa ama mo!" Malamig na saad nito hinila pa siya papasok. Nagpatianod na lamang siya sa paghila nito. Napatigil lamang sila sa dami ng humaharang at bumabati ritong mga babae. Sabay tapon ng matatalim na tingin sa kanya.
Muli, gusto niyang maiyak. Gusto niyang magsisi. Alam niyang binalaan na siya ni Adrian pero hindi siya nakinig. Nanginginig ang kanyang tuhod, buti na lamang at hindi siya binitiwan ni Adrian at nakaalalay pa rin sa kanya.
"Sandali."
Hinila niya ang kamay nito at hinihingal siyang tumigil ng paglalakad. Kaunti pa lamang ang nalalakad nila pero hinihingal na siya. Dahil iyon sa naghalo-halong emosyon sa kanyang sistema. Nadagdagan pa nang ilapit ni Adrian ang mukha sa kanya at bumulong.
"Sinabi ko na kasi. Now, face the consequences!" saad nitong muli siyang hinila. Tumigil lamang sila sa kumpulan ng matatanda.
"Oh, nandito na pala ang aking inaanak," palatak ng Tito Roel niya at lumapit sa kanya para sa isang yakap.
"Happy Birthday, Nong," bati niya at pilit pinapasaya ang boses.
"You look great, hija!" ika nito nang magkalayo sila mula sa pagkakayakap at sinipat siya ng tingin.
Mapait lamang siyang napangiti dahil alam niyang kaplastikan iyon. Lumapit sa kanya ang ama at niyakap siya. Saka tinapunan ng tingin si Adrian na nasa tabi niya, seryoso.
Tinapik ito ng kanyang ama sa balikat. "You both enjoy the party. May pagmi-meeting-an lamang kami," saad nito sa kanilang dalawa ni Adrian.
Natawa lamang ang Ninong Roel niya nang bumaling siya rito at tumango.
"Naku, Dad. Birthday party mo pero business pa rin ang inaatupag mo?" Mula sa kanilang likod ay isang boses ang pumaibabaw sa paligid. Malambing ang tinig nito kaya napalingon siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang napakaseksing babae sa suot na red gown. V-cut ang sa dibdib na halos kita na ang kalahati ng malulusog na dibdib.
"Jeanne, anak." Iminuwestra ng Ninong Roel niya ang kamay para lumapit ang babaeng palapit ja rin naman sa kanila. Seksing naglakad si Jeanne patungo sa ama pero bago iyon, nahuli niya ang tinging ipinukol nito kay Adrian. "Alam mo naman na hindi talaga para sa akin ang party na ito. Welcome party namin sa iyo ito dahil sa wakas, naisipan mo nang umuwi," wika ng Ninong Roel niya.
"Oh, Daddy. Thank you. My birthday gift to you!" saad naman ni Jeanne at niyakap ang ama.
Nagtawanan ang matatanda. Pagkatapos ay bumaling sa kanila si Jeanne. Tinapunan siya nito ng tingin.
"Lalaine, is that you?" Tipid siyang ngumiti dito. Pilit pinasaya ang aura kahit pakiramdam niya'y hindi siya nababagay sa kumpol ng mga taong naroon. "Wala kang pinagbago!" Palatak nito at bumeso sa kanya. "You're still a manang!" bulong nito bago lumayo at ngumiti ng pagkatamis-tamis kay Adrian.