Gulat na gulat si Lalaine sa ginawang iyon ni Adrian. Maging ng mga naroon. Panay ang click at flash ng mga cameras. Mas umugong ang bulong bulungan at ngayon nga ay parang kung mas gusto niyang lumubog na sa kinatatayuan. The kiss was not long or deep. It's just for a show. At nagtagumpay ito dahil nang muli siyang tumingin sa gawi ni Allen ay wala na ito roon. Hinanap rin ng mga mata niya si Jeanne. Naroon pa rin ito sa dating kinatatayuan. Hindi natinag, bagkus ay humalukipkip ito at mariing nakatitig sa kanila. Parang inaasahan na nito ang mga pangyayaring iyon. Ni hindi niya makita sa mga mata nito na nasasaktan. May kaunting ismid pa nga siyang naaninag sa mga labi nito. Gusto niyang matawa. Sabagay, sanay naman na si Jeanne sa mga laro ni Adrian. Iba't ibang babae ang lumabas maso

