"A game, huh! Laine..."tawag sa kanya ni Allen. Ngunit hindi niya magawang iangat ang paningin sa lalaki. Nagulat na lamang si Lalaine nang hinaklit siya ni Allen palayo kay Adrian. Hindi naman malakas ang pagkakahaklit nito sa kanya. Na kahit mahigpit ang pagkakahawak ni Adrian sa kanya kanina ay nabitiwan pa rin siya. "Laine is not a toy, Adrian..." Tumawang muli ng pagak si Adrian. Itinaas pa ang mga kamay na tila sumusuko kunwari kay Allen. "Sino bang nagsabing laruan siya, Allen. She's playing with us..." "Fack you, Adrian!" Nanggigigil na dinuro ni Allen ang kaibigan. Naalarma si Lalaine kaya hinawakan niya ang braso ni Allen upang pigilan ito kung susugod man. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Adrian dahil tumagal ang tingin nito sa kamay niyang nakapigil kay Allen. "Be fai

