Balisa pa rin si Lalaine nang sunduin siya ni Allen. Naglalaro pa rin sa isip niya ang mga sinabi ni Jeanne. Pagod siya at ang isip niya ngunit mas gusto niya ang sumama rito kesa ang magpahinga. "Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Allen sa kanya nang tila umeespasyo siya rito. Hindi niya kasi mapigilang mapaisip at mawala sa sarili. "Gutom ka lang siguro. What do you want to eat?" Pinilit ni Lalaine na ibaling ang atensiyon kay Allen. Hindi siya dapat magpaapekto sa mga nalaman dahil siguradong apektado maging ang pagbubuntis niya. Kailangan niyang magpakatatag. "I want to eat, pizza. Iyong maraming veggies..." sagot niya na pilit pinasaya ang boses. Ngumiti nang pagkatamis-tamis si Allen bago itutok na muli ang mga mata sa daan. Ngunit nawala ang ngiting iyon nang hindi na n

